Chapter 9- New House
Clea P.O.V
Hindi ko inaasahang ang naging Commento ng mga kapatid ni Kenzo sa akin na lutong ulam. Maging si Mamita ay hindi makapaniwala sa natikman niyang ulam na inihain ko sa hapag kainan
Tinignan ko si Kiana kung saan naka taas ang kilay nito at naka tingin sa kanyang plato
Si Kiana ang pangalawang anak ni tita Miana. Kung titignan ibang iba ito sa kanyang kuya na si Kenzo
Matatalim na pagtingin
Kilay na naninindak
Katawan na kaya kang ilampaso
Yan ang unang pag ka kita ko sa kanya kaya hindi na ako nagkakamali kung ituring siyang bilang isang prinsesa o di kaya ay parang reyna
Inakala pa niya kanina na isa akong bagong kasambahay rito sa mansion nila kaya pinagalitan siya ng kanyang ina sa sinabi nito sa akin
Pero kahit ganun ay humingi pa rin ito ng tawad sa mga nasabi niya
"Hey, what's the name of the dish you cooked?" Biglang tanong sa akin ng nakababatang kapatid ni Kenzo
Napatingin naman ako sa nakababatang kapatid ni Kenzo
"Kaius" biglang suway ni tita Miana sa kanyang anak "Hindi ganyan ang itinuturo namin sayo kapag nakakatanda sayo, Call them Ate or Kuya Do you understand" sermon ni Tita Miana sa kanyang anak na si Kaius
Natahimik ang hapag kainan sa mga sinabi ni Tita Miana
Napa ubo ako upang makuha ang atensyon ni Kaius "Menudo" sagot ko sa tanong niya kanina kaya napatingin silang lahat sa akin "Menudo ang tawag sa lutong yan, special ang menudo kong yan. Yan rin ang pinaka mabili kong luto sa Karinderya ko" nakangiting sagot ko
"Napaka sarap ng Menudo mo hija" sabi ni Tita Miana sakin
"Salamat po" saad ko ng buong puso dahil sa pag commento sa pag luto ko
"Sorry for what I said earlier. Can you be a chef for us?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya dahan dahan kong ibinaba ang mga kutsara at tinidor na hawak ko "Hindi masarap ang luto ni kuya kaya kung pwede sana na ikaw nalang ang mag luto. Don't worry you have a salary when you work here" bigla siyang hinampas ni Kenzo dahil sa sinabi nito sa kanya
Masama naman ang tingin ni Tita Miana sa kanyang anak
Napaisip ako bigla sa sinabi niya kung sina kuya ay nag susugal para maibigay ang pangangailangan ko paano kaya kung mag trabaho ako
Naputol ang pag iisip ko ng bigla tumayo si Kenzo at inilapag niya sa mesa ang tissue na ginamit niyang pang punas sa kanyang bibig
Nakatingin lamang ako sa kanya habang palayo ito ng palayo
"Saan po pupunta si Kenzo?" Tanong ko kay mamita na katabi ko
"Tapos ng kumain si kenzo" sagot naman niya sa tanong ko
Napa Tango tango na lamang ako ng ulo at ipinagpatuloy ang pagkain nag karoon rin kami ng konting kwentuhan tungkol pag luluto ko
NANDITO ako ngayon sa guest room at nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang kisame ng kuwartong ito
Hindi pa pumupunta rito sina kuya. Ang sabi sa akin ay pupunta sila dito upang sunduin ako
Napatayo naman ako ng bigla akong nakarinig ng boses sa labas ng kuwartong ito. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para mas lalo kong maintindihan ang boses na yon
BINABASA MO ANG
Me And The Gangster Leader's
Mystery / ThrillerAng pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral doon dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University...