Chapter 1

1.5K 342 211
                                    

Jeyel's POV

Hi, I'm Jeyel Lazaro Torres. 17 years old, Senior student. 1st day na ng class today makikita ko na ang aking mga amigo's and amiga's. Infairness nakakamiss ang kabaliwan nila.


Pababa na ko ng school service. Yeah, may service ako. 1 hour away ang school ko from my house and hindi ako marunong mag commute. Hindi rin ako papayagan ni Daddy.


Excited na ang mga paa ko pumunta sa room kaya halos makabunggo ko na yung mga taong nadadaanan ko. Ang layo naman ng room namin, dulo pa. Hoy room! Ikaw nga lumapet sakin! Okay, I look crazy. Kausapin ko daw ba yung room.


May mga naka salubong akong former classmate, kamustahan at tanungan lang ng section. Hindi naman ako snob.


Mukhang malapit na ako sa room. Paano ko nasabi? Kasi naririnig ko na ang ingay ng mga classmate ko at nakikita ko na yung mga nangangapit-room pa. Palakas ng palakas ang ingay kaya I know malapit na talaga ako.


Pag pasok ko ng room, bumungad sa akin ang magugulong mga chair, mga classmate na may mga sariling mundo. Yung iba nagsusulat ng kung ano-ano sa whiteboard. Loud soundtrip, Cursing each other, Bonding here and there, Loud voices, Crumpled paper everywhere, Students strolling in the hallway. Oh, hello Schooldays!


"Ayan na si Jeyel. Imba mo wala pa din bang pinagbago. Late pa din?" pang aasar na bati sa akin ni Sijey. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Duh! I'm not late. Palibhasa kasi lagi yang maaga.


Sijey, one of my true friends here. Boses lalaki pero pag kumanta ang tining ng boses. Lahat ng update dito sa school alam niya lalo na pag dating sa mga crush nya, madaming crush yan. Wag niyo na tanong kung ilan dahil hindi mabilang, Matalino pero hindi lang talaga halata, tigre to pag nagalit kaya beware. Ang babaitang adik sa violet stuffs.


"Oh? Hello there too. Tss." pag tapos kong ilapag yung bag ko, umupo ako sa desk kung saan siya naka-upo. Hindi naman ako mabigat. Wag lang ako makita ng teacher right?


"Hoy Natnat ang pangit mo pa din!" banat niya kay Natalia nang pumasok ito ng room. Kahit kaylan talaga 'to ang lakas mang bully. Si Natalia, Madalas talaga bully-hin yan dito since last year. Nagpapa-bully din naman siya tsaka immune na siya jan.


"Makapang bully ka naman" Ewan ko ba. Excited ako pero parang wala akong gana. Tinignan ko si Natalia na hindi naman siya pinansin.


"Hahahaha. Totoo naman kasi" mas lalo pa siya natawa sa sinabi niya at tinaas yung manggas ng blouse niya. Haynako, parang lalaki talaga 'to. Para siyang nag hahamon ng suntukan.


"Ayan na ang Prinsesa. As usual mas late pa din." banat niya ulit nang pumasok si Mae sa clasaroom. Nag bow pa siya. Ang daldal ng babaita na 'to. Hindi ba 'to nakakapag salita sa bahay nila? Makapag ingay na akala mo wala ng bukas pero sabagay only child ang bruha. Hindi halatang excited siya ngayong pasukan.


"Traffic eh." pangangatwiran ni Mae. Tinignan ko lang siya na nag hila ng chair papunta sa amin at nag paypay gamit ang kamay niya. Osige, ipush natin ang maagang katangahan Mae!

Ultimate Crush (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon