"OKAY, JUDE. Kaunting shots na lang ang kukunin na 'tin then after that puwede ka ng magpahinga," saad ng lalaking photographer na siyang kumukuha ng mga pictures ni Jude para sa isang sikat na magazine.
Halos tatlong oras na mula nang mag-umpisa sila. Nagsisimula na rin na uminit ang paligid dahil sa papalapit na pagsapit ng katanghaliang tapat.
He sighed inside his mind and just continue posing in front. Kung bakit pa kasi kailangan sa labas ng studio ang napiling set-up para sa shooting place. Plus doon pa kung saan maraming taong dumadaan.
Tumango si Jude sa sinabi ng photographer sa kaniya 'tsaka nagtungo sa tent kung saan naroon ang kaniyang mga kasamahan. Papalapit na sana siya sa mga ito nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Huwag ka ng mag-alala pa kay Tori, Cass. She will be fine."
"Nag-aalala lang talaga ako, Wesley. Alam naman na 'tin kung gaano kasalbahe ang alagang iyon ni Jude 'di ba? Paano kung nilalapa na siya nung asong 'yon ngayon? Naaawa ako kay Tori. I bet sobrang stress na siya ngayon tapos ang sama sama pa ng pakikitungo ni Jude at Addy sa kaniya."
"Jude, drink this."
Napatingin si Jude sa isang basong juice na hawak ni Adrian na para sa kaniya. Kinuha niya ito mula kay Adrian kapagkuwan ay walang salita na umupo sa isang sulok ng tent at hindi na lang pinansin ang narinig na usapan nila Cass at Wesley.
"S-sandali lang, Jude! Ah... ano... ingat kayo."
Jude shook his head to take out that memory he had with Tori bago sila umalis ng bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang niya 'yon naalala.
Bumalik sa kaniyang alaala ang tagpong naabutan niya sa veranda nang unang beses niyang makita ang babaeng may kausap sa cellphone nito.
"Ha? Eh paano na 'yan? Deds na deds ka pa naman kay Fafa Jude."
"Ano pa nga ba? Edi dapat pigilan. Isa pa ang nararamdaman ko ay love as a fan lang so there's nothing to be serious about it."
"Eyses! Echoserang palaka itong babaknit na 'to. Talaga lang ah? Panindigan mo 'yan."
Jude scoffe at the memory then he remembered his recent argument with the newly hired personal assistant. Why should he be bothered about her? Love as a fan. She dared say that when she took side of that good for nothing Kitzel. What a pain in the nerve.
"Y-yes. I'm worried about him and you must too at very least."
Humigop si Jude mula sa juice na ibinigay sa kaniya at saka pinagmasdan ang nasa kaniyang paligid upang aliwin ang sarili. Gawain niya 'yon para maging abala which sometimes became his own problems.
Nang dahil masyado na siyang nagiging aware sa pagiging observant to the point that it's affecting him already.
Abala ang mga tao sa pagparoo't pagparito, may mga ilang mga magnobyo at nobya na tumatambay sa ilalim ng nakatanim na puno na hindi kalayuan sa kinalalagyan nila. It is one thing in that place na nakakapagpa-amuse kay Jude.
There were trees planted five yards away from each other pagkatapos ay may mga bench sa ilalim ng bawat isa kaya naman may masisilungan ang mga tao. Mayroon din malaking fountain malapit sa mga ito.
"Jude! I love you!"
"Jude-oppa, please be mine!"
"Jude ang guwapo mo!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig niyang sigaw ng mga grupo ng mga kababaihan na kanina pa nanonood sa kanilang shooting. Pinigilan niya ang sarili na mapasimangot sa mga ito. Ang ingay!
BINABASA MO ANG
My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)
General FictionThere's only one rule Tori Nervaez must abide by. not to fall in love with her boss, the famous Prince of Issue Jude Sandejo. It could've been easy to follow if she didn't get involved with the man, which is completely impossible because ever since...