Kasalukuyang naglalakad si Chanyeol at pauwi na ito, may humila sa kanyang lalaking nakaitim.
Nagpipipiglas siya ng makita niyang lima silang lalaki.
Bigla siyang sinipa nung isang lalaki at napaatras siya.
"Ah! Tama na! W-wala akong ginagawa!" Panay ang suntok sakanya ng limang lalaki. Sa bewang, sa mukha, sa likod, sa tuhod. At sa lahat ng parte ng kanyang katawan na siguradong mamimilipit siya sa sakit.
Umubo siya ng dugo at bumagsak nalang sa lapag. Umalis ang limang lalaki at dumiretso sakanya.
"Tapos na po, boss." Ito. Paghatian niyo. Binigyan niya ito ng sampung libo. "Salamat boss."
Ngumisi ito at sinabi ang mga katagang ito, "Akin lang si Kyungsoo. Akin lang." Sumakay na siya sa kotse niya at tuluyan nang umalis.
--x
Nagbabasa ng libro si Kyungsoo at pauwi na rin, nalate siya ng uwi kasi naglinis at nagkaroon pa ang meeting para sa closing nila. Presidente kasi si Kyungsoo.
Habang naglalakad siya, napatalon siya ng may makita siyang kamay sa isang eskinita.
Nilapitan niya ito ng ng dahan dahan at muli, lumaki ang kanyang mata. "C-chanyeol?! Chanyeol! Gising!"
Pinilit ni Chanyeol mulatin ang kanyang mata, "K-kyung..kyung.." Hinawakan ni Kyungsoo ang pisngi ni Chanyeol.
"Anong n-nangyari sayo?! M-may dugo!" Ito ang problema kay kyungsoo. Hemophobic siya, o sa ibang salita, takot siya sa dugo.
"O-okay lang..ako." Hirap na hirap na sabi ni Chanyeol.
Tumawag si Kyungsoo ng ambulansya kaagad, at hindi naglaon dumating agad ito ng parang agila.
"S-sasama po ako. Opo, kaibigan niya po ako." Sabi ni kyungsoo doon sa babae. Umupo siya sa loob ng ambulansya at tiningnan niya si Chanyeol na kasalukuyang nakahiga sa gitna.
"C-channie. Ano ba n-nangyari." Umiyak si Kyungsoo. Importante kasi sa kanya si Chanyeol. Ni minsan hindi nito iniwanan ang kanyang tabi kahit isang saglit lamang.
"Baby..d-don't cry..tonight." Nakangiting saad ni Chanyeol kahit sobrang sakit ng katawan niya. Ito ang kantang paborito ni Kyungsoo. Lalo lang humagulgol si Kyungsoo dito at niyakap niya si Chanyeol.
"A-ano ba kasi n-nangyari?" Tanong niya.
"Sa h-hospital na..agh. M-masakit hindi k-ko na kaya kyung..matutulog m-muna ako." Pumikit si Chanyeol.
"C-chanyeol. Gising. Wag ka muna p-pumikit. Bawal." Pero huli na, nakapikit na si Chanyeol.
