SIX

17 9 3
                                    

   KASALUKUYANG nagtitimpla ng kape si Tori sa loob ng kusina. Tulala habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin niya lubos na maisip ang kaniyang mga nasaksihan. Ang magkahugpong mga labi ni Jude at ng makeup artist nito. Sari-saring mga katanungan ang gumugulo sa kaniyang isipan. Paano? Kailan? Higit sa lahat ano? Ano ang relasyon ng dalawa?

Ilan pang sandali ay naramdaman niya nang may tumapik sa kaniyang balikat. Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang kaniyang kaibigang si Cass.

"Huy! Bakit ang aga aga eh ang haba ng nguso mo, Victoria?"

Nilingon ni Tori ang babae. Pupungas pungas pa ito ng sariling mata habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya. Halata na kakagising lang ng kaibigan.

Umayos ng kaniyang pagkakaupo si Tori sa kaniyang upuan sa harap ng island counter at saka hinarap ito ng ayos. Sasagutin na niya sana ito nang mapasinghap siya dahil sa biglaan nitong lumapit sa kaniya.

Ipinatong ni Cass ang kaliwang kamay sa kaniyang balikat saka itinapat ang mukha nilang dalawa. Their faces was almost an inch away na nagbigay sa kaniya ng pagkailang. Naniningkit ang mga mata ng kaibigan na animo'y sinusuri siyang mabuti. Hinihimas-himas din nito ang sariling baba gamit ang kanang hintuturo at hinlalaki na parang isang detective na pinag-aaralan ang isang crime scene.

Tori looked confused about her friend's action. "A-anong problema, Cass?"

"Anong nangyari sa'yo? Hindi ka ba nakatulog ng ayos? Ang laki ng eyebags mo ah?" puna ni Cass sa mga malulusog na mga bilog sa ilalim ng mga mata ni Tori.

Iniiwas ni Tori ang kaniyang mukha sa pagkakatitig ng babae saka lihim na napakagat ng pang-ibabang labi. "Ah o-oo. N-nung nagising ako kagabi. Nahirapan na akong makatulog," sagot niya nang nakatuon ang tingin sa hawak na tasa.

Cass stares at her for a couple of minutes at bago ito nagtungo sa lababo pagkatapos ay naghilamos ng mukha. "Kumain ka ba kagabi? Pasensiya ka na ah! Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita nagawang gisingin pa," hinging paumanhin ng babae sa kaniya matapos nitong punasan ang mukha gamit ang nakasampay na towel sa balikat nito. Tinapunan siyang muli nito ng tingin.

"Okay lang 'yon," aniya saka sumisimsim ng tinimplang kape. Namayani ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago 'yon binasag ng kaibigan.

"Tori nahohome-sick ka ba kaya hindi ka nakatulog agad? I mean it was not that long since tumira ka rito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ka na nakatulog after mong magising last night."

Kung sana nga lang ay homesickness ang kaniyang nararamdam. Hindi ng nakakawindang na kaniyang nasaksihan. Sa t'wing ipipikit niya ang kaniyang mga mata ay ang magkahugpong na mga labi nila Adrian at ni Jude habang nakahiga sa sofa ang kaniyang nakikita. Hindi pa ro'n nagtapos ang ginawa ng dalawa. Matapos ang halos 15 minutos na halikan ng mga ito, tumayo ang dalawa at saka umakyat sa second floor at saka pumasok sa kwarto ni Jude. Mabuti na nga lang at nakatakbo agad siya patungong itaas bago pa siya nakita ng mga ito at nakapagtago ng kaniyang sarili sa isang furniture.

She even went in front of Jude's room at sinubukang buksan ang doorknob but they locked it. Pagkatapos no'n ay wala ng sinuman sa dalawa ang lumabas mula sa silid. She bet they continue what they are doing inside.

Napahawak si Tori sa kaniyang mainit na pisngi. Hindi talaga siya makapaniwala! Para siyang maloloka! Hanggang sa sumagi sa isip niya ang tawag ni Adrian sa binata. Baby. She should have known na posibleng may relasyon ang dalawa kaya gano'n na lang ang tawag nito kay Jude. Ito lang ang tinatawag nitong gano'n. Isang malinaw na rason din kung bakit mayroong matinding inis sa kaniya ng make-up artist.

Nanghihina siya sa narealize. Hindi niya matanggap ang nalaman. Kung ganoon ay bakla si Jude? Kaya ba nasabi nito na hindi siya 'marrying- type of person' at hindi nagpapakita ng interest sa babae kahit na maghubad ito sa harapan nito!

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon