Hindi ko Inexpect na Ito ang mangyayari.
Imbes na nasa kandungan ng ama nya si Yuna. Sa akin sya nakapulupot habang ang kapatid nya naman ang nasa bisig ng ama na para bang ayaw nya nang umalis ito.
Tinignan ko ang anak ko.
Bakit sya nagkakaganito?
Sa mga nabasa kong nobela. Ang bunsong babaeng anak ang mas sabik sa pagmamahal ng ama. Pero bakit baliktad sa sitwasyon ko?
Hinawakan ko ang baba ng anak at hinarap ito sakin. "Yuna anak anong problema?"
Pero tipid na ngumiti lang sakin ang aking anak at tinanggal ang kamay ko sa baba nya bago bumaba ulit ang atensyon sa ginuguhit nya.
Nag aalala ako sa nararamdaman ko ng anak ko. Si Yuna, masigla at bibong bata. Pero ngayon naging baliktad sila ng kuya nya.
Doon sa malayong parte ng hardin ng mga Windsor.
Nandoon makikita mo ang Emperador Azriel na nakikipaghabulan sakanyang anak kasama si Liolel.
Nagtatawanan ang mga ito pero mahahagilap mo ang mga tingin na binibigay ni Azriel sakanyang babaeng anak.
Gusto nyang makasama rin ito sa paglalaro.
Nakatuon lang ang pansin ko kay Yuna.
Pero kahit ganun, nagpapasalamat parin ako kasi sinmahan nya kami sa hardin para mag meryenda.
Hapon pa naman at mamayamg gabi gagawin ang paghahanda para sa kaarawan ng kambal sa sunod na araw.
"Dear, let you're daughter for now." Nakaramdam naman ako ng pagtapik sa braso ko kaya napatingin ako sa taong gumawa nun.
"Father." Nasa tabi ko lang si Father at sumisimsim sakanyang tsaa.
Nginitian ako nito.
Tama naman sya. Pero hindi ko maiwasang magalala sa sitwasyon nilang mag ama.
My father caress my daughter's head. "I am sure our little princess certainly have reason."
Pero nabigla ako nang tumugon ang anak ko ng simpleng hhmm.
Para saan yon?
Nilipat ko ang tingin sa maglolo. May pinaplano ba ang mga ito?
Pero hindi ko na inungkat iyon at pinagmasdan ko nalang ang dalawang kalalakihan na puno ng pawis na nag lalakad papunta sa amin.
Mabuti nalang nakahanda sina Gigi ng mga pamunas at tubig para sa mga ito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa dalawa.
"Mama!" Masayang turan ng pawisang Yuri.
I flicked his nose.
"Naligo ka na nang pawis anak!" Nasa bisig ng ama nya si Yuri kaya madali ko lang syang na punasan.
Naglagay rin ako ng pamunas sa likod nya.
Binigay ko ang tubig sa anak ko at nakangiting pinagmasdan ito. Ang cute!
Pero alam ko ang tingin na pinupukol sakin ng Isa kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Bakit?"
Pawisan ang boung mukha ni Azriel, kahit nga ang buhok nya ay puno rin ng pawis! Mas madami pa nga syang pawis kaysa sa anak nya eh!
Sino bang mas bata sakanila?
Tinignan nya ako na para bang may nakalimutan akong gawin na napaka importante.
BINABASA MO ANG
Once A
Fantasía(Under Editing) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a place she never knew that exist. Join Amelia on her bewildering journey to Imogen.