Chapter 4

817 313 131
                                    

Mae's POV

Nagising ako dahil may papaslangin ako. Grabe makayugyog sakin kala mo nagkaroon ng earthquake. Bwisit!

"Oy! Iiwan kana namin" nilingon si Sijey na nag aayos na ng gamit. Kung makapag aya kala mo walang kasalanang ginawa.

"Ha? San punta?" Wala sa sarili kong tanong. Humikab pa ako na akala mo sa bahay ako natulog.

"Lunch na ho madam." As far as I remember, Filipino subject ako natulog which is after ng recess at may isang subject pa after ng Filipino bago ang kunch. Ang tagal ko palang natulog. Tumayo na Ako at nag ayos na ng gamit.

Habang nasa harap kami ng salamin sa CR napansin ko yung pag mumukha ni Sijey na abot mata ang ngiti at nag papa-cute pa sa salamin. Jusko! Nasapian na ata ang kaibigan ko.

"Oy Sijey! Bakit parang ang saya mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Hay nako! Tinatanong paba yan? Edi as usual may bago nanaman siyang crush" ismid ni Queenie sa kanya. Well, hindi na ko nagulat or nagtakha na may bago siyang crush. Lagpas pa ata ng daliri ko sa magkabilang kamay kung ilan crush niyan.

"Sino nanaman?" tanong ko habang kinukuha ang pulbos sa bag. On 2nd thought sana hindi ko na lang tinanong. Wala din naman akong pake sa crush niyan.

"Hindi ko pa kilala eh basta yung kasama ng papa Jeidi mo na ohh so cute na gwapo pa na nakasalamin." with matching giggling pa yan. Jusko Lord, pwede bang manabunot ng kaibigan kahit ngayon lang? Kala mo mangingisay na siya sa kilig! But wait, did I hear some name related to me?

"Ha? Papa jeidi? sino naman yun?" Tinaasan ko siya ng kilay. My papa's name is not Jeidi.

"Bitter ang peg teh? Yung nakapulot ng panyo mo" Wait, who? That guy? Tsk! Sabi na eh bibigyan nila ng malisya yun papaano pa kaya pag na-ikwento ko na nahawakan ko yung abs? Scratch that, naramdaman ko yung abs. I wanna get off with this. Wala lang naman iyon.

"Bakit mo kilala?" I added.

"Sus! Lahat naman kilala niyan basta papabol pag dating sa kanya " Singit ni Jeyel na nasa loob ng cubicle. That boy is papabol? I admit he's so gwapo but not the attitude. He's mayabang! Sinabihan niya ko ng burara. Jusko!

"So yung kabarkada niya yung crush mo?" Naguguluhang tanong ni Queenie.

"Enebe! Hihihi" nag beautiful eyes pa siya sa harap ng salamin with hampas pa kay Queenie. Umiwas naman itong si Queenie na halatang iritado na.

"May bukas pa po." I faked laugh at inismiran siya. Jusko Lord, heal my friend please?

"Eh diba may Boyfriend ka?" Tanong ni Jeyel pagka labas niya ng cubicle at dumiretso sa sink para mag hugas ng kamay. I remember Sijey telling us na may boyfriend siya pero LSR sila. Long School Relationship daw sabi ni Sijey pero kapitbahay niya daw yon.

"Yaan mo siya. Crush lang naman eh. Siya naman yung mahal ko." Katwiran ng loka loka kong friend. What do they call it? Pak girl? Nah! My friend still a virgin. Mabilis lang talaga siyang ma-attract sa mga gwapong lalaki.

"Kahit na. Dapat loyal ka. He should be the most handsome man in your eyes" pilit na ngiti ni Jeyel but I can see na malungkot siya. My poor friend, I'm sad too.

"Oo nga." Pag sang ayon naman ni Queenie.

"Maka oo nga ka kala mo nag kalovelife ka na ah." Siko ko sa kanya. Kaming dalawa ang NBSB dito. Naa-attract din naman ako kahit papaano. Hindi lang talaga yan ang dapat kong intindihin.

Ultimate Crush (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon