NINE

9 6 4
                                    

"No one needs you here anyway..."

MARAHAS na napabuntong hininga si Tori habang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang mga katagang sinabi ng binatang idolo. Hindi man niya aminin pero sa kaniyang kalooban ay lubha siyang nasaktan sa sinabi nito. Tahasang sinasabi nito na pinagsisiksikan niya lang ang sarili niya sa pamamahay na 'yon at sa buhay ng lalaki when all she only want is to help him. Nagkakaroon na tuloy siya ng second thought sa pag-apply niya sa trabahong iyon.

Dumako ang mga tingin ni Tori sa pintuan ng silid nilang dalawa ni Cass nang makarinig siya roon ng sunod sunod na mga pagkatok. Tinapunan niya ng tingin ang tulog pa rin na si Cass sa kabilang kama. Baka maistorbo ang tulog ni Cass kung hindi ko pa buksan ang pinto.

Agad niyang pinahiran ang mga luhang tumakas sa kaniyang mga mata ng kapagkuwan ang tumayo mula sa kaniyang kama at saka nagtungo sa harapan no'n upang buksan. Nang buksan niya ang pintuan ay agad na sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Wesley.

"Anong k-kailangan mo, Wesley?" tanong niya rito.

"I'm here to make sure that you're okay. Huwag mo ng intindihin ang mga sinabi ni Jude. Huwag sanang sumama ang loob mo," saad ni Wesley.

Napangiti ng mapait si Tori sa binata. "Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako apektado sa sinabi ni Jude kanina pero--"

Napayuko si Tori. Napaiwas ng tingin sa kaibigan. "Pero hayaan mo na lang. Baka... baka hindi nga lang talaga niya ako kailangan." Napailing siya saka tipid na ngumiti sa lalaki. "Okay lang ako, Wesley. Wala kang dapat na ipag-alala. Siya nga pala..." aniya saka sumilip sa likuran ng lalaki.

Nang masigurong ang lalaki lang ang nasa labas ay idinikit ni Tori ang kaniyang mukha sa tenga ng lalaki at saka bumulong, "Alam mo ba kung saan na pumunta si Mr. Kitzel? Nag-aalala kasi talaga ako sa kaniya. Kung meron kang numero sa kaniya pwede mo bang ibigay sa akin? Tutal isa naman siya sa mga artist ng DreaMedia 'di ba?" saad niya.

Yumuko si Tori. Hindi siya makatingin ng diretso sa kaibigan dahil sa uri ng tingin nito sa kaniya. She knew its weird for her to be so worried for a person she doesn't even know personally pero naaawa kasi siya. "Isu-suggest ko sana 'yong dati kong tinitirhan. Puwede siyang mag-stay doon ngayon kung wala talaga siyang malalapitan. Sasabihan ko na lang 'yong kaibigan ko, hindi ako matatanggihan no'n."

Nagsalubong ang mga kilay ni Tori ng makita niyang nakangiti ang lalaki sa kaniya. Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil baka may kung anong nakakatawa sa kaniyang mukha.

"Anong problema? Bakit ka nangingiti r'yan?" Lalong nangunot ang kaniyang mga noo ng umiling lang ito bilang sagot.

"Nag-aalala ka talaga sa kaniya. No wonder na nagseselos si Jude," natatawa na anito kapagkuwan na siyang ikinasamid ni Tori kahit na wala naman siyang iniinom ng mga sandaling 'yon.

Naramdaman niya ang marahan na paghaplos sa kaniyang likuran ng kamay ng kaibigan ng walang tigil pa rin ang kaniyang pag-ubo.

"Tori, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito habang patuloy pa rin sa ginagawa sa kaniyang likod.

"Ikaw naman kasi, Wesley. Kung ano-ano ang sinasabi mo. Anong nagseselos ka r'yan? Grabe napaka-unusual naman ng ice breaker mo na 'yan. Unexpected whooo!" pinagpapawisan na saad niya. Pinaypayan niya pa ang kaniyang sarili dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito.

"Eh bakit ka namumula?" panunukso ng kaniyang kaibigan habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Nag-iwas ng kaniyang tingin si Tori. "Nakakailang kasi ang sinabi mo kahit hindi totoo. Paano at bakit naman magseselos si Jude, eh ang sungit nga no'n sa akin 'di ba? Sadyang gusto niya lang talaga akong ipagtabuyan sa iba," aniya. At saka may relasyon ito kay Adrian.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon