UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude pero iba ang inaasahan niyang trabaho sa ipinapagawa sa kaniya ngayon. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling ng limang kaldero. Natapos na niyang linisin ang tatlo pero meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya.
Harap-harapan na ipinapadama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran no'n ang nararamdaman nito sa pagtira niya sa bahay. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging personal assistant ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant. Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay ito ang unang araw niya at pangalawa ay hindi niya kayang suwayin si Adrian dahil natatakot siya sa katarayan nito.
Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusan ulit kahit hindi pa man siya tapos sa kaniyang ginagawa. Ang masaklap pa it was the first day of her work pero hindi pa niya nakikita ang kaniyang idolo.
Nakuha na niya rin ang kopya ng schedule ni Jude at bagamat may supposed to be appearance ito sa isang morning show ay kinansela dahil na rin sa isyu na lumabas. Iwas dumog na rin ng media. Ika nga ni Cass dahil sa mainit pa ang paniguradong kapag nakita si Jude sa labas ay magkaroon ng gulo kahit na nagbigay na ang binata ng kaniyang statement.
Bukod doon ay binigyan ng kumpaniya ang kaniyang idolo ng rest day para sa araw na 'yon kaya naman ay pahinga rin nila. Well, good for them not for me.
Alam niyang pinag-iinitan siya ni Addy kaya siya lang ang palagi nitong inuutusan kahit na free naman ang iba na gawin ang inuutos nito. Marahas na napabuntong hininga si Tori. Hindi pa man natatapos ang kalhating araw ay ramdam na ramdam na niya ang pagod. Wala namang problema sa kaniya na gumawa ng mga gawaing bahay kaya lang sana naman ay bigyan siya nito ng kahit kaunting break. Muli siyang napabuntong hininga.
"Tori?"
Napalingon siya nang bigla umibabaw ang boses ni Cass sa kaniyang likuran. Magkasalubong ang dalawang kilay at halata ang pag-aalinlangan at paghingi ng paumanhin.
Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti saka panandaliang hininto ang kaniyang paglilinis.
Lumapit ang babae sa kaniya saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso. "Kanina ka pa nagtatrabaho. Pahinga ka na muna," anito atsaka hinila siya palabas ng kusina ngunit pinigilan niya ito.
"Mamaya na siguro, Cass. Hindi pa ako tapos eh. May dalawa pa akong lilinisin," sagot niya saka binawi ang braso sa pagkakahawak nito. Isa pa baka mapagalitan ako ni Addy. Nais niyang idagdag ngunit madali niyang pinigilan ang sarili.
"Gusto mo bang tulungan kita?" tanong nito sa kaniya. Sunod sunod siyang napailing rito. "Okay lang. Dalawa na lang naman ito eh. Kaya ko na," ngiting saad ni Tori.
Napabuntong hininga si Cass. Tila hindi nagustuhan ang sagot niya. Hindi na ito nagsalita at tahimik na lang na nagtungo sa tabi saka kinuha ang isa pang kaldero saka nagsimulang linisin 'yon. Magrereklamo sana siya dahil baka siya naman ang mapagalitan ni Adrian pero pinigilan niya ang sarili nang magsalita ito.
"Hindi ako makakapayag. Since lahat tayo nakatira rito pagdating sa gawaing bahay dapa lang ay equal work tayo. Hindi 'yung isa lan ang gagawa." Napabuntong hininga ito. "Pasensiya ka na talaga ah. Unang araw mo pa naman tapos ganito agad. Hayaan mo at pagsasabihan ko si Addy mamaya. Ang lakas ng loob niya na gawin kang utusan porque wala si Wesley," nakangusong anito habang napapailing.
Tanging silang tatlo lang nila Adrian at Cass ang natira sa bahay dahil umalis ng alas-4 ng umaga sina Wesley kasama ang kambal.
Kinailangan ang kambal sa studio para maging back-up ng isang magco-comeback na idol ng DreaMedia. Samantala si Jude ay nasa sarili nitong condominium. Ayon sa sinabi ni Cass sa kaniya talagang do'n ito naglalagi kapag walang trabaho kaya naman sobra ang panghihinayang ni Tori ng hindi niya naabutan si Jude nang magising siya. Nakisabay na rin kasi ito kina Wesley tapos ay hindi rin niya ito naabutan na umuwi ng nagdaang gabi dahil super late na ito umuwi.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)
General FictionThere's only one rule Tori Nervaez must abide by. not to fall in love with her boss, the famous Prince of Issue Jude Sandejo. It could've been easy to follow if she didn't get involved with the man, which is completely impossible because ever since...