Chapter 10.02

122 9 0
                                    

Chapter 10.02- Pinuno

Clea P.O.V

Naka upo ako ngayon sa sahig sa harapan ng kanyang mesa, habang siya ay nasa harapan ko naka upo sa kanya upuan. Nasa tuhod ang kanyang mga braso at ang kanyang dalawang kamay ay naka saklob ang mga ito malalim ang mga titig niya. Sa bawat mag salubong ang aming mga Mata ay agad akong umiiwas. Hindi ko kayang sa bayan ang mga titig niya para akong mamatay japag gagawin ko yon

Sobra ang panginginig ng kamay ko at hindi matigil ang pag labas ng luha sa mata ko

Ano na bang oras at bakit hindi pa bumabalik si Badang dito ano kayang nangyare sa kanya.

Ano na kayang mangyayare sa amin nina kuya baka paalisin nalamang kami bigla rito sa school at lalo na iyong kasabihin nila na kapag nag papasok ng isang babae sa school na ito parusa. Isang matinding parusa ang mangyayare saamin nito

Iniisip ko pa langang parusang gagawin niya natatakot na ako para kila kuya

"Bakit, bakit ka pinapasok nina Cleon rito?"

Napahinto lang ako sa pag iisip ko tungkol sa parusang ihahatol saamin ng bigla siyang mag tanong

"Sagot!" Bigla sigaw niya kaya naman na nginig ng sobra ang buong katawan ko at puro utal utal lang ang na isagot ko

"Hi-Hindi ko a-ala-m" sabay iling ko sa ulo ko

Nakakatakot pala siyang magalit. Ang mga mata niyang singkit ay lumalaki ang boses niya lalo pang nagiging malalim kapag mahinahon siya

Natatakot na ako baka hinahanap na ako nina kuya. Kailangan kong maitanong kung ano nang oras

"Ano nang oras? Kailangan ko nang bumalik sa dorm baka hinahanap na ako nina ku—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumapit at sinabunutan ako "Ahh" sabay hawak ko sa buhok ko

"You want to know what time it is!" Gigil na sabi niya "It's 9:47 p.m" tanging pag tango lang ang naisagot ko

Naka luhod ang isa niyang tuhod at ang isa naman ay hindi. Bigla nalamang niyang sinakmal ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay

"Kailangan mo ng umalis dito Clea o Lei kung sino ka man.Get out of here and you and your brothers before anyone knows about it"

"Wa-Wala namang ma-k-kaka-alam ng iba kung hindi mo ipag sasabi" matapang na saad ko at mas lalo pang humigpit ang pag kakahawak niya sa pisngi ko at sa pag sabunot sa akin

"Alam mo ba kung anong klasing parusa ang maihahatol sa inyo ng buong estudyante rito. Alam mo ba ang sinasabi mo hah!"

Sumasakit na ang pisngi ko sa paghawak niya. At nalalagas na rin ang buhok ko sa pag kakasabunot niya sa akin

Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. Kailangan kong maka isip ng paraan para hindi maka alis sina kuya rito at maka uwi na rin ako sa dorm namin. Sayang ang scholarship na nakuha nina kuya kung aalis na lang kami bigla ay mahihirapan rin sila sa pag hahanap ng ibang school na tatanggap sa Kanila bilang isang scholarship

Bigla na lamang akong binitawan ni Pinuno at tumayo na ito. Saan siya pupunta.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya

Hindi ito sumagot. Kinuha lang niya ang kanyang cellphone na nasa mesa at akmang lalabas na siya ng gumapang ako at niyakap ang kanyang binti

"Nag mamakaawa ako sayo wag mo na munang ipag sabi sa kahit kanino nag mamakaawa ako" sabi ko sa kanya at pumunta ako sa kanyang harapan at lumuhod habang naka tingala sa kanya. Hinawakan ko rin ang kanyang kamay. "Pinuno nag mamakaawa ako wag" saad ko at nag silabasan na ang mga luha ko "Lahat gagawin ko wag mo lang kami paalisin dito sa school" matapang na sagot ko sa kanya

Me And The Gangster Leader'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon