S E V E N

366 14 0
                                    

Lumipas ang mga araw at napapadalas ang pagpunta ng magandang babae na nagngangalanag Jia sa mansyon. Tulad ngayon, nasa study room ang ito at si Leandro. She didn't know what are they discussing about but she knew it wasn't just business.

Itinukod nya ang mga kamay sa railings ng balkonahe at huminga ng malalim. Ang mainit na sikat ng araw ay dumapo sa kanyang mukha.

She smiled when a small arms hugged her legs.

"Sleep lang ako saglit paggising ko wala kana agad, mommy," hinaing ng bata.

Humarap sya at nakitang nakanguso na ang bata at namumula ang malulusog na pisngi.

"Ang cute mo talaga!" Aniya't pinanggigilan ito.

They were laughing when Leandro appeared. Nasa likod nito si Jia, wearing a body hugging red dress.

"Caleb come here. We'll go somewhere," anyaya ni Leandro sa anak.

Sunod-sunod na umiling ang bata. "Ayaw!"

Binitawan nya ang bata at nginitian. "Go ahead, baby."

"No!" Sa pagkakataong iyon ay lumapit na si Jia at kinarga ang bata. Caleb refused and cried loudly. Agad na inalo naman ni Leandro ang anak.

Wala syang magawa kundi pagmasdan ang mga ito. She felt her chest tightening.

May lungkot sa mga matang Iniwas nya ang tingin at tinalikuran na lamang ang mga ito.

Nabigla sya nang pag-alis nila Leandro ay syang pagdating ng isang ginang. Sinalubong sya nito ng isang sampal. "May gana ka pang bumalik!"

Napahawak sya sa pisngi nang may takot sa mga mata. "Si---sino po kayo?"

Isang sampal muli ang pinakawalan nito sa kabilang pisngi nya. "Ayan nang magising ka! Ang kapal ng mukha mong bumalik sa buhay ng anak ko! Lumayas ka!" anito at nagsimulang kaladkarin sya palabas.

Wala naman syang magawa kundi magpatinuod sa pagkaladkad ng ginang.

"Saglit lang po!"

"You cause so much trouble in this family... I had enough with your lies, Calla! Lalayas ka ngayon at hindi na babalik pa! Or do you want me to put you in jail?"

Padarang na binitawan sya nito. And to her horror, she pushed her which cause her to fall on the ground. Tears are rolling down her cheeks.

"Ma'am Liana, kabilin-bilinan ho ni Sir Leandro na huwag syang hahayaang makalabas," sulpot ng mayordoma.

"At bakit hindi pa palayasin ang babaeng ito? Kung mananatili sya sa mansyon ay baka gulo na naman ang idulot ng babaeng iyan!" sabat ng ginang.

"Parang awa nyo na po, Ma'am. Sisisantehin kami ni Sir Leandro kapag umalis sya," katwiran pa ng mayordoma pagkatapos ay inalalayan syang tumayo.

Umismid naman ang ginang. "Bueno, may tiwala ako sa anak ko. There must be a reason why he kept you, he must be finding an evidence for you to rot in jail."

Ilang masasakit na salita pa ang sinumbat nito sa kanya bago tuluyang umalis.

Nanghihinang napaupo sya sa sahig ng banyo. Wala na nga yata syang kawala sa mga panganib. Si Duke man o ang mga Valliere, wala syang kawala.

-

"Didn't I told you that you're not allowed to leave the house?" asik ni Leandro sa kanya.

Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon