NAPANGUSO NG mahaba si Victoria habang nakatingin sa mensahe na nakapaskil sa screen ng kaniyang cellphone. It was a message sent by her best friend yesterday saying her sorry and say her best wishes.
Napailing na lang siya kasabay ng pagtago ng cellphone sa kaniyang bulsa. Hindi niya akalain na magagawa ng kaniyang kaibigan na pangunahan ang kaniyang desisyon dahil dito ay hindi niya nagawang makatulog ng nagdaang gabi.
Ipinasa nito ang kaniyang mga papeles sa isang division office for her DepEd ranking. Ito na ang umasikaso ng lahat lahat para sa kaniya. Ipinagtapat din nito na bago siya umalis sa apartment na tinitirhan nilang dalawa ay nagawa nitong gumawa ng kopya ng mga papeles niya, even her license and her civil service certificate.
Sorry if I had to do that without your permission pero I believe na you can do it, besh. Sayang ang pagkakataon. I will be here to support you no matter what. Basta magsabi ka lang. Good luck!
Nag-inat si Tori kapagkuwan ay nagtungo sa coffee maker upang gumawa ng kape. It was 4am in the morning at almost three hours lang ang kaniyang naging tulog.
Obviously, tulog pa ang kaniyang mga kasama sa bahay kaya wala siyang ibang marinig sa ibaba ng bahay kun 'di ang katahimikan.
Natigilan siya nang bumalik sa kaniya ang alaala ng nakaraang gabi. Ang pag-iwas ni Jude na makasama sila sa hapagkainan. Ayon kay Cass, nakasanayan na nila na hindi nakakasabay ang lalaki sa kahit anong pagsalo-salo. Lagi itong mag-isa. Makikita rin sa kinikilos ng lalaki na hindi ito komportable kung kaya naman ay hindi niya maiwasan na hindi mag-alala para rito.
Isa marahil sa mga dahilan ay ang gender preference nito. It would be better kung ilalabas na nito ang tunay na katauhan. It would be better if he will just accept it dahil halata na maski ito ay in denial. I must help him out. I will do it for Jude.
"Could you please move; you are blocking my way."
Napaigtad si Tori ng marinig ang pamilyar na baritonong tinig na maski sa kaniyang panaginip ay kaniyang makikilala kung sino ang nagmamay-ari. Binalingan niya ng tingin ang lalaking nasa kaniyang likuran. Agad na nagtama ang kanilang mga mata ng kagigising lang na si Jude.
His unkempt hair and emotionless face. Napakagat ng kaniyang ibabang labi si Tori. Her heart is pounding fast, hindi pa rin siya nasanay sa presensya nito.
"Good morning," pagbati niya sa binata ngunit imbis na batiin siya nito pabalik ay nilagpasan lang siya nito saka kinuha ang coffee maker mula sa kaniyang silid at dinala ito patungo sa island counter nang hindi siya pinapansin. Napasimangot si Tori saka napayuko. Mahirap bang bumati pabalik?
"What did you just say?"
Nagulat si Tori sa pagsinghal sa kaniya ng binata. Nang tapunan niya ito ng tingin ay nakaharap na ito sa kaniya habang magkasalubong ang dalawang kilay na animo'y naiinis. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang ma-realize niya ang nangyari. She bit her lips.
"Did I just say that out loud?" nahihiyang aniya.
Jude face crumpled even more. Hinintay pa niya ang iba pang sasabihin ng lalaki pero bigo siya. No words came out from his mouth instead he just turned his back against her again.
Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Pinagmasdan ni Tori ang likuran ng lalaki lagi na lang itong nakasimangot o kaya naman ay walang emosyong ipinapakita. He is totally pushing every person out of his life. Like building a great wall around himself. He is just like me a long time ago...
Nanatili siyang nakatingin sa lalaki pagkatapos ay tumikhim siya. "Alam mo sabi nila mas magaan sa pakiramdam kung simulan mo ang umaga na may ngiti sa mga labi. It is a well-known fact, too. The smiling reduces stress," pagbasag niya sa katahimikan na namayani sa pagitan nilang dalawa ng lalaki pero nanatili pa rin itong nakatalikod sa kaniya at walang imik. Tori heaved a sigh. Umiling siya ng mapagtantong hindi siya pansinin ng lalaki. Para lang akong kumakausap sa hangin.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)
General FictionThere's only one rule Tori Nervaez must abide by. not to fall in love with her boss, the famous Prince of Issue Jude Sandejo. It could've been easy to follow if she didn't get involved with the man, which is completely impossible because ever since...