Chapter 15

12 3 0
                                    

"Jian," Tawag sa akin ni Vince mula sa aking likuran. "Anong ginagawa mo diyan?"

Sa lakas ng kaniyang boses ay napatingin sina Daniel at Jamie sa aming direksyon.

'Salamat talaga Vince ha!' Sarkastiko kong sinabi sa aking isipan.

Tumayo si Daniel mula sa pagyayakapan nila at direktang tumingin sa akin. Sa aking mga mata.

Umiwas ako ng tingin at nag-isip ng palusot. Tama! Dahan-dahan kong hinubad ang singsing sa aking kamay para hindi nila mapansin.

"I was about to put my ring inside my pocket when I accidentally let go of it. Buti at nakita ko lang kaagad," Hinawakan ko at pinakita sa kanila ang singsing na suot ko kanina.

Alam ko na maaaring nakita ni Vince kung ano ang aking ginagawa kanina pero wala naman siyang sinabi. Buti nalang.

Ngumiti si Jamie sa akin habang ako'y naglakad papalapit sa kaniya. Nabigla ako nang hinawakan niya ang aking kamay.

"Maraming salamat sa'yo Amaris," hinaplos niya ang aking kamay at ngumiti kay Daniel.

"I guess we should call this a night?" tumingin ako sa kanila habang nagsasalita.

Kinamusta rin kami ni Francine kaya inakbayan niya ako.

"Ang aga pa para umuwi, Jian!" Pilit na pagpigil niya sa'kin.

"I've got work to do." What a big lie. I just want to go home and end this night already.

It seems like Vince caught on to me so he nodded too and spoke, "She's right, I still have to help my baby brother with his homework."

I sighed in relief.

I should remind myself to thank him later for helping me out tonight. Francince pouted a little bit but still gave in to our request.

"So," I started. "Mauna na ako sa inyo kasi naghihintay pa si Alyza bahay."

Tumango lamang ako kay Daniel at Jamie bago ko niyakap si Francine.

"Sabay na tayo, Jian!"

Narinig kong tawag ni Vince nang ako'y naglakad na palabas. Parang close na agad ang peg namin ha. Tumigil ako sa paglalakad.

"Salamat nga pala." Kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.

Tumabi kami sa gilid nang makita namin na nakaharang pala kami sa mga papasok pa lang. Madilim na pero ok lang dahil sa dami ng ilaw sa paligid.

"For what?" kinamot niya ang kaniyang ulo at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Thank you for helping me out tonight. Alam mo na yun," awkward kong tawa sa kaniya. Isinara ko ang butones ng aking cardigan at niyakap ang sarili para mabigyan ng kaunting init ang katawan. Malamig na ang ihip ng hangin dahil gabi na.

Natabanun ng mga ulap ang buwan. Parang uulan ata ngayong gabi.

"I noticed how you were looking at him," sambit niya at sinundan ang aking tingin sa kalangitan. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa bulsa at pinagmasdan ang madilim na kalangitan.

"Tell me about it," wala akong gana na sabihin sa kanino man ang tungkol sa amin ni Daniel. Lalo na ngayon na magkasama sila ni Jamie.

"They're not-" biglang dumating si Daniel at nagsalita mula sa aming likuran.

"Amaris, can we talk?" He was standing by the door as I turned to look at him. Handa na ba akong makausap siya pagkatapos ng lahat ng nangyari?

Sinubukan ko na magtama ang mata ni Vince ngunit hindi ito gumana. Tinitigan niya si Daniel na para bang nagdadalawang isip na iwanan ako.

Soulless Dream of AmarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon