VII

50 2 0
                                        

Nakatulala lang si Chanyeol ngayon sa lamesang may dalawang pinggan, may mga nakahandang pagkain. Ngumiti siya.

Panigurado na kay Jongin siya.

Oo alam niya. Halatang halata niya kanina sa mukha ni Kyungsoo na si Jongin ang kausap nito. Napayuko nalang siya ng naramdaman niyang sumakit ang puso niya. Literal. Ganto kasi siya pag nasasaktan, sumasakit ng literal ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit ganun pero normal na sakanya yun.

Ang sakit.

Napakunot siya sa sobrang sakit, hinawakan niya ang parteng kinalalagyan ng puso niya at hinimas himas ito. Umaasang, giginhawa siya. At di nagtagal, lumipas rin ang sakit.

Napabuntong hininga si Chanyeol. Alam niya namang wala na siyang pag-asa pero patuloy parin siyang lumalaban. Mahal na mahal niya kasi si Kyungsoo.

Kumain nalang siyang mag isa at hindi na nag-isip ng kung ano ano. Ang importante ay bumabalik kahit papaano si Kyungsoo sakanya.

--x

Nakatulog si Kyungsoo sa dibdib ni Jongin. Hinimas himas ni Jongin ang ulo nito at walang sawang hinalikhalikan niya ang noo nito.

"Mahal na mahal kita hyung." Sabi niya habang yakap yakap niya si Kyungsoo. Tuwang tuwa siya at hindi niya mapigilan mapangiti. Ngiting abot tenga talaga.

"Hindi ako makahinga, Jongin." Nagulat naman si Jongin ng biglang nagsalita si Kyungsoo. Bumitiw siya at nakita niyang gising na ito at nakayuko. Namumula nanaman kasi siya.

"Hyung, gising ka na." Hinalikan niya ang labi ni Kyungsoo kaya naman lumaki ang mata niya.

"Sorry, hyung. You're turning me on." Napakamot ng batok si Jongin at nagbikit balikat. Walang isinagot si Kyungsoo kundi ang pamumula ng tenga at mukha niya.

"T-teka." Bigla niyang naalala si Chanyeol na naiwan pala dun. Baka nag iintay siya sa akin! Tumayo agad agad si Kyungsoo.

"Bakit hyung?" Tanong ni Jongin. "A-ano. Si Chanyeol. Pupuntahan ko lang siya." Lumabas si Kyungsoo at tumakbo ito.

Chanyeol nanaman. Dibale, akin ka lang naman. At nasabi mo rin namang nasaktan at nagselos ka.

Binuksan ni Kyungsoo ang pintuan at nakitang naghuhugas na ng pinggan si Chanyeol. Nakaramdam siya ng konsensya. Pumunta siya sa tabi nito.

"Kyungsoo, nandito ka na pala. Saan ka nanggaling?" Ngumiti ito ng peke. Pinipigilan ang sariling magpahalata. Patay malisya kumbaga.

"A-ah ano. Diyan diyan lang. Nagpahangin." Tumango tango naman si Chanyeol. Napansin ni Kyungsoo ang medyo kumukunot nitong noo habang naghuhugas.

"Nandiyan yung pagkain, tinakpan ko na muna. May plato, kutsara tinidor at baso ka na rin. Kakain ka nalang." Ngiti ulit niya. Sumasakit ulit ang puso niya pero pinipilit niyang wag ipahalata yun.

"Chanyeol. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Kyungsoo. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Wala. Medyo, pagod lang." Patuloy na kumikirot ang puso niya. Sa di inaasahang pangyayari, bumagsak si Chanyeol. His eyes were half lidded and he's turning pale.

"C-chanyeol! Ano bang nangyayari?" Nakita niyang hinahawakan niya ang parteng kinalalagyan ng puso at kumukunot ang noo niya. Hinawakan niya ang kamay ni Chanyeol.

"Masakit ba? Halika dito." Medicine ang course ni Kyungsoo. Alam na alam niya ang gagawin dito. Tinulungan niyang makapaglakad si Chanyeol.

"Chanyeol. May sakit ka ba sa puso? Lungs? O kahit ano man?" Tanong niya dito. Umiling si Chanyeol. Dati na siyang ganto, at pag nagpapacheck up siya, normal naman. Sabi ng doktor sa kanya, baka ganun lang talaga siya dahil isa siyang madamdaming tao.

obsessed; chankaisoo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon