02

117 15 0
                                    

Athena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Athena


"Mabuti naman at naisipan mong kaibiganin si Athena, hija." nakangiting sabi ni Mama kay Ayesha. Hinaplos ni Mama ang buhok ko habang kausap pa rin si Ayesha ngayon dito sa bahay. "Minsan lang kasing magkaroon ng kaibigan itong anak ko. Salamat naman at nandyan kayo ni Sabrina."

Napangiti sila Sabrina at Ayesha sa sinabi ni Mama. Since Sunday ngayon, walang klase kaya naisipan nilang bumisita rito sa bahay. It's still days since Ayesha and I became friends so it's still awkward for me to have her here. I'm nervous since our house is not a comfortable place for rich people.

Simple lang ang bahay namin ni Mama. Dalawang kwarto lamang tapos maliit pa ang space dahil malaki ang space ng sala. Iyong sala namin ay nagmumukha ng maliit ang space dahil sa set ng sofa na binili ni Mama last month. Malaki rin ang space sa kusina kaya doon na rin ang dining room namin. Ang lamesa namin ay iyong nafo-fold lamang na plastic- kagaya ng upuan namin dito sa kusina.

"I like your daughter po, Tita! She's a nice friend! Silang dalawa ni Sabrina." nakangiting sabi ni Ayesha.

Napangiti lalo si Mama dahil sa sinabi ni Ayesha. "Mabuti naman."

I just smile at them. Kumain muna kaming tatlo dito sa bahay bago kami umalis para pumunta sa Mall. May bibilhin kasi akong mga markers habang sila naman ay sasamahan daw ako. Sabi ko naman ay huwag na, baka kasi mabored lang sila pero sabi naman nila ay ayos lang sila kaya hinayaan ko na lamang silang sumama.

"Try mo itong color cream na marker." pag-suggest ni Sabrina. "Maganda ito pang highlight. Ito ginagamit ko, eh."

Kinuha ko ang color cream na marker at tinignan. Tinry ko na rin sya kasi pwede naman. Napangiti ako ng makitang ang ganda ng color nya. "Sige, bibilhin ko rin."

"Bakit wala kang color black na marker?" tanong ni Ayesha ng makitang wala akong ganoon na nilagay sa munting basket na hawak ko. "Black marker can be useful sometimes, you know? You should buy one."

"Okay na. Marami akong black na markers sa bahay," sabi ko kay Ayesha. She just nods at me. "Ito nalang ata lahat," sabi ko sabay tingin sa laman ng basket ko. Markers, notebooks, ballpens, at mga pang design lang ang binili ko. "Bayaran ko na," sabi ko sa kanila kaya kaagad nila akong tinanguan.

Kaagad na akong tumungo sa cashier para bayaran ang mga gamit na binili ko. I feel nervous. Baka kasi ang mahal. Hindi ko pa naman alam ang price ng mga markers. 1,500 lang ang budget ko para rito, kinuha ko sa sweldo ko noong nakaraan. Dapat may tira pa ako nito, allowance ko everyday.

"659.75 pesos po, Ma'am." sabi ng cashier sa akin.

Nanlumo ako bigla habang binibigay sa kanya ang pera. Naparami ako ng kuha. I just didn't mind it. Ang mahalaga, nakabili ako...kahit na paubos na yung pera ko.

"Are you okay?" kaagad na tanong sa akin nila Sabrina at Ayesha pagkalabas ko sa bookstore.

Pilit akong ngumiti sa akin. "Okay lang naman. Saan tayo?" kaagad na tanong ko kasi alam kong hindi naniniwala si Sabrina sa akin na okay lang ako. She knows me too well. "Hanggang 7pm lang ako free, ha? Sorry, may trabaho kasi ako."

Burst Into Downfall [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon