Chapter 12

122 5 0
                                    

Chapter 12- Clea First Fight

Clea's P.O.V

Nagising na lamang ako nang dahil sa sigaw sa labas ng dorm.

Dahan dahan akong bumangon at napatigil ng makitang wala sina kuya sa kanilang kama.

"TULONG!" Sigaw ng nasa labas.

Doon lang pumasok sa isip ko ang mga nangyayari ngayon. Labanan ng lahat ng Gangster sa school!

Dali akong nag ayos lalong lalo na ang wig ko. Kailangan kong puntahan sina kuya. Paglabas ko ng kwarto naka bukas ng bahagya ang pintuan ng kwarto nina JL, Migz, at Kai. Wala rin sila?

Sabagay kasama rin naman sila sa mga member ng gang.

Hindi na ako nag alanganin pa at dali na akong lumabas ng dorm napa ka dilim ng paligin at bigla rin tumahimik. Dala ang takot at pangamba na baka mapahamak na lang bigla ng hindi alam nina kuya.

Na gulat na lamang ako ng biglang may dalawang pusa ang dumaan sa harapan ko. Isang maliit na kuting at malaking pusa. Mag ina ang mga ito. Titig na titig ang malaking pusa sa akin. Kaya dali dali na akong kumaripas ng takbo paalis roon.

Hanggang sa makaratinga ako ng lumang basketball o kung tawagin nila ay Hell of Court. Maingay maraming nag hihiwayan na mga lalaki. Palihim akong pumasok upang hindi nila malaman baka kalaban ng gang nina kuya lagot ako pag na chempo nila ako dito.

May malaking ring at sa loob non ay dalawang lalaking nag su-suntukan. Duguan na ang isa habang ang kalaban naman nito ay nagsasaya. Sino ba siya? Parang pamilyar na pamilyar ang mukha niya. Wala itong pang itaas na damit kaya kitang kita ang matipunong bisig, Napalunok na lamang ako ng biglang napadako ang mata ko sa abs nitong pawisan. Napatigil na lang ako ng makita kung sino ang tinititigan ko.

"Andreas"

Bigkas ng aking bibig nang mamukaan ko ang taong tinitignan ko.

Bumalik ang mga mata ko sa kalaban niya. Naging payapa naman ang kalooban ko dahil mabuti at hindi isa sa mga kuya ko. Binalikan ko ang tingin kay Andreas kung saan nilapitan siya ng mga kasamahan niya. Si Kuya Cleo, Justine, at Darwin. Ang saya saya nilang binabati ang kaibigan nilang nanalo sa BOXING!

Bakit mayroon na ganito sa school! Kinabahan ako dahil isa sa mga gusto ni kuya Cleo ang makapag laro ng boxing na iyon. Huwag lang sana siyang mag laro.

Habang naka tayo at pinapanood ang mga nag sasaya ay bigla na lang may isang napa kalas at nakakabinging tunog ang biglang nag pa hinto sa kanilang lahat.

Napa takip na lang ako ng dalawang tenga gamit ang dalawa kong kamay. Pilit ko parin pinapanood ang lahat na naririto. Literal na parang huminto ang oras dahil sa tunog na iyon biglang may makalas na sigaw ang ng pag gising ng diwa nilang lahat.

"SPORT FIELD!!!"

Nagsisigawan silang lahat ang iba naman ay nag tatalunan at tawanan.

Anong nangyayari? Anong meron doon sa sport field na sinasabi nila.

Gulat nalang ako ng may bumungo sakin.

Hindi Isa 

Hindi Dalawa 

Kundi Marami

Maraming nag aalisan ngayon at palabas na sila ng Hell Of Court.

Nang dahil sa palabas na silang lahat ay na hahatak ako at na sasama sa kanila. Wala na akong magawa kundi ang mag pa-anod na lamang sa kanila at kung hindi pa ako nag pa-anod ay baka ma-tapak-tapakan na lang nila ako

Me And The Gangster Leader'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon