19

71 5 0
                                    

Athena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Athena


"Mama, kain na po kayo"

As usual, wala akong sagot na natanggap kay Mama. Nasa loob lamang sya ng kwarto, nagkukulong. Sinubukan ko kahapon na pumasok sa kuwarto pero ang natanggap ko galing sa kanya ang isang malalang sermon kaya wala na akong balak pa na ulitin iyon.

Nilagay ko na lamang sa lamesa ang pagkain na para kay Mama. Tumungo nalang ako sa kwarto para magpahinga muna kasi may trabaho pa ako mamaya sa bar. Hindi kasi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho kasi simula noong matapos ang interogasyon ng mga pulis sa amin ay tumigil na kaagad si Mama sa pagtatrabaho.

Dalawang linggo na pero nag-iimbistiga pa rin ang mga pulis. Kada gabi naman ay nagdadasal ako para lang mahuli ang pumatay kay Rick. Nahihirapan na kasi ako kada nakikita ko si Mama na walang buhay na nakatingin sa sahig.

Her body is alive but its soul isn't.

"Kamusta na si Cathy?" tanong ni Ate Rosa sa akin.

Napalingon ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "Ganoon pa rin, te. Palaging nasa kwarto. Kada gabi nga ay naririnig ko ang mga iyak nya."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para pigilan ang sariling maiyak. Naalala ko naman kasi bigla ulit ang hitsura ni Mama. The dead eyes that shattered my heart into pieces. She looked like a sunflower that has already withered away.

Hinaplos ni Ate Rosa ang likod ko. "Kumapit ka lang, Athena. Magiging okay rin iyan ulit si Mama mo."

As what Ate Rosa said, I kept on holding on to that hope...that Mama will be okay again. Nakaya naman ni Mama noon...alam kong makakaya nya ulit ito. She's the strongest woman that I've ever known.

[Ayos ka lang ba?] tanong ni Sabrina sa akin habang nag video call kami.

Kaagad akong tumango sa tanong nya. "Oo naman," tumawa ako para kumbinsihin syang okay lang ako. "Bakit? Mukha ba akong hindi okay?"

Ang nakakaalam lang ng nangyari ay kami nila Mama, Ate Rosa, Magnus, at Sir Leon. Wala akong balak na idamay pa silang dalawa ni Ayesha sa problema namin ni Mama.

[Para kang may problema pero hindi mo sinasabi sa amin ni Sha.]

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Sabrina. I giggled at her. Kilalang kilala nya na ako pero ayoko pa ring sabihin kaya kinumbinsi ko lang sya nang kinumbinsi na okay lang talaga ako hanggang sa naniwala na sya.

[Kamusta kayo ni Magnus?] biglaang tanong nya.

Dahil sa tanong nya, napaisip ako bigla kay Magnus. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtantong bukas na pala sya babalik. I just answered Sabrina that Magnus and I are okay before ending our call.

Kaagad kong hinanap sa contact list ang pangalan ni Magnus bago sya tinawagan. Hindi sya sumagot kaagad kaya tinawagan ko sya ulit. After 5 rings, he answered.

Burst Into Downfall [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon