VIII

34 3 0
                                        

Kasalukuyang naglalakad si Chanyeol papunta sa clinic para dalhan sana si Kyungsoo ng pagkain kasi kanina pa wala to. Pagkabukas niya ng clinic, inaasahan niya ng makikita niya ang gantong sitwasyon.

"Anong ginagawa mo dito? Tulog siya. Ako na bahala dito." Sabi ni Jongin habang hinihimas himas ang buhok ni Kyungsoo na nakahiga sa dibdib niya ngayon at mahimbing na natutulog.

"Ibibigay ko lang sana to. Pagkagising niya, ikaw na magpakain. Salamat." Aalis na sana siya ng muling magsalita pa si Jongin.

"Akin lang si Kyungsoo. Tandaan mo yan hyung."

Chanyeol smirked at his words, at sinabing, "May pangalan mo ba?" Tumawa siya ng paasar at tuluyan ng umalis.

Napahawak naman ng mahigpit si Jongin kay Kyungsoo.

"Akin ka lang hyung. Akin." Pinaghahalikhalikan niya ang pisngi ni Kyungsoo na nagising na rin.

"J-jongin. Bakit." Napatingin si Kyungsoo kay Jongin at namula ang pisngi niya nang makita niyang ang lapit ng mukha sa kanya ni Jongin.

Ngumiti si Jongin at hinalikan si Kyungsoo ng walang paalam. Akit na akit kasi siya sa labi nito dahil bukod sa mapula ito, hugis puso pa to.

Patuloy lang ang paghalik ni Jongin kay Kyungsoo, at si Kyungsoo naman ay sobrang bilis ng tibok ng puso. Humiwalay si Jongin at nginitian si Kyungsoo.

"I love you hyung." Hindi alam ni Kyungsoo kung bakit pero ang lakas ng tibok ng puso niya kay Jongin at hindi niya mapigilang ngumiti.

"T-tumigil ka nga. Kasi naman." Kumunot ang noo ni Kyungsoo at pinipilit di ngumiti.

Tumayo si Kyungsoo at hinarap si Jongin, "Okay ka na ba? Teka kaninong pagkain to?" Turo niya sa pagkaing mainit at nakatray pa.

"Pinakuha ko. Sa akin nanggaling yan, hyung. Inisip ko kasing magugutom ka." Sabi ni Jongin.

"Ah, nag abala ka pa. Kakainin ko ha? Gutom na talaga ako. Hehehe." Sabi ni kyungsoo, walang kaideideya na kasinungalingan ang sinabi ni Jongin.

Kinuha ni Kyungsoo ang pagkain at umupo sa kama. Hinipan hipan niya muna at sinimulan ng kainin. "Ang sarap. Parang luto ni Chanyeol." Nakangiting sabi ni Kyungsoo.

Napatingin naman si Jongin dito at umirap na lang.

Nung naubos na lahat ni Kyungsoo, inaya niyang bumalik na sa klase si Jongin at tumango naman ito.

Habang naglalakad sila, hinawakan ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo at ngumiti. Namula naman si Kyungsoo. Talande amputs.

Pagkarating nila sa kwarto, wala pa yung prof. Lahat nagsitinginan sa kanila pababa sa mga kamay nila.

Tumawa si Jongin, "Guys, staring is rude. Do your own business will you?" Sabi ni Jongin at sumunod naman sila. Si Chanyeol na nagbabasa ng libro, nagpapatay malisya na lamang. At dahil sumasakit ang puso niya, kinalabit niya ang katabi niya sa kaliwa.

"B-baek. Samahan mo naman ako. Please?" At dahil nakakaawang tingnan si Chanyeol, pumayag narin si Baekhyun.

Tumayo silang dalawa, at napansin ni Baekhyun na maputla na si Chanyeol. "Okay ka lang ba?" Umiling si Chanyeol at naglakad nalang palabas.

Sinundan lang sila ng tingin ni Kyungsoo.

Nawala lang ako, yeol. May nahanap ka ng tagaligtas mo.

Napabuntong hininga na lang si Kyungsoo.

Naguguluhan na ko. Si Jongin ba talaga? O si Chanyeol? Putangina naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

obsessed; chankaisoo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon