T W O

449 15 0
                                    

Hindi nya alam kung saan sya kumuha ng lakas para magpatuloy sa pagtakbo sa gitna ng kagubatan. Iika-ika man ay wala syang pakialam dahil anomang oras ay maaring makita sya ng mga tauhan ni Duke.

Hanggang sa matunton ng kanyang mga paa ang madilim na kalsada. She successfully escape the forest. No sign of Duke and his people. At sa takot na baka makita nila ay iniharang nya ang sarili sa gitna ng kalsada nang mamataan ang liwanag ng isang paparating na saksakyan.

Kinaway-kaway nya ang magkabilang kamay sa ere upang mapansin.

To her horror, imbis na tumigil ang kotse ay mas bumilis ang andar nito patungo sa kanya. It is as if it is also running away too.

Hindi nya na nagawang makaatras. Tila natulos sya sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang bumundol ang sasakyan sa payat nyang katawan.

Malakas na pwersa ang tumulak sa kanya upang tumilapon at magpagulong-gulong sa gitna ng kalsada. She crawled towards the car when she saw someone inside endlessly knocking the window. Hanggang sa sunod-sunod na putok ng baril ang naganap.

Unti-unting namanhid ang buo nyang katawan. Bumigat rin ang talukap ng kanyang mga mata. Naulilingan nya ang malakas na pagsabog. Saka nya naramdaman ang init na dumapo sa balat. She whimpered in pain until she lost consciousness.

Two years later

Nang imulat nya ang mga mata ay puting kisame ang sumalubong sa kanya. Her throat feels sore and she felt like she was asleep for too long.

She roamed her eyes around and realize that she's in a hospital. The monitor is beeping normally. Sinubukan nyang tumayo ngunit hindi nya maigalaw ang mga binti. Ni hindi nya iyon maramdaman.

She struggle upon lifting herself up but in the end, hindi nya iyon nagawa.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Nakamasid lang sya rito nang may pagtataka. Nanlaki ang mga mata nito nang makita syang gising. Mabilis itong lumabas, nahulog pa ang hawak.

"Doc! Doc!"

Pagbalik ng babaeng nurse ay may kasama na itong Doktor.

"A---ano ang..." her voice is hoarse. Nanginginig ang kanyang mgalabi sanhi upang hindi maituloy ang sasabihin. Nakahiga pa rin sya sa hospital bed, sinusubukang magsalita ngunit hindi nya tuluyang magawa.

May inilabas ang Doktor na maliit na flashlight at itinapat sa kanyang kanang mata.

"Mrs. Valliere, I'm glad you're awake. Blink twice if you hear me," he instructed.

She do as the Doctor told. Napatakip ng bibig ang nurse na nasa likod nito.

"Call his husband, Tanya," baling ng Doktor sa nurse.

The Doctor check her and ask about how was she feeling. Hindi pa rin sya tuluyang makapagsalita at makagalaw ng maayos. Tila sya'y naparalis. She was about to panick when the Doctor told her to stay calm and assured her that everything will be alright.

Maya-maya lang ay may dumating na isang lalake and God! he was breathtakingly handsome. Halata ang pagmamadali sa kilos nito but when his stone-cold eyes reach hers, his jaw clenched, both hand on his side balled into fist. He slowly neared, lips formed into a grim line.

"How is she?" his baritone voice spoke.

Eyes and ears are the only part of her that's working perfectly fine. Maraming katanungan sa kanyang isipan ngunit hindi nya iyon maisatanig.

Anong Mrs. Valliere ang pinagsasasabi ng mga ito? Sino ang lalake at napakasama ng tingin sa kanya gayong kaawa-awa na nga ang kanyang kalagayan?

"We will still do some test. Kagigising nya lang at hindi pa maayos na nakapagsasalita---"

Pinutol nito ang sinasabi ng Doktor. "Do everything to make my infamous wife back to her old self."

Infamous wife?

"Yes, Sir."

Lalong nadagdagan ang mga katanungan sa kanyang isip. "Si---sino ka... kayo?" finally, she managed to speak.

Marahas na singhap ang narinig nya mula sa nurse ngunit mas natuon ang kanyang pansin sa lalakeng matiim na nakatingin sa kanya. Napaawang ang mga labi nito at gulat ang mga matang napatitig sa kanya. Maya-maya ay agad itong nakabawi pagkatapos ay inismiran sya.

Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon