Chapter 11- Bakit Ako?
Clea P.O.V
Naririto ako ngayon sa parking lot ng school kung saan naka hoodie at naka jogging pans ako kinuha ko rin ang cap ni kuya Cleon. Para kung sakaling nasa paligid lang sina kuya ay hindi ako makilala o makikita.
Tinakasan ko nga pala si kuya Cleo habang tulog. Ganun talaga si kuya Cleo tuwing hapon ay natutulog siya para raw tumangkad raw siya sabi ni mama noon. Kaya kaming tatlo ay laging natutulog ng tanghali para lang tumangkad. Pero ngayon nandito ako sa parking lot para lang sa ipag uutos ng Pinuno.
Napayuko nalang ako ng ulo ng makita ko siyang papalapit sa akin.
"let's go" saad nito at nilagpasan niya lang ako.
Sumunod naman ako sa kanya at sumakay sa sasakyan niya. Habang nag dri-drive siya ay ako naman ay pinaglalaruan ang mga daliri ko
Bigla nalang lumiko ang sasakyan at isang napakalaking building kami bumaba.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya
Lalo akong kinabahan ng hindi ito ng salita patuloy lang siya sa pag lakad at naka sunod naman ako.
May mga babae ang bumabati sa kanya muntik pa akong hindi papasukin kung hindi lang sinabi ni Kenzo na kasama niya ako.
Habang nasa loob ng elevator papuntang itaas ay biglang tumunog ang cellphone ko
Si Kuya Cleo tumatawag. Agad naman akong tumingin kay Kenzo ngunit naka tingin lamang ito sa papel na ibinigay sa kanya kanina ng babae.
Nag aalangan pa akong sagutin ang tawag ni kuya kaya lang na pindot na ng daliri ko ang green bottom.
"Hello kuya?" Sagot ko.
"Clea na saan kaba?" Nag aalala na tanong nito sa akin
"Sa labas" saad ko at pasimpleng tinignan si Kenzo na nakatingin rin sa akin. Agad naman siyang umiwas ng tingin at dali dali niyang tinignan ang kanyang papel na hawak
"Bakit ka naman lumabas?"
"Ano, magkikita kami ng mga kaklase ko" pagsisinungaling ko dahil wala na akong alam na kasinungalingan na alam para lang maipag takpan lang itong nangyayari
"Ganun ba? Agad kang umuwi, hahanapin ka ni Kambal magalit pa sakin yon pag wala ka dito" patango tango naman ako sa mga sinasabi ni kuya Cleo
"Sige kuya"
"Sige ingat"
Napatay na ang tawag at kasabay non ay ang pag bukas ng pinto ng elevator. Mabibilis na hakbang at malalim na buntong hininga ang agad na ginawa ni Kenzo. Naka sunod naman ako sa kanya kahit na nahuli ako ng bahagya sa kanha
Hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Dali naman niyang binuksan iyon at duon nalamang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Napaka rumi ng unit kung tawagin niya. Ang sahig ay puro putik, sofa na makalat at wala sa pwesto, mga damit, pinag kainan, platong basag, baso at mga bote ay nasa sahig rin.
Napaka kalat at napaka rumi ng lakaking ito
Gulat akong napatingin sa kanya. Para sana ay ma itanong ko kung ano ang klase ng i-pag uutos niya.
"Clean this fucking mess!" Sigaw niya. Kaya nabigla naman ako at medyo napa atras "All this shit!" Sabay kuha sa isang napaka ruming damit. "And this little shit!" Sabay sampal sa isang vase
Naging tahimik kaming dalawa pag katapos ng pagbagsak ng vase.
Umalis siya at may kinuhang mop at may kasamang timba, walis tambo, at mga iba pang panlinis "Clean it now!" Sigaw nito sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Me And The Gangster Leader's
Mystery / ThrillerAng pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral doon dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University...