N I N E

372 13 0
                                    

A special day came. It's Caleb's birthday. A huge birthday party for him was held in the mansion. Abala sya sa pag-aasikaso sa bata. He's happy while playing with the other kids. Nang may tangkang lalapit sa kanya ay lumapit sya sa anak at akmang pinupunasan ang pawis nito sa mukha.

Kanina pa sya ganoon. Iniiwasan ang bawat lalapit. Lahat ng naroon sa party ay estranghero para sa kanya. She didn't belong to them... Hindi sya si Calla.

"Ma'am, ako na ho kay Caleb. Hinahanap kayo ni Sir sa loob... Kararating lang ni Madam Liana."

"Ang... ang ina ni Leandro..." tangi nyang naisambit at naalala ang una nilang pagkikita.

Bago pa man sya tumalikod at umalis ay may humaklit na sa braso nya. "There you are!"

Her eyes widen a fraction when she saw Leandro's mother. Lumapit ito at itinapat pa ang bibig sa tenga nya. "I will not let you ruin my son this time. Gagawin ko ang lahat para ilabas ang baho mo at nang makulong ka..."

She looked at her pleadingly. "Ma'am... Pakinggan nyo ako. May... may kailangan kayong malaman."

Natatakot man ay kailangan nyang tatagan ang loob. She needs to face her fears... the truth. Sa pagkakataong iyon ay aamin na sya.

Walang ano-ano ay hinila nya ang ginang patungo sa walang taong parte ng mansyon. Masama at mapang-akusa ang tingin nito sa kanya.

"Get off!"

"Maniwala po kayo! Magsasabi ako ng totoo, aamin na 'ko!"

Natahimik ito at seryosong tumingin sa kanya.

"Kung... Kung mapatunayan nyong ako si Calla ay kusa kong isusuko ang aking sarili sa mga tulad ng gusto nyo... Hindi na ako magpapakita pa kahit... kahit sa bata," saad nya.

"Hindi ako si Calla. Ako po si Valerie Zarmina Sanreal. My parents died because of a car accident and my uncle got all my inheritance... Pinalayas ako sa sarili naming mansyon pagkatapos ay tinangkang patayin. That's how I got into that same road with Calla... Hinarang ko ang aking sarili sa gitna ng kalsada umaasang tumigil ang sasakyan at tulungan ako pero... pero bumilis ang takbo non. Paggising ko ay ganito na ang mukha ko, they thought I am Calla and Valerie is dead. When truth is, I am Valerie and the one whose dead is Calla, your son's wife, paliwanag nya.

Liana laughed mockingly. "And you expect me to believe that?"

"Kaya kong patunayang hindi ako si Calla, Ma'am! Tulungan mo akong magpaDNA test... kami ni Caleb. Kapag nagsisinungaling ako ay gawin nyo na ang lahat sa akin... kahit patayin nyo pa ako," she said desperately.

Hindi nya alam kung paano nya ito napapayag.

Nababanaag ang pagtataka sa mukha ng ginang. Sa isip nito'y ay tama nga ang sumbong ng mga katulong. Iba ang mga ikinikilos at sinasabi ni Calla. Ngunit hindi sya maaaring magpaniwala dito dahil baka umaakto lamang ito. Labis ng nasaktan ang anak nya sa panloloko nito at ayaw nyang maulit pa iyon. She will make sure that Calla will leave her son alone kaya naman sa huli ay pumayag sya sa kahibangang nais ni Calla nang may namumuong plano sa isipan. Of course the DNA will be positive and she will get that opportunity to tell that Calla needs medical treatment. Kung hindi man nya ito madala sa kulungan ay nariyan ang mental health facility. "Keep this a secret between us for now. And If I found out that you're lying and this is one of your freaking tricks, palalayasin kita at sisiguraduhing pupulutin ka sa putik!"


Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon