Chapter 6

12 2 1
                                    

   Nagsimula na nga ang aming pagiging "Flings". Sabay kaming gumagawa ng mga proyekto at tinutulungan niya rin ako sa aking mga gawain. Minsan ay pinapanood ko lang siya habang siya'y  nagbabasa ng libro o nag-aaral. Iba si Daniel sa mga lalaking nagustuhan ko noon.

   Hindi ko inaasahan na magkakasundo kami sa napakaraming bagay lalo na sa kagustuhang mag-excel sa klase. He was trying so hard to be a Dean's lister that it made me admire him more.

Tuwing nagla-live si Daniel ay pinapadalhan niya ako ng mensahe upang ako'y makapanood. Minsan naman ay nagkukulitan kami sa comment section ng barkada niya, lalo na si Marem.

Maraming mga tao ang nagtatanong sa kaniya kung sino ba ako. Nagtataka kung bakit ako ang palaging sinasagot niya at kinakausap.

It was going well for the past 5 months and masaya naman kaming dalawa sa kung ano ang mayroon kami.

Nag-aaral kaming dalawa sa Discord nang napag-isipan ko na tumigil muna at magpahinga. Binuksan ko ang aking Instagram at tumingin-tingin sa post ng iba. While I was scrolling ay napatigil ako sa bagong post ni Daniel.

Simple lang naman post niya. It was the view from the driver's side ng sasakyan. It was traffic but still, it was quite relaxing. Baka kasi the sunlight was really great.

Ngumiti ako at tumingin sa kaniya upang alamin kung ano ang ginagawa niya. Focus na focus siya sa kaniyang binabasa na cases kung kaya't hindi ko na siya inistorbo.

Pumunta ako sa comments at mag-cocomment na rin sana nang may nakita akong pumukaw sa aking pagseselos.

jamiecruzz papunta ka na here?
8h         Reply

        daniel_jlim @jamiecruzz yes baby
                1 like          Reply

'Baby?' Inis kong iniisip.

Ako'y naguguluhan sa kung ano dapat ang aking maramdaman. Baka biro lang naman 'yon at kaibigan niya lang itong si Jamie. Tiningnan ko ang kaniyang account at nakita ang 'sexy' posts niya. Maganda at maputi rin siya.

It seems she's from ADMU rin.

'Nandiyan na naman yang insecurities mo, Amaris!' Galit kong sinabi sa aking sarili.

Chineck ko ang comments ng mga post niya at nakita na madalas palang nag-iiwan ng comment si Daniel doon. Mahirap pigilan ang sarili ko na magselos lalo na dahil sobrang sweet ng interactions nila.

Pero, diba masama rin kung mag-aassume ako kaagad?

"Dan, may ita-" nagsalita na sana ako ngunit ito'y naputol kasi biglang tumunog ang phone niya.

"Teka lang Amaris," sambit niya bago sagutin ang tawag.

"Oh yes, Jamie!" Napataas ang aking kilay sa inis. Kahit anong pilit ko ay mas nagselos lamang ako.

"Thank you for the album nga pala...yes, yes. Ok, bye."

'Album' Tanong ko sa sarili.

"Sino si Jamie?" Ako'y napatitig sa kaniya.

Ngumiti lamang siya bago nagsalita,

"She's a friend from school."

Napakaraming tanong ang umiikot sa akong isipan ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko maging selosa dahil hindi naman talaga kami magjowa. Ayaw kong maramdaman niya na sinasakal ko siya.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na ngumiti. Tinatago ang selos at pagtataka na aking nararamdaman.

"Oh, okay."

Yun lamang ang tanging mga salita na nasabi ko sa kaniya.

Akala ko magiging pantasya lamang palagi ang aming kuwento.

Darating din pala ang panahon na masisira kami ng isang bagyo.

Kung alam ko lang edi sana naghanda ako...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote.Share.Comment




Soulless Dream of AmarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon