TWO

45 20 24
                                    

 "GATHER EVERYONE!" masungit na sigaw ng baklang kasama ni Tori. Kasalukuyan silang nasa isang silid na malapit sa conference room kung saan siya kinausap ng manager ng kaniyang idolo kung saan siya pinasunod nito ng masungit na bakla. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinakausap. It was an empty room filled with glass walls at may makintab na sahig.

Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa.

"Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan," pag-aanunsyo nito sa mga kasamahan nito kapagkuwan ay turo sa kaniya.

Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging mga bago niyang mga kasamahan.

"Hello! Ako nga pala si Victoria Nervaez but you can call me Tori," pagpapakilala niya.

Pumalakpak ang babae samantalang malawak ang ngiti sa kaniya. Nakasuot ito ng eyeglass, mini-skirt at crop top habang naka tirintas naman sa gilid ang buhok nito. Simple yet very stylish ng buhok nito. She looks like a nerd chic sa outfit of the day nito. Medyo nagulat pa si Tori nang lumapit ito sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.

"Welcome to the team," saad ng babae sa kaniya.

Napamaang si Tori sa sobrang friendly ng aura nito. "Mabuti naman at may kasama na akong tunay na babae at hindi lang kalahati," dagdag pa nito. Bakas na bakas sa mga mata ng babe ang kasiyahan na makita siya. Akmang sasagutin niya sana ito ng maunahan siya nung masungit na bakla.

"Tumigil ka nga muna r'yan apat na mata," masungit na anito. Inalis nito ang pagkakahawak sa kaniya ng babae. Hindi pa ito nakontento dahil pumagitna pa ito sa pagitan nilang dalawa ng babae habang nakahawak ang dalawang kamay sa balingkinitang bewang nito na para bang tinatago siya mula rito.

Napasinghap si Tori sa katarayan nito. Pati pala sa mga kasamahan nito ay walang patawad ang ipinapakita nitong kasungitan. Napailing siya. Grabe ang harsh!

Expected na niya na susungitan siya nito dahil bago pa lang siya. Gano'n naman sa mga working place 'di ba?

Alam niya na parang isang tradisyon na talagang pinag-iinitan ang mga baguhan sa trabaho kaya naman ay nawindang siya ng gano'n din ang asal nito sa mga kasamahan. Tiningnan niya ang mukha ng babae kung na-offend ba ito pero tila ba wala lang 'yon dito. The girl just shrugged her shoulders. Pagkatapos ay sumilip ito sa kaniya saka siya binigyan ng apologetic smile na para bang sanay na ito sa grumpy attitude ng kasama.

"Nagsusungit ka na naman Addy. Sige ka! Magkakaroon ka ng wrinkles niyan. Sayang ang gastos mo sa pa-skincare mo," pabirong saad naman ng isang lalaking nakaupo sa isang gilid habang pinaikot-ikot sa daliri nito ang isang susi.

Nakasuot ito ng black jeans at white fit shirt. Bakat tuloy ang malaking muscle nito sa dibdib. Mukhang alagang gym ang lalaki. Good looking din ito na para bang isang artista.

Napapalatak si Adrian ngunit hindi na nagkomento pa sa sinabi ng lalaki. "Victoria meet them. Si Cass ang hair stylist," seryosong wika ni Adrian sabay turo sa babaeng may salamin kapagkuwan ay sunod na itinuro ang lalaking may hawak ng susi. "Siya si Wesley ang personal driver ni Jude. Samantalang ang dalawang 'yon."

Itinuro nito ang dalawang lalaki na parang walang pakialam sa mundo at sayaw lang ng sayaw sa harap ng salamin na nasa silid na 'yon. Walang tigil ang dalawa kahit na tinawag na ni Adrian ang mga atensyon ng mga kasama nito.

"Sila sina Cristoff at Cross, ang kambal na choreographer," pakilala nito sa kaniya. Natigilan naman ang dalawa sa pagsasayaw nang marinig ang mga pangalan nila saka ibaling ang atensyon sa direksyon nila.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon