Chapter 11

526 209 42
                                    

Jeyel's POV

This parade really sucks. Hello? Mag pa-parade ng 11am-1pm? Napaka tirik ng araw. Kaylangan ko pa mag suot ng jeans and I super hate it. I don't wear jeans. I feel like I'm allergic to it. Para akong nas-suffocate pag nag susuot ako ng jeans.

We're getting ready for the parade now. I'm wearing jeans, black fitted shirt and malong. One more thing na kinaiinisan ko ay kaylangan mag suot ng bakya na may heels. Take note the 3 inches heels. I'm wearing heels naman pero hello again? We're not candidate or a beauty queen that needs to ramp with a crap.

"Bakit ba natin kaylangan mag suot neto?" Maktol ni Mae.

"To show support and may additional points daw lahat ng makikipag participate." Walang ganang sagot ko. Sayang naman din ang additional points.

Tinignan ko si Chris na magiging escort namin na mukhang iritado. Mukha siyang napilitan sa pagiging escort niya. Bagay naman sa kanya yung attire na suot niya. He's tall dark and fine, handsome.

"Pft. What's with the look?" Pang aasar sa kanya ni John. Tinignan ko ang kabuuan ni John at hindi bagay sa kanya yung suot niya. Kung si Chris ay moreno, siya naman ay chinito.

"Tsk." Yung na lamang ang naging reaction niya dahil alam niyang wala naman siyang choice. Gaya na lang ng pag iinarte ko. Alam ko naman wala akong choice.

"Jeyel! Lagay mo sa ulo mo. Bagay sayo 'to. Ay ikaw din Mae. Dali!" inabot sakin ni Diane yung gold na mukhang kwintas. Binigyan niya din ako ng isang maliit na diamond bids.Nag hesitate pa akong kunin dahil hindi ko naman alam kung para saan 'to. Tinignan ko si Diane at nakalagay yung bids sa gitna ng noo niya. Naka-kwintas din sa noo niya yung gold na binigay niya sakin. Ganun din ba ang gagawin ko?

"Ha? What for?" Pag tatakhang tanong ni Mae. Kinuha niya din yung flower na hair dress at tinignan ako. Nag kibit balikat lang ako sa kanya.

"We're the Indo-Angels." She giggled. Indo-what?

"Labas na kayo guys and form a line." Utos ng president namin.

"Dali. Tapos dun tayo sa harap. Tayo mag bubuhat ng banner." Siya na ang nag lagay nung kwintas sa noo ko at hinila niya na ko palabas. Kaylangan ba ganito itsura ng taga buhat ng banner? Mga ilang kilo ba yung banner na yun at kaylangan madami kaming mag buhat?

Gaya ng sabi ni Dianne ay nasa unahan kami kasunod ng muse at escort namin.

"Forward na kayo. Sunod kayo sa pila ng section Judah. Nauna na ang section Levi. Move!" utos ni Cher Acob, teacher namin sa Economics.

Section Judah? Kung kanina ay hindi ko makita si Sijey ngayon ay nandito na siya sa harapan. As far as I know ayaw netong pumipila sa harap. Malala na talaga ang isang 'to.

"Hindi ko makita. Ano ba yan!" narinig kong pag mamaktol ni Sijey.

"Malamang nasa harapan yun. Siya escort diba?" walang emosyong sagot ni Queenie.

"Kainis." Patuloy niya sa pag mamaktol. Para na siyang Ostritch sa haba ng leeg niya kaka-tanaw niya dun sa crush niya.

"Sunod lang kayo sa kanila ha? Alis na muna ako. " sabi ni Cher at saka umalis sa pila namin.

"Oo naman Cher. Sureness overload kahit tabihan ko pa si myloves" hyper na hyper na sagot ni Sijey. Napatingin kaming lahat sa kanya. Siya lang kasi yung nag react sa sinabi ni Cher tapos nangingibabaw pa yung boses niya dahil sa ka-hyperan niya. Nag peace lang siya at nag iba ng tingin.

Inumpisahan namin sa 1st floor at bumagsak ang panga ko nung inannounce na hanggang 5th floor daw ang kaylangan namin ikutin. Hindi ba sila naaawa sa ibang estudyante? Hindi lang naman ako ang naka heels. Madami pang nag reklamo ngunit wala na silang nagawa. Masisira daw ang original plan ng program.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Nakita ko na siya." Yung ang init na nga tapos nakikisabay pa yung kaibigan mong nag ngangalang Sijey?

"Ang gwapo niya." dagdag pa niya. My goodness! Walang kadala-dala ang isang 'to. Pag eto napahamak nanaman ay ewan ko na lang.

"Sh*t. Ang gwapo nga. Jeyel!" Kalabit pa sakin ni Mae. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakalimutan niya yatang ayoko ng kinakalabit? Bwisit! Hindi niya ko pinansin dahil sa iba pa din siya nakatingin.

Nilingon ko naman yung lalaking tinitignan nila at nalaglag ang panga ko sa lalaking mala adonis ang kagwapuhan. He's so white and really handsome. Malalaglag ang panty mo kapag ngumiti siya.

Madaming na-mesmerize sa kagwapuhan niya at hindi na napigilan na purihin siya ultimo teacher ay nakikisali. May ilan pang tumitili at isa na dun ang kaibigan ko.

"Oh ano? Nganga kayo no? Sabi ko naman sainyo gwapo eh lalo na pag walang salamin." Pag mamalaki ni Sijey. Eto ba yung Razzle na crush niya? Bakit parang nag transform 'to? Hindi na siya mukhang nerd dahil wala siyang salamin. Napaka neat niyang tignan at nangingibabaw yung dimples niya.

"Gwapo talaga ni Razzle." mahinang bulong ng muse namin na si Heart. Gwapo nga talaga ang isang 'to.

Habang rumarampa kami, andaming mga estudyante na nakasilip sa room nila. Ang iba ay nakakalat at nasa labas ng room dahil lunch. Kanya kanya silang komento sa mga muse and escort.

"Ang gwapo ng naka kulay blue no? Yung sa Thailand." si Razzle ang tinutukoy nila.

"Ngayon ko nga lang nakita yun. Transferee siguro." Sabi nung isang estudyante. Napailing na lamang ako sa kanila. Kung hindi ako nag kakamali ay hallway ng 1st year 'to.

"Ay kilala ko yan. Mas gwapo yung kapatid niyan! Ang hunk. Jusko! Malalaglag ang panty mo." My goodness! Andito ang mga kakambal ni Sijey.

"Pagod na ako. Hindi ko na makita si inspirasyon" maktol ni Sijey. Hanga talaga ako sa energy ng babaeng 'to. Samantalang ako ay pagod na pagod na. Wala bang 15 minutes break man lang para makabili ng water?

"Landi mo. Magtigil ka." suway sa kanya ni Dianne. Sino ba kasing hindi maiirita kung minu-minutong bukambibig?

Hindi na talaga maganda pakiramdam ko. Nahihirapan na ko huminga. Nangangati na ko sa suot kong jeans.

"Namumula ka na Jeyel. Ayos ka lang?" Concern na tanong ni Queenie. Tinanguan ko lang siya.

"CR muna tayo tutal nakahinto naman." suggestion ni Queenie. Nag ninja moves kami papunta sa CR. Naiwan si Mae sa pila dahil parang wala sa ulirat ang isang 'to.

"Gusto ko na mag uniform." daing ko habang naglalakad nang patago. Sana hindi kami mahuli.

"Tiis tiis lang." sabi ni Sijey. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at sobrang pula nga ng mukha ko.

Feeling ko any minute ay mag f-faint na ako sa sobrang init at sa jeans na suot ko. Ang kapal pa ng malong na nakasabit sa katawan namin. Napaka torture ng activity na 'to.

Lumabas muna ko ng CR para mag pahangin. Nag dilim bigla ang panangin ko kaya humawak ako sa pader. Nang mejo okay na ay nag patuloy ako sa pag lalakad. Gusto ko ng umuwi!

"Ouch" Bigla akong natapilok dahil sa heels na suot ko. Napaluhod ako dahil sa halo halong sakit na nararamdaman ko. I want to cry in pain. Feeling ko sasabog na ako.

"Aray." Patuloy ko sa pag daing. Sinubukan kong i-straight ang paa ko but no avail. Na-sprain ata ako.

"Jeyel? Sh*t. Jeyel!"

"A-aahhh." namimilipit na ako sa sakit. May lumapit sa akin at lumuhod para pantayan ako.

"Are you okay?" Tanong niya sakin. Do I look like okay? Umiling lang ako at hindi siya sinagot. Hindi ko siya tinitignan. Patuloy lang ako sa pag hagulgol at nakatago ang mukha sa lugay kong buhok.

"Sh*t. I'll bring you to the clinic." Huling salita na narinig ko sa kanya bago niya ako binuhat like a newly wed. WTHatch!

Ultimate Crush (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon