O N E

798 17 0
                                    

D I S C L A I M E R

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are either the product of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

It also contains adult scenes, inappropriate words, violence and lots of typographical errors which are not suitable for young and sensitive readers.

.....

Nilibot ni Valerie ng tingin ang kabuoan bahay. Sa bawat sulok nito ay magagandang alaala ang kanyang iniwan kasama ang mga magulang kaya't masakit para sa kanya na bumalik muli. The huge house was theirs months ago. Kung hindi lang ito inagaw ng gahaman nyang kamag-anak.

Ang dating family portrait nila ay napalitan ng malaking larawan ng kanyang Tito Bernard, ang ganid na kapatid ng kanyang ama.

"Umalis ka rito! Sa amin na ang lahat ng ari-arian nyo maging ang kompanya!" Iyon ang huling sinabi nito sa kanya bago sya sapilitang palayasin.

Wala syang nagawa. Wala syang kalaban-laban sa kanila. She's emotionally unstable that time so they took advantage of it. Her parents got into a car accident months ago. Sabay nawala ang mga ito sa piling nya.

"Gusto kong dito ka na uli tumira, Valerie" sambit ni Duke na nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad.

Napatingin sya sa pinsan. "Akala ko ba ay may ibibigay kang gamit ng mama at papa?" tanong nya dahil iyon ang dahilan kung bakit sya sumama dito.

Pinuntahan sya ni Duke sa apartment na tinutuluyan kaninang umaga at iyon nga... may gamit pa raw ang kanyang mga magulang na naiwan at ayaw naman daw nitong ipatapon. Kaya naman kinagabihan matapos ang trabaho nya ay sumama sya rito para kunin ang mga gamit.

Galit si Valerie sa magulang ni Duke dahil sa pagpapalayas sa kanya. Ngunit isinantabi nya iyon sa ngayon para sa gamit na nais makuha. Wala kasi syang ni isang gamit o picture manlang ng pumanaw na magulang dahil wala syang nabitbit nang palayasin bigla.

Napakamot ito sa batok. "Oo nga pala, saglit at kukunin ko," anito saka pumanhik sa taas.

Hindi nya alam kung bakit maya-maya ay wala sa loob na sinundan nya ang pinsan.

Tumigil sya sa tapat ng pinto ng dating nyang silid kung saan ito pumasok. Nakarinig sya na tila may nabasag sa loob kaya itinapat nya ang tenga sa pinto.

"Gusto ko dito sya ulit tumira, Mama!" rinig nyang sigaw ni Duke.

"Anak, marami pa r'yan na mas hihigit kay Valerie. Isa pa, pinsan mo pa rin sya at baka humadlang pa sya sa mga plano ko," ang kanyang tito Bernard.

Kumunot ang kanyang noo. Why are they talking about her all of a sudden?

"Kaya nga papa! Dinala ko sya dito para pagkatapos pagsawaan ay patayin nang wala na tayong problema sa kayamanan ng Tito Vale!" giit pa ni Duke na lalo nyang ikinagulat.

"Nakapagandang ideya, anak. Manang mana ka talaga sa akin. Sige, go ahead and play with her. Just don't forget to kill her kapag tapos ka na sa kanya."

Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig iyon mula sa tiyahin. Nanlalaki ang mga matang napaatras sya.

Laking pasasalamat nya nang kusang kumilos ang mga paa palabas ng mansyon.

Bago pa man sya tuluyang makalabas sa main door ay narinig nya ang sigaw ni Duke.

"Valerie! Where are you going?"

Hindi nya ito pinansin at determinado syang nagmamadaling tumakbo. Napapihit sya pabalik nang mamataan ang mga guard sa gate. Imbes na sa harap ay sa likod sya dumaan. Sa kagubatan.

Duke curse multiple times as he followed her inside the forest. Isang beses nya itong nalingunan at halos mahigit nya ang hininga, may dala itong baril!

Bawat tapak ng kanyang mga paa sa mga tuyong dahon ay nagdudulot ng ingay sa gitna ng kagubatan. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. It was cold and dark and she can't help but to silently pray for a miracle.

"Valerie!" his cousin's angry voice called her.

Namumuo na ang pawis sa kanyang noo at leeg. Maging ang luha ay walang patid sa pagtulo.

Inagaw na nga ng mga ito ang mga ari-arian ng kanyang mga magulang! Pati ba naman sya ay plano ng mga itong gawan ng masama?!

Sa pagmamadali ay hindi nya napansin ang nakakalat na malaking sanga. Natisod sya at bumagsak sa lupa.

Masakit na ang kanyang buong katawan dulot ng maghapong trabaho kaya't mas lalo syang nanghina dahil sa pagtakbo. Dahan-dahang bumangon sya mula sa pagkakadapa ngunit muling bumagsak nang mamataan ang nagdurugong sugat sa tuhod at binti.

She almost held her breath when the cracklings of the dry leaves reach her ears. Naitakip nya ang magkabilang palad sa bibig.

Maingat syang naupo at nagtago sa likod ng malaking puno ng narra.

Pumikit sya ng mariin, sinusubukang h'wag kumawala ang mga hikbi mula sa kanyang bibig.

Hanggang sa sunod-sunod na yapak ang kanyang nadinig. Marami sila at siguradong malabo para sa kanya ang pag-asang makatakas kung magtatagal pa ang mga ito.

Thankfully the grasses are tall enough to cover half of the tree where she's hiding. Nagsilbing harang iyon upang hindi sya agad makita.

"Valerie, honey, come out! I won't hurt you promise."

"Sir, mukhang nakalayo na," sabat ng isa sa mga tauhan ni Duke.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagbagsak ng kung ano. Halos mapatalon sya sa kinalalagyan dahil sa gulat.

"Kayo! Hanapin nyo si Valerie kung ayaw nyong matulad sa hayop na 'yan! Naintindinhan nyo?"

Sa pagkakataong iyon ay mas isiniksik nya ang sarili sa puno. Kung maari lang na lamunin na sya lupa ngayon pa lang ay mas maigi pa kaysa mapasakamay ng hayop na ito!

"Opo!" sunod-sunod na sagot ng mga tauhan.

Hanggang sa nawala na ang mga ito sa kanyang pandinig. Lumayo na ang mga yabag, inaakalang mas nakalayo pa sys.

Hilam sa luhang napasandal sya sa puno.

She closed her eyes wishing for the heavens to make a miracle for her... She is helplessly hoping for a light to come... 'cause right now... It feels like she's lost in the dark.


Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon