Kasalukuyang nag-iisa si Jongin sa condo niya at hindi ito mapakali.
"Shit. Shit. Di kaya narinig niya kami ni Krystal? Tangina. Kim Jongin naman!" Ginulo gulo niya ang buhok niya.
Dialling.. Dyo Hyung
Sagutin mo sagutin mo, hyung please.
[Hello? Jongin?]
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Ganyan ang epekto sakanya ni Kyungsoo.
H-hyung. Pwedeng..pwedeng bumalik ka dito?
[A-ah.. teka. Chanyeol! Lalabas lang ako saglit. Bantayan mo na muna to ah? Sige.]
Kasama niya pala sa condo si Chanyeol hyung..
*tok tok* Napatingin siya sa pintuan. Binuksan ni Jongin ang pintuan at doon nakita niya ang kaniyang sinisinta. At mukhang kakainom lang nito ng gatas kasi may puti pa siya sa labi.
Matagal na tumitig si Jongin kay Kyungsoo, "J-jongin." Pumikit pikit si Jongin at pinapasok na siya. Sinarado niya ang pintuan at humarap sakanya.
"Bakit?" Sabi ni Kyungsoo habang umuupo ito sa sofa. Tumabi si Jongin sa kanya at agad agad niyang hinawakan ang kamay nito.
"H-hyung." Yumuko si Kyungsoo dahil namumula nanaman siya. Napatingin siya sa kamay niyang nakahawak kay Jongin. Sa hindi malamang dahilan, hinila ni Jongin si Kyungsoo at pinaupo ito sa hita niya.
"J-jongin! Ano ba!" Pinalo siya ni Kyungsoo sa dibdib pero hinahawakan lang siya ni Jongin ng mahigpit. Niyakapa niya to sa bewang at humagulgol.
"H-hyung. Pasensya na. Hindi ko kaya, akin ka lang kasi hyung. Akin ka lang." Patuloy niyang binabanggit ang mga salitang yan at nababasa narin ang damit ni Kyungsoo dahil sa luha ni Jongin.
Si Kyungsoo, hindi mapakali kasi nakaupo parin siya sa hita ni Jongin. At sobrang pula ng mukha niya. Niyakap niya si Jongin ng mahigpit.
"J-jongin. Bakit ka ba nagsosorry?" Humarap si Jongin kay Kyungsoo at hinawakan niya ang pisngi nito.
"Didn't you get jealous Kyungsoo? Didn't you?" Umiiyak parin si Jongin hanggang ngayon. Natatakot nanaman siya. Ayaw niyang mawala ito at importante sakanya si Kyungsoo. Natatakot siyang baka sabihin ni Kyungsoo na hindi.
Nakatingin lang si Kyungsoo kay Jongin. Walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Nasasaktan siya, oo. Pero wala siyang karapatan masaktan dahil ano nga ba ang turing sakanya ni Jongin?
"H-hyung. Alam ko namang narinig m-mo kami hyung. I just did that, kasi. Ang sakit s-sakit.. Naghanda ako sayo ng sorpresa nung isang araw. Pinaghandaan ko yun. Nagpatulong nga ako, hyung eh. Ang saya saya ko kasi alam kong magugustuhan mo yun. Pero pagkalabas ko, nakita kita kasama mo si Chanyeol hyung at nakaakbay siya sayo. Ang saya niyong tingnan. At nasasaktan ako kasi ako lang dapat ang nagpapasaya sayo. Pinabugbog ko si Chanyeol hyung para kahit papaano naman, mapunta na ang atensyon mo sa akin. Pero nagkamali ako, lalo pa kayong naging magkalapit. Inuwi mo pa siya sa condo mo. Hindi ko na sinabi sayo yung ginawa ko. Dahil mukhang masaya ka na sa regalo ni Chanyeol hyung."
Walang nagsalita. Natahimik si Kyungsoo. Lahat ng katanungan niya nasagot.
Tahimik na umiiyak lang si Jongin habang nakayuko. Yakap yakap parin ang bewang ni Kyungsoo.
"J-jongin. Hindi ako sigurado. I can't express my feelings. Pero nung narinig ko kayo, aminado ako. Nasaktan ako. Ang sakit sakit. Hindi mo pa ko pinapansin. Hindi mo man--mmph." Siniil ni Jongin ng halik si Kyungsoo.
Hinawakan niya ang leeg nito para mas laliman pa ang halik. "J-jongin.." Nagising lahat ng parte ng katawan ni Jongin ng marinig niya yan. Ang sarap sa tenga. Ang sarap pakinggan.
Hinalik halikan niya ang leeg ni Kyungsoo, "A-ah, jongin.." Bumalik siya sa labi nito at nagulat si Kyungsoo ng pinasok ni Jongin ang dila niya dito. Binalik ni Kyungsoo ang mga halik ni Jongin. Nakakalunod. Nawawala na siya sa sarili. Parang lalabas na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok.
Humiwalay si Jongin at may mga naiwan pang bakas ng laway dito. Lumapit si Jongin at dinilaan niya ito ng parang aso. Pagkatapos niya linisin yun, dinikit niya ang noo niya kay Kyungsoo.
"Kyungsoo. Aaminin ko. Baliw na baliw ako sayo. Makakabugbog at makakapatay ako kapag may nanakit sayo. Akin ka lang hyung, ganun kita kamahal."
