"Hyuuuuuung." Kumawit siya sa braso ko at napabuntong hininga ako. Itong batang to talaga.
"Oh bakit? Teka lang, Jongin. May ginagawa pa ko oh? Hindi ko pa tapos ang trigo ko at next class na natin yun sige na. Ikaw tapos ka na ba?' Sabi ko sakanya habang patuloy na sinosolve tong mga math problems.
"Meron akong natapos hyung!" Ngumiti siya saglit sabay kuha sa bag niya ng isang notebook. Medyo malapad. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng makita ko ang litrato ko sa harap.
"T-teka. Ano ba yan Jongin?" Tinuro ko yung hawak hawak niya.
"Scrapbook hyung! Gumawa ako! Para pag namimiss kita, tititigan ko lang to. Ugh, hyung ang ganda mo dito oh. You're so damn fuckable." Namula ako. Ayan nanaman siya. Hindi ko malaman kung inosente ba siya o may tinatagong kabalbalan eh.
"T-tumigil ka na. Meron pa tayo isang oras na break. Kumain ka na alis na muna. Alis!" Tinulak tulak ko siya pero ngumuso lang siya.
"Eung hyung~" Kumawit ulit siya sa braso ko. "Let's eat together shall we?" Napasapo nalang ako sa noo ko. Ako si Do Kyungsoo, at siya si Kim Jongin. Ang lalaking kulang nalang kunin na ang mga brief ko.
2nd year highschool ako nung nakilala niya ko. Merong audition sa glee club noon, at naisipan kong sumali. Hindi ko sinasabing maganda ang boses ko, sabi kasi sakin ng magulang ko, may potensyal ako. Kaya ayun.
On the other hand, magkasabay nagpa-audition ang glee at dance club. At nagkataon pang, magkakasabay ang pag peperform. Nakapasok ako, at nakapasok rin siya. Nagkaroon ng program, at yun nga magpeperform kami.
Kinakabahan ako. Dahil ako ang ginawang main singer at ako rin ang lead. Open Arms ang kinanta namin. Si Jongin, nasa isa sa mga upuan sa harap at nakatingin lang siya sa akin. Pagkatapos ng performance namin, lumapit siya sa akin. At alam niyo ang sinabi?
"Hyung. Ang cute naman ng boxer mong pororo. Akin nalang." At ngumiti pa siya. Namula ako nung napagtanto kong bukas pala ang zipper ko. At dahil dun, hindi niya na ko tinigilan.
"Hyung. Natutulala ka nanaman! Gwapo ko ba masyado?" Ngumiti siya sa akin at inirapan ko siya.
Umakbay siya sa akin, at naglakad na kami. Pagkadating namin sa cafeteria, hinatid niya ko sa isang bakanteng upuan.
"Wait for me hyung, ako nalang bibili." Ngumiti siya sa akin saglit at tuluyang umalis.
"Ay. Hyung! May nakalimutan ako!" Sabi na eh. Hihingi to ng pera. Kukunin ko na sana wallet ko, ng may naramdaman akong lumapat sa noo ko.
"J-jongin." Hinalikan niya yung noo ko at ngumiti siya at umalis na rin. Yung batang yun talaga. Nilibot ko ang paningin ko at nakita si Chanyeol.
"Channie!" Kinawayan ko siya at tumakbo siya papunta sa akin.
"Ano?! Sinasagot mo na ko?! Yes!" Ah, oo. Nililigawan niya ko. Tatlong taon na niya kong nililigawan. 4th year highschool nung una siyang umamin sa akin at 2nd year college na ko ngayon.
"Hindi. Ano ba. Namiss lang kita!" Tumawa ako at ngumuso siya.
"Kyungie naman eh." Yayakapin na niya sana ako ng may tumabig sa kamay niya.
"Get your fucking hands away from my hyung.", Lagot. Ito na naman siya.
"At bakit? May karapatan ako." Ngumisi sakanya si Chanyeol.
"Tama na yan. Channie, mamaya nalang. Itetext nalang kita. Sige na." Nginitian ko siya. Nung paalis na siya, hinawakan ni Jongin ang braso niya.
"Do Kyungsoo is my life. He is mine and mine alone. Go near him again, and I'll make you suffer hell."
![](https://img.wattpad.com/cover/36099219-288-k312850.jpg)