"Bakit naman ganun siya kyung? Wala naman akong ginagawa sayo." Unti unting ngumuso si Chanyeol na siyang ikinatawa ko. He's such a cutie.
"Channie, I told you before, si Jongin kasi masyado siyang protective sa akin. Di ko alam kung bakit. Wala naman siyang gusto sa akin, pero ganun na talaga siya. Wag ka mag alala. Nandito naman ako." Ngumiti ako sakanya.
Inakbayan niya ko, "You're the best kyungie. Sagutin mo na kasi ako." Ayan nanaman ho siya. Ah, oo magkasama kami ngayon. Since hindi ko naman makita si Jongin, eh samahan ko na muna to si Yeol.
"Everything has a right time, Chanyeol. If you do love me, you'll wait for me." Ngumiti siya, sa akin.
"I'll always wait. Even if takes forever."
--x
Sa kabilang banda, sobrang busy ni Jongin sa pag aayos ng AVR. May naisip kasi siyang sorpresa sa hyung niya.
"What the hell? Ano yan! Tanggalin niyo nga yan! I only want Kyungsoo! No other pictures but him! Get that? Aish, bunch of shits." Napayuko nalang yung estudyanteng napagalitan niya. Alam niyo kung bakit sila sumusunod? Well he's none other Kim Jongin. The son of the school's prinicipal and, malamang. The hottest of the hot.
Nang matapos na lahat, ngumiti si Jongin.
"Halika kayo. Pasensya na kung napagalitan ko kayo." Nagsilapitan yung mga estudyante. Binigyan niya ito ng tig- dadalawang libo. Oo, you heard me right. 2000 pesos.
"J-jongin." Did I mention na puro babae ang tumulong? Oo. Puro babae. 12 girls to be exact. Pinagbibigyan niya ito ng halik sa noo at nginitian. Yung mga babae ay halos hindi na magkandaugaga, bukod kasi sa 2000, may halik na, at nginitian pa. Swerte hindi ba?
"Salamat, sa inyo! Bumalik na kayo at kumain." Nagsialisan na sila at natira nalang si Jongin.
"Magugustuhan to ni hyung." Ngiting ngiti siyang lumabas ng avr, ngunit napawi agad ang kanyang ngiti ng makita niya si Kyungsoo na inaakbayan ni Chanyeol at parang gustong gusto pa ito ni Kyungsoo.
Parang tumigil yung puso niya sa pagtibok. Ang sakit sakit.
Naiyukom niya ang kamao niya.
"Jongin! Anong ginagawa mo diyan? Kanina pa kita hinahanap!" Humarap sakanya si Kyungsoo at ngumiti. Medyo naliwanagan siya ng narinig niyang hinahanap siya ni Kyungsoo, pero nasasaktan pa rin siya.
"Wala, hyung. Nag gagala lang." Ngumiti siya ng pilit. Ayaw niya muna makipag-usap. Yumuko nalang siya, Kailan ka pa nasaktan Jongin?
Hindi na sana ako naghanda. At sa paglakad niya, doon na bumagsak ang mga luhang nagbabadya. Tangina.
--x
Napatingin si Kyungsoo sa nakayukong si Jongin.