S I X

372 12 0
                                    

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. All along Duke knew that she's dead when the truth is, she's not! Anito ay abo na lamang ang naabutan nila. Ang bracelet na suot nya na nasa tabi ang nagsilbi nilang patunay na sya nga iyon. She's pretty sure na hindi sya 'yon! At... At kung tama ang hinala nya, ang labing natagpuan ni Duke ay ang tunay na Calla!

Nagkulong sya sa kwarto matapos marinig iyon mula kay Duke. Gabi na at narinig nya na rin kanina pa na nakaalis na ito lulan ng sariling kotse. She didn't know what the two discuss about after she left.

Nangangamba sya para sa sariling kaligtasan. Paano kung matuklasan ni Duke na hindi sya si Calla at sya ang tunay na Valerie? Mas lalo syang manganganib at baka sa pagkakataong iyon ay magtagumpay na si Duke at ang pamilya nito sa balak.

Ang hirap isiping ito lang ang tangi nyang option sa ngayon. Pretending to be Mrs. Calla Valliere! It will be hard for her. But for her safety, she will pretend to be Leandro's wife.

Hindi nya alam kung hanggang kailan pero iyon ang tanging paraan para manatiling ligtas.

Ang padarang na pagbumukas ang pinto ang nakapagpabalik ng kanyang wisyo. Napakapit sya ng mahigpit sa may dulo ng katre kung saan sya nakaupo.

Galit na dinuro sya ni Leandro. "You were saying that you're Valerie and.. I'm a fool to even slightly believe you because of your weird actions! Damn you!"

She clutched her fingers as she avoided his intense stare. Heto na naman... bumalik ang takot sa kanyang dibdib.

She can't even take his stare. Masyado iyong nakapapaso at nakakakaba.

"Are you happy now? Ilang beses mo na akong pinagmukhang tanga, Calla!"

"I'm... sorry," hinging paumanhin nya sa mababang tinig.

"Hindi sapat ang sorry sa mga ginawa mo! You're a cunning bitch! I had enough, let's file an annulment just like how you wanted a long time ago."

Hindi sya makasagot sa bawat paratang nito. If he will file an annulment, that means... malaya na sya?

"Ano? Ayaw mo na? Dahil kapag hiniwalayan kita ay mawawalan ka na ng pera! Bakit nga ba hindi ko iyon naisip... Calla Janice Madrial will be poor as rat again---"

"Mommy!" Sulpot ni Caleb sa likod ni Leandro. Tumakbo ito sa direksyon ni Valerie at yumakap sa dalaga.

"I want... sleep here, Mommy!"

Lumambot ang puso nya para sa bata. He was just a two year old kid. Too early to lose his mother. Hindi nya mapigilang maawa.

Nag-angat sya ng tingin kay Leandro. Naninimbang at mapang-akusa ang tingin nito pabalik. Ano bang ginawa ni Calla at bakit magulo ang pamilya nila?

Bumitiw si Caleb at nagtungo sa ama upang hilahin sa kamay papalapit sa kama.

"Let's sleep together mommy, daddy pleaseeee!"

She bit her lower lip. Maaring katabi nya si Caleb pero si Leandro sa iisang kama? Hindi nya yata kakayanin. Nagsimulang magpanic ang kanyang sistema.

Ngunit sa huli ay wala syang nagawa dahil kapwa sila sunod-sunuran sa anak. She didn't want to upset the kid. Labis na nga yata syang napamahal sa bata... But she is not his mother para magkagano'n dahil patay na si Calla.

-

Weeks passed na ganoon pa rin sila. Kapag nariyan ang bata ay tahimik si Leandro at kapag naman wala ito ay katakot-takot na masasakit na salita sinasabi nito sa kanya. Unti-unti na nga syang nasasanay, alam nyang hindi dapat iyon i-tolerate pero ayaw nya na ng away. Kahit papaano kasi ay ligtas sya sa mansyon.

"There!" Leandro threw dirty clothes on her lap.

Tinanghali sya ng gising at inakusahan naman nitong nagbubuhay reyna. Kahit ang totoo ay hirap syang makatulog kagabi kaya nagkaganon.

Pinulot nya ang mga nalaglag sa hinagis nito at nagtungo sa laundry area. It Caleb's clothes.
Noong isang araw nga ay pinaglinis naman sya nito ng buong bahay at kahapon ay ang bakuran naman. She wouldn't mind doing the household chores. At kahit ano pang ipagawa nito'y susundin nya na lamang. If he wants her to suffer then she will suffer the way he wanted. She will endure it for the mean time.

Wala si Caleb nang magising sya. Ani ng katulong ay ipinasyal daw kaya wala syang mapagkaabalahan. Then Leandro came, nagged at her endlessly.

Matapos ang gawain ay napagpasyahan nyang umakyat sa silid only to find a maid removing fancy bags and dresses on her closet. Nagulat ito nang makita sya.

"Ma'am, kasi po pinapatanggal ni Sir Leandro ang mga mamahaling gamit sa kwarto nyo," sambit nito kahit hindi nya naman tinatanong.

May takot sa mga mata nito at hindi nya maiwasang mainis. Is Calla that scary? Lahat ilag sa kanya. Mabuti na nga lang at napaamo nya agad si Caleb, kahit papaano ay may karamay sya.

"Okay lang," aniya at tinulungan na rin ito sa ginagawa kahit pilit itong tumatanggi.

Nang maggabi na ay wala pa rin si Caleb. She started missing him. Wala naman syang mapagtatanungan.

Alas nueve nang bumaba sya para sa hapunan. Pinatapos nya muna ang lahat bago sya bumaba.

Nang madaan sa living room ay laking gulat nya nang makita si Leandro, nakaupo ito sa pang-isahang sofa. Sa harap nito ay may isang magandang babae. Napatigil ang mga ito sa pag-uusap nang mapansin sya.

Napayuko naman sya at nagtuloy sa kusina. She shouldn't meddle with them. Ngunit hindi nya maiwasang mapaisip...

May nagugustuhan na ba itong iba? Kaya ba gusto na nito ng annulment?

She shrugged her thoughts away. No, nandito sya para sa kaligtasan. Wala ng iba.

Mistakenly Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon