"Ma!!! Nandito ang mga bulaklak!!!"
Napalingon sa pinangagalingan ng boses.
At Nakita ko ang dalawang makukulit na mga anghel na tumatakbo papalapit sakin.
Magulo na ang suot ng mga bata habang dala-dala ang mga halaman.
Ang sarap sa pakiramdam na may masabing anak, mayakap at mahawakan sila.
Unang nakalapit sakin si Yuna na hawak-hawak sa kaliwang kamay nya ang isang maliit ng paso na may San Francisco.
"Maa!!! Tignan mo! Pwede na po sa loob ng bahay!!!" Masayang sabi nito sakin habang kumikislap-kislap ang mga mata.
Walang bulaklak Ang Sam Francisco anak.
"Ma! Ito ma! Madami!" Lumapit ako kay Yuri at kinuha ang tatlong paso sa kanang kamay nya.
"Hinay-hinay lang Yuri. Ang dami na nito." Sabi ko at baba ng mga paso.
Nagpahanap ako sakanila ng halaman na pwede sa loob ng bahay.
Nag decorate kami at kinikilala ko ang mga anak ko sa paraan na gusto ko at gusto nila.
Ginulo ko ang mga buhok nila. Napanguso naman sakin si Yuri habang si Yuna naman ay parang masaya pa sa ginawa ko.
Natawa lang ako sa mga reaksyon nila. At di napigilan ay pinagha- halikan ko sila sa pisngi. Ang cute!
"Hihihi."
"Salamat dito mga anak. Tiyak na mas aaliwalas pa ang loob ng bahay natin." Sabi ko at inakbayan ko silang dalawa.
Pinagmasdan namin ang bahay namin.
May malinis na flower garden at vegetables garden kami. May sapa rin sa getli tsaka punong nagtataasang ang nakapalibot sa bahay namin.
Fantasy nga kung fantasy.
Napansin ko nga rin na literal land/earth continent ang Markley. At nasa Middleton kami. Literal na agriculture, rural like and farming ang lifestyle dito.
Inalalayan ko ang mga bata sa pag arrange at pag separate sa mga bulaklak.
Hinubad ko muna ang balabal ko at pinunasan ko ang mukha ni Yuna.
"Mas naging malinis tignan at di na masikip!!!" Ani ni Yuna na always energetic.
Natawa ako sa kacutan ng mga bata at hindi ko mapigilang paghahalikan sila sa magkabilang pisngi, ulit. Ang cute kasii.
"M-mama!! Hahaha!" Umiwas na sakin si Yuna at nauna nang tumakbo habang tinatawanan ang kapatid nyang lalaki.
Kaya sa tumatawang Yuri naman Ako lumapit at sya nag mismo ang tinaas ang mukha sakin. "Ang gwapo- gwapo at ang gaganda naman ng mga batang to! Ang babait pa! Hulog talaga kayo nang langit kay mama!" Pinang gigilan ko ang pisngi ni Yuri.
At kung titignan ang reaksyon ng anak ko. Namumula ang mga pisngi nito at nakanguso pa nang kaunti at at ang kanyang magulong kulay gintong buhok ay nagpapadagdag sakanyang kagandang pisikal. Nakakasilaw ang kagandaan ng aking anak!
Yes. Anak.
Hindi man naaayon na hindi talaga Ako ang kanilang tunay na Ina, pero sa mata naman ng Diyos. Ang pangalan, katawan, buhay at puso ng totong Amelia ay nakakonekta sa mga batang ito.
At madali sa akin na tanggapin at mahalin ang mga bata.
Ako na rin naman si Amelia.
"Nakikiliti po ako mama!!"
BINABASA MO ANG
Once A
Fantasy(Under Editing) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a place she never knew that exist. Join Amelia on her bewildering journey to Imogen.