T H R E E

424 15 0
                                    

Ilan pang test ang ginawa sa kanya ng Doktor. At habang lumilipas ang bawat araw... bawat linggo ay mabilis ang naging recovery nya.

Inakala nila na ay may amnesia sya na hindi naman pinaniwalaan ni Leandro. Wala naman talaga dahil ibang tao sya at hindi ang pinaniniwalaan nito. Pilit nya ring itinatanong dito ang tungkol sa pag-iiba ng mukha nya ngunit lalo itong nagagalit.

Hawak nito ang braso nya habang kinakaladkad sya palabas mg ospital. She's definitely fine now. Pwede na syang umuwi ngunit ayaw syang pakawalan ni Leandro. Mahigpit ang hawak nito sa braso nya at pursigidong iuwi sya sa bahay nito.

"Hindi nga ako ang asawa mo!" she cried desperately as he scooped her and put in the front seat.

Mabilis itong umikot upang makasakay sa kabila.

"Ano ba! Ako si Valerie, hindi ang sinasabi nyo!" tila bingi ito sa bawat hinaing nya.

Buong byahe ay patuloy sya sa pagsasabi na hindi sya ang asawang tinutukoy nito.

"Tumigil ka na!" he warned.

She frustratedly glance at the rearview mirror. How can she prove herself?!

Naiyak sya nang masilayan ang mukha. It wasn't her... It wasn't her face! Gusto nyang maibalik ang dati mukha ngunit hindi iyon mangyayari hanggat sa tingin Leandro ay sya ang asawa nito! Ani ng Doktor nang dalhin sya sa ospital ay walang syang malay at halos sunog ang mukha... That she cannot believe!Inakala nilang sya si Calla Valliere asawa ni Leandro Zoren Valliere! Kaya inayos ng mga ito ang mukha nya na ayon sa mukha ni Mrs. Calla Valliere!

"Please, pakinggan mo naman ako," pagsusumamo nya.

His lips were in thin line and his eyebrows narrowed as his eyes fixed on the road. Tila ba nawawalan na ito ng pasensya.

Hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang mansyon. Napilitan syang bumaba ng sasakyan. Hawak sya nito sa palapulsuhan habang papasok sa loob.

"Sabing hindi ako si Calla!"

Dinala sya nito sa isang silid. Padarang nitong isinara ang pinto at saka sya binitawan. Naninimbang ang tingin nito sa kanya.

"Shut up! Ganyan ka na ba kadesperada? Nagpapanggap ka pang may amnesia! For goodness sake, Calla! Hindi ka na nahiya!"

She threw dagger looks at him. Hindi nya na alam ang gagawin! Ayaw nitong maniwala. Walang naniniwalang ibang tao sya. Higit sa lahat ay napagkakamalan pa syang hibang!

She was about to shout at him again when suddenly the door opened. A  handsome young boy appeared. Sa tingin nya ay tatlong taong gulang pa lang ang bata.

"Daddy!" Yumakap ang bata sa binti ni Leandro. Pagkatapos ay tumingin sa kanya nang may takot sa mga mata.

She looked away.

"Why don't you give mommy a hug, baby? I thought you miss her?" Nag-iba ang tono ni Leandro. Napalitan ng gentleness ang galit nito.

Bumalik ang tingin nya sa bata sa sinabi ni Leandro. The kid pouted as he slowly come close to her.

Nagbabantang tingin ang ibinaling ni Leandro sa kanya sa 'di malamang dahilan.

Yumakap ang bata sa kanyang mga tuhod. Umupo sya upang magka-level sila at saka nya ito niyakap. Tila napapaso namang bumitiw agad ang bata.

"I'm sorry, Mommy. I ruined your blouse!" Tarantang bulalas nito at naiiyak na.

Napatingin sya sa suot. "Wala naman ah? Bakit ka iiyak? You don't do anything wrong."

Somehow, magaan ang loob nya sa bata. Ramdam nya ang pagmamasid ni Leandro kaya mas lalo syang nataranta nang tuluyang umiyak ang bata.

"You said... You don't like hugging 'cause I'll ruin your precious clothes... I'm sorry, Mommy!"

Niyakap nya ang bata at inalo.

"Stop crying, baby," she hushed him until he fell asleep on her arms.

Natuon ang pansin nya sa bata. Tila tuluyang nyang nalimutan sandali ang pagpupumilit ipahayag ang totoong pagkakakilanlan.

Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon