17

72 5 0
                                    

Athena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Athena


"Really? They did that to you?"

Napatango ako sa tanong ni Magnus. Nandito kami sa bahay. Sinabi ko kasi sa kanya kung paano ako itrato ng mga kagrupo ko sa thesis. As expected, he didn't like the idea of them hurting me.

"They're rude." sabi nya kaagad pagkatapos kong tumango. "If they're men, I would challenge them for a fight. I hate people whose mean to you," sabay haplos nya sa buhok ko.

Napangiti ako sa sinabi nya. He really cares for me. Kaagad ko syang hinalikan sa pisngi nya. "Thank you." I sincerely said.

"Anything for you, love." hinalikan nya ang likod ng kamay ko.

Napangiti ulit ako bago umupo sa tabi nya. Napasandal ako sa balikat nya habang ang isang kamay nya ay hinahaplos ang hita ko.

"Bakit ka pala napaaga sa pag-uwi?" biglaang pagtanong ko nang naalala kong sabi nya sa akin last time na next week pa ang uwi nya rito. "Please, don't tell that it's because I told you that I miss you!" kaagad na sabi ko nang mapansin ang reaksyon nya.

He chuckled because of what I said. "No, don't worry. It's just that I finished my work early than what I expected. Makakahabol pa ako sa graduation mo." sabay ngiti nya sa akin.

Napailing nalang ako. "Medyo matagal pa." sabi ko.

"Then, we'll have a lot of time for preparation for your outfit."

Gaya ng sinabi ni Magnus, nagkaroon nga kami ng mahabang oras para mag prepare sa graduation ko. Hindi ako valedictorian pero si Sabrina ay oo. I'm really proud for her.

"Mama,"

Nandito kami ngayon ni Mama sa kusina, nagluluto para sa pang hapunan namin. Sasabay sana sa amin si Magnus kaso may urgent meeting daw kaya kailangan nyang umuwi sa bahay nila. Sa laptop lang naman na meeting.

Napalingon si Mama dahil sa biglaang pagtawag ko. She's staring at me while she's smiling. "Bakit, nak?" tanong nya habang inaasikaso ang luto nya.

Lumapit ako sa kanya bago sya niyakap galing sa likuran. "Pasensya na po kung hindi ako Valedictorian," sabi ko kasi pangarap talaga namin ni Mama na maging Valedictorian ako. "Pero huwag ka pong mag-alala, Ma. May dalawang taon pa naman po ulit ako. Kailangan ko lang pumasa sa bar exam para ipatuloy ang dalawang taon na iyon."

Mahinang natawa si Mama dahil sa sinabi ko. Pinatay nya muna ang stove bago ako hinarap. Nakangiti nyang hinaplos ang pisngi ko. "Wala akong pake sa mga achievements na iyan, nak. Ang mahalaga sa akin ay masaya ka sa ginagawa mo at syempre na makapagtapos ka."

Napanguso ako. "Nakakahiya kasi naghanda pa ako ng speech noong bago ako mag college tapos hindi pala ako Valedictorian."

Natawa si Mama sa sinabi ko. "Ano ka ba, nak? May chance ka pa na bumawi. Ipasa mo ang board exam tapos mag-aral ka ng two years. Doon ka maging Valedictorian." pagpapagaan ni Mama ng loob ko.

Burst Into Downfall [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon