KASALUKUYANG nasa isang sulok si Tori ng studio habang pinapanood ang mga pinong galaw ng kaniyang idolong si Jude habang sumusunod ito sa tugtog ng musika na umaalingawngaw sa loob ng silid.
Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya sa tuwing naaalala ang nanyari kahapon dahil sa unang pagkakataon ay nagkausap silang dalawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap.
"So ikaw pala ang bago kong PA? Anong pangalan mo?"
"Victoria Nervaez pero pwede mo akong tawaging Tori."
"Tori." Napangiti ang lalaki sa kaniya. "I hope to work well with you."
Nakangiting napahawak si Tori sa kaniyang mukha dahil pakiramdam niya ang tumaas lahat ng kaniyang dugo sa katawan sa kaniyang mukha dahil bigla na lang 'yon uminit.
"I hope to work well with you."
Pakiramdam niya ay napakasaya niya bagamat sinabi 'yon ng binata nang wala man lang kaemo-emosyon. Ganoon kalala ang epekto sa kaniya ng binata. Napakagat si Tori sa kaniyang ibabang labi. Napailing siya. Get a grip, Tori! Baka mahalata ka! Hindi puwedeng malaman ng sinoman sa kanila ang sikreto mo.
Ibinaling niyang muli ang tingin sa tatlong lalaki na sumasayaw sa harapan ng salamin. Practice lang ang nasa schedule ng lalaki para sa araw na 'yon. Paghahanda 'yon para sa gagawing comeback nito na naka-schedule sa susunod na buwan. Isang full album ng mga bagong concepts, bagong choreography at bagong mga kanta.
She smiled. Isipin pa lang niya ang comeback ng lalaki ay labis na ang excitement na kaniyang nararamdaman at kasalukuyan na nga niyang nakikita ang magiging main song ng album.
Hindi siya nagsasawa na panoorin at pakinggan ang kaniyang idolo kahit na pang-sampung beses na niya 'yon napakinggan at napanood. As expected, maganda ang mga bagong kanta ng lalaki and the choreography suits well to the song. This time the songs are mixed pop and jazz.
Lalong humanga si Tori sa galing sumayaw ni Jude. Her heart can't stop pounding so hard as she watches his every single movement. Hindi rin mawala sa kaniyang mga labi ang ngiti habang pinagmamasdan ito. Napakapulido ng bawat galaw ni Jude. Napaka-cool!
"Victoria."
Napapaling ng tingin si Tori sa kaniyang gilid nang tawagin siya ni Cass. Nakaupo ito sa kaniyang tabi at abala sa pagkalikot ng makeup kit na naiwan ni Adrian nang umalis ito kasama ni Wesley upang bumili ng makakain nila para sa tanghalian. Dapat sana ay siya na ang bibili ng kanilang makakain ngunit hindi pumayag si Adrian. Napangiwi si Tori nang maalala niya ang sinabi nito bago ito umalis.
"Hindi! Tayo na lang ang bumili, Wes. Baka mamaya ay kung ano pa ang ilagay ng babae na 'yan sa pagkain na 'tin."
Napakunot ang noo ni Tori nang makita na todo ngiti si Cass habang na nakatingin sa kaniya habang hawak hawak ang isang brush at lipsticks sa magkabilang kamay nito. Agad siyang napangiwi dahil mukhang alam na niya ang nais nitong mangyari.
Mabilis siyang napailing bilang pagtanggi sa binabalak ng babae. Nang nakaraang araw pa siya nito kinukulit na maging test subject nito sa isang make up tutorial. Cass really wanted to put makeup on her which is she didn't agree. Hindi siya sanay na naglalagay ng kung ano-anong kulurete sa kaniyang mukha dahil nabibigatan siya at naiinitan sa mga ito.
"Come on, Tori! Please just let me try these on you. I promise bagay sa'yo 'to," pagpupumilit pa rin ng babae sa kaniya. Nakanguso ito habang magkasugpong ang dalawang kamay sa may dibdib nito na animo'y isang batang humihingi ng isang candy mula sa kaniya.
Tori finds it hard to resist Cass' pleading eyes. When she was about to give in she remembered something. Ang mga sinabi ni Adrian tungkol sa mga makeup nito. Mas mahal pa raw 'yon kaysa sa kaniyang buhay. Exaggerated man pakinggan pero siguro ay talagang mahal ang mga 'yon. Marahas siyang umililing na sinamahan pa niya ng pag-ekis ng kaniyang mga kamay upang ipakita sa babae ang kaniyang pagtutol.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)
General FictionThere's only one rule Tori Nervaez must abide by. not to fall in love with her boss, the famous Prince of Issue Jude Sandejo. It could've been easy to follow if she didn't get involved with the man, which is completely impossible because ever since...