Chapter 48; Little Princess

3.2K 134 9
                                    

Emperor Azriel Mountbatten.

Tinignan ko sya muli.

"You're still here."

Nginitian nya ako at kinuha ang kamay ko. Nilapat nya ang kamao o ko sa labi nya.

Binaba nya ang kamay ko at hinaplos nya ang buhok ko. "I will stay with you forever."

Ngumiti ako sakanya at mas lumapit para mahagkan sya. Nakasubsob ako sa dibdib nya habang ang mga braso nya ay nakapalibot sakin.

Kung ganito lang sana ang bawat umaga ko. Pagka bukas ko ng mata ko nakikita ko syang hinahaplos ang mukha ko na para bang gusto nyang ikulong lang ako sakanya.

O ako lang ang magiisip nun.

Gumawa ako ng kaunting espasyo sa pagitan namin. Tiningala ko sya para makita ang mga mata nya.

"Excited na ang mga bata na makita ka. Sasama ka sakin papauwi sakanila hindi ba? Tulad ng sinabi mo? Forever?"

Pinaglaruan ko ang batones sa dibdib nya.

Tumango sya sakin at hinalikan ang noo ko.

Ang sweet!!!

Pero teka! May naalala ako. Lumayo ako sakanya para makita ang reaksyon nya.

"Kailan mo ibabalik sakin ang underwear ko?"

Gumuhit muli ang ngiti sa mukha nya na mas nagpaliwanag sa kagwapuhan nya. Ang swerte mo naman Amelia!!

Kinurot nya ang pisngi ko.

"Ouch!"

Hindi naman masakit, pero gusto ko lang bakit ba? Seize the moment na.

Kunyari sinamaan ko sya ng tingin pero hindi ko kayang patagalin ang tingin ko dahil sa ngiti nyang nakakatunaw.

Yung feeling na nakipagtitigan ka sa crush mo ng matagal? Yung ganong pakiramdam!!!

Umiling sya, "Sige ibabalik ko basta Ikaw ang kapalit."

Tumango ako. Sangayon ako dun! Basta ako lang! Kasama ang mga anak namin syempre pero!

Napatigil ako sa pagtango at napailing.

Nakita ko naman ang pagkagulat sakanya. "Bakit?" Tarantang tanong nya.

"Wag na! Baka ano nang ginawa mo dun!" Nakangisi kong sabi sakanya tsaka umalis sa kama.

Narinig ko naman ang tsked nya.

Atleast nalaman kong may ginawa talaga sya. Hahaha!

Kumuha ako ng damit sa closet at may naalala ako.

Nilingon ko sya, nasa kama parin sya at naka subsob ang mukha nya sa unan ko.

Ginagawa nya?

"Papasok dito si Liolel, Ikaw na ang bahalang mag paliwanag sakanya." Saad ko at pumasok na sa banyo subalit bago ako makapasok ay narinig ko ba ang pag angal nya.

"Why would I? Let him be."

Napailing nalang ako at habang natatawa na naliligo.

Akala ko ba magkaibigan ang dalawang iyon? Hahaha. Bahala nga silang dalawa dyan.

Sinuot ko ang nakuha kong dress at inayos ko ang sarili ko sa banyo.

Lumabas ako sa banyo at nabitawan ko ang hawak kong tuwalya.

"Amelia!!!" Sabay pa ng dalawa.

I glared at them. "Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?!"

Once A   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon