IV

103 5 0
                                    

"Teka! Jongin!"


Tumigil siya. Nakatingin lang siya sa baba.


Naglakad si Kyungsoo papunta sakanya at niyakap ito mula sa likod. "J-jongin. Bakit hindi mo ko pinapansin? Wala naman akong ginagawa." Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, bukod kasi sa yakap nito, napakalambing ng boses niya.


"H-hyung. May sasabihin ako." Hinila na ni Jongin si Kyungsoo at nagtungo sa mga upuan.


Tinanggal niya na ang mask at cap niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang ba? Ano ba kasi yun?"


"Wag ka magalit, hyung sa akin. Please, wag ka magagalit."


"Hindi ako marunong magalit. Ano ba yun?"


Tumingin si Jongin sa kanya, "A-ako. Ako ang nagpabugbog kay Chanyeol hyung." Nanlaki ang mata ni Kyungsoo.


"B-bakit? Bakit mo g-ginawa yun? Importante sa akin si Chanyeol. Siya na lang ang meron ako, Jongin. Mali yung ginawa mo. Hindi ako galit pero naiinis ako. Paano pag may masamang nangyari sakanya? Buti nga nakita ko pa siya sa daan Jongin. Grabe yung mga natamo niya. Ano bang naisipan mo nanaman? Jongin ano ba kasing problema mo? Lahat na saktan mo. Kahit ako. Wag lang si Chanyeol."


Hindi makapaniwala si Jongin sa narinig niya. Kada salita na binibitawan ni Kyungsoo, kinukurot ang puso niya. Chanyeol, chanyeol, chanyeol.


Hindi niya masabing nagseselos siya. Hindi niya masabing dapat akin ka lang. Nagpapakamatyr na siya dahil sa sobrang kaadikan niya na kay Kyungsoo.


Tumayo siya, bago pa pumatak yung mga luha niya.


"A-aalis na muna ako. Alagaan mo na lang muna siya hyung. Okay lang ako." Binigyan siya ng ngiti ni Jongin at tuluyan na siyang lumakad.


Tumakbo si Jongin palabas. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magalit. Tumigil siya sa isang poste at walang tigil niyang sinuntok yun hanggang sa namaga ang kamay niya at nagkaroon ito ng mga sugat.


"Akin ka lang hyung. Akin ka lang. Akin. Akin." Patuloy niya parin sinunsuntok yun habang umiiyak. "Hyung bakit. Ang sakit sakit na." Umupo lang siya dun.


--x


Ano bang problema niya, hindi ko na siya maintindihan.


Nagtungo ulit si Kyungsoo kay Chanyeol.


"Channie, sorry. May nakita kasi ako. Aayusin ko na gamit natin, madidischarge ka na."


Ngumiti si Chanyeol, "Thank you, Kyungsoo." Tumango ito at ngumiti rin. Inayos niya na ang mga gamit nila at di rin nagtagal, nakaalis na sila sa ospital.


"Ito po bayad." Binayaran ni Chanyeol ang taxi na sinakyan nila. Pinalo siya ni Kyungsoo, "Ow! Bakit?"

obsessed; chankaisoo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon