Athena
"We're here. We're late since it's so traffic."
Nandito na kami ngayon sa loob ng VIP room kung saan nandito ang mga kaibigan ni Magnus. Napakagat ako sa labi ko kasi nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko kaya na tignan sila sa mga mata. Intimidating kasi sila kung tumingin sa akin kaya hindi ako mapakali.
Napansin ni Magnus ang pagkailang ko kaya mahinahon nyang hinawakan ang kamay ko bago ito hinalikan sa likod. Napalingon ako sa kanya kaagad dahil doon.
"They're my friends." turo nya sa dalawang lalaki rito na nasa upuan. Napakunot ang noo ko kasi sa pagkakaalala ko tatlo sila noon sa bar, eh. "Oh, wait. Where's Myst?"
Napakunot lalo ang noo ko nang marinig ang pangalang 'Myst'. I remembered Sabrina telling me that her ex's name is Myst. Pero malabo naman ata na iisang tao lang ang Myst na kaibigan ni Magnus at ang Myst na ex ni Sabrina diba?
"He's on his way." sagot ng lalaking may color gray na buhok.
"Oh, okay. Anyways, this is Gruos," turo ni Magnus sa lalaking may katabing babae. "He's with his woman named Kathleen." kaagad nag hi si Kathleen sa akin kaya nginitian ko kaagad sya. "And this is Lewis." turo nya sa lalaking may color gray na buhok.
I smile at all of them. "Hi. I'm Athena. M-Magnus' girlfriend." namula kaagad ang pisngi ko pagkasabi nito.
Kaagad napangiti silang tatlo sa akin habang si Magnus naman ay napaawang ang labi. Hindi ata sya makapaniwala sa sinabi ko kaya mas lalo akong nahiya dahil sa ginawa ko.
Umupo lamang kami ni Magnus. Napatingin kaming lahat ng lumipat ng upo si Kathleen. She looked at Magnus before looking at me with her soft eyes. "Can I sit beside Athena?"
"No," kaagad na sabi ni Magnus. "Why can't you just sit beside Gruos? He's your man."
"I want to be friends with Athena," sabay ngiti ni Kathleen sa akin. "I hope you don't mind it."
Kaagad akong umiling. "Hindi, ayos lang naman." nilingon ko si Magnus na nagulat sa ginawa ko. I smile at him. "Sorry."
Mahina nalang silang natawa ng lumipat ng upo si Magnus. They teased him since Magnus did what I wanted him to do. Kathleen and I are just having a girl talk while these men are talking about their work.
"Oh, you're an AB psych student. That's nice. Wait, do you know someone named Ayesha? She goes to the same school as yours. Hindi nga lang kayo same ng course."
Napangiti kaagad ako nang marinig ang pangalan ni Ayesha. "Yeah, she's one of my bestfriends." proud na sabi ko kaya napangiti kaagad si Kathleen.
Nagulat ako nang hinawakan ni Kathleen ang kamay ko. She smiles at me genuinely. "Thank you for befriending her."
Nagulat ako sa ginawa nya pero napangiti rin kalaunan kasi halatang natutuwa sya para kay Ayesha. While having a conversation with Kathleen, I stared at her face. I immediately noticed how pretty she is. Her dark brown curly hair, almond color black eyes, pointed nose, and color pink thin shaped lips. Such a perfect feature.
BINABASA MO ANG
Burst Into Downfall [✔]
RomanceAFFLICTION SERIES 8 A collaboration series. "The moment I saw you for the first time, I'm already sure that I won't marry anyone unless it's you." Two people who are used to toughening their hearts meet by destiny. Misery and sorrow were the life th...