Chapter 12

439 168 46
                                    

Mae's POV

At dahil nga biniyayaan ako ng mababait na kaibigan, nawala na lang sila bigla sa paningin ko. Ewan ko nga bakit sila nawala bigla samantalang magkakasunod lang kami sa pila.

Sadyang natulala lang ako kay sa kagwapuhan ni Razzle. Fine, Sijey is right. Ang nerdy niya kasi pag nakasalamin but without it, jusko! Pati brief pwedeng malaglag. This is bad. Napapadalas ata ang papuri ko sa kanila. Nahawa na ata ako kay Sijey.

Nag hintay ako ng 5 minutes pero mukhang wala silang balak bumalik. Syempre hindi pwedeng sila lang kaya tumakas na din ako. Natagalan ang parade dito sa 3rd floor at isa lang naman ang alam kong pwede nilang puntahan.

8 na CR meron sa bawat floor alangan namang isa-isahin ko? Tao din ako, napapagod din. Bahala na si Batman kung saan ako dadalhin ng paa ko. Nag try ako pumunta sa 2 CR pero wala sila. Mga walanghiya yung mga yon hindi man lang ako sinama. Pumunta ako sa kabilang building para hindi ako mahuli. Yari talaga ako kung pag nagka-taon.

Habang nag lalakad ako sa gilid ng hallway ay napuwing ako. Sakto pang nakasuot yung contact lense ko kaya ang hirap tanggalin ng alikabok. Medyo malabo ang mata ko at pinilit nila akong mag contact lense ngayon para daw sa parade. Ang purpose ata netong parade na 'to ay para kabugin ang muse. Jusko! Ang init init pa.

Hindi ko pa din matanggal yung dumi na pumasok sa mata ko at hirap na hirap na ko. Hindi ko naman pwede tanggalin yung contact lense dahil wala dito yung lalagyan. Mabilis yun matutuyo. Para na siguro akong lasing mag lakad ngayon. Hindi ko na makita ng clear ang daan dahil halos hindi na ko makadilat.

Napatigil ako sa pag lalakad ng nabunggo ako sa dulo ng hallway. Ang bilis ko naman ata? Nakarating agad ako sa dulo.

"Ahem."

May nag salita. Oh friggin hell! I'm doomed again! May nag salita sa harapan ko. Inangat ko yung ulo ko at sobrang nanlaki yung mata ko dahil hindi pader ang naumpugan ko.

Frigging hell talaga! Nakakahiya yung ginawa ko. Hinawakan ko pa yung matigas. Shet na malagkit! Lamunin na sana ako ng lupa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ultimate Crush (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon