Kabanata 11

0 0 0
                                    


Ibinaling ko nalang ang pag babasa ng dyaryo,papalapit siya saamin.

"Ginoong Alfredo kasama ko sila inilibre ko sila ng merienda",ngiting ani ni aling Minda.

Di ko maintindihan ang aking binabasa sapagkat nandyan si ginoong Roberto ewan ko ba bakit ako naiinis sakanya
siguro muka siyang kontra bida.

"Magandang hapon Binibining Maria",ngiti niyang ani parang asong galit siyang ngumingiti natawa ako sa aking iniisip.

Nagtakang tumingin sila saakin napakamot nalang ako ng ulo at uminom ng tubig parang muka akong baliw kakangiti.

"Natawa lamang ako sa aking binabasang dyaryo",ani ko mukang mali yung pagdadahilan ko,tumango nalang si aling Minda at kinausap si ginoong Alberto.

Nasa Tahanan ako ni maestra Josefina nakalimutan kong kakausapin niya ako ngayon,may inihandang minatamis na inumin ang mga kasambahay ni maestra para saakin.

"Ijha kailangan munang gawin ang misyon mo rito upang mawala na ang sumpa",ani niya na tumitingin saakin.tumango ako gusto ko ng umuwi saamin sigurado akong nagaalala na saakin sila mommy and daddy."Bukas 'ho kakausapin ko si ginoong Eduardo"

Tumango siya at nagtungo sa kanyang silid,maliit lang ang tahanan ni maestra dito sa laguna,may dalawang silid at may hapagkainan,maliit na kusina, may 2nd floor din sila nagsabi ako sa isa nilang kasambahay  at nagtungo sa ikalawang palapag.

Unang bungad ko ay may makikita kang malaking painting malaki ang salas kumpara sa baba maliit ang sala,may tatlong silid at may asotea sila sa asotea may maliit na mesa na pa kahon ang hugis at may maliit na upuan na hugis bilog.

Bumalik na ko sa baba baka nandun na si maestra Josefina naabutan ko siyang nagbabasa ng libro,umupo ako sa tapat niya 

"Tiningnan ko lang po ang ikalawang palapag napakaganda 'ho ng malaking painting",ngiti kong ani.ang painting ay isang babae na may hawak na basket at may nagaani ding lalaki.

Tumango siya at kinuha ang lumang diary niya at binigay niya yun saakin ito ang diary na na kinuha niya saakin.

"Unti-unti ng napupunit ang mga pahina ng diary kapag naubos ang pahina. ibig sabihin niyon forever ka ng nasa katauhan ng iyong ate",ani niya.natakot ako sa sinabi niya ayaw ko dito forever."Kailangan munang gawin ang misyon mo!"

Tumango ako kay maestra namimiss ko na ang pamilya ko kaya bukas na bukas kakausapin ko si Ginoong Eduardo para magawa ko na ang aking misyon.

"Huwag po kayong magalala bukas na bukas kakausapin ko po talaga si ginoong Eduardo",ani ko.tumango siya at uminom ng kape.

Hinatid ako ni maestra sa labas at sumakay na ako sa kalesa kumaway ako kay maf

"Ijha magpadala ka na lamang ng liham kapag nakausap muna si ginoong Eduardo dahil bukas  na bukas ay aalis na ako rito sa laguna",ani niya.ngumiti ako sakanya.

Kinaumagahan,busy kami sa pagaasikaso ng negosyo marami akong kailangan pirmahan at gawin.mamayang hapon ko kakausapin si ginoong Eduardo tungkol sa misyon.

Nagpipirma ako ng mga papapeles ng sumenyas saakin ang secretarya ko na sumunod sakanya nakarating kami sa labas ng pabrika.

"Señorita ito po ang kailangan niyong icheck na mga produkto kung may kulang po ba o wala",ani niya namutla ako sa sinabi niya ang dami ng kailangan ko icheck.pilit akong ngumiti sakanya para naman matulungan ako di ko kaya 'to magisa.

GABI na ako nakatapos mag check ng mga produkto namin nandito ako ngayon sa sikat na restawran rito sa laguna,nakita kong may kasamang ale siya inalalayan pa niya na makaupo ang ale siguro lola niya 'yun
ngayon ko palang naalala na kailangan ko siyang kausapin tungkol sa misyon ko.

"Paki bantay niyo muna po saglit ang aking pagkain may pupunta han lamang ako",ani ko tumango siya at inilapag ang mga pagkain na inorder ko.

Lumapit ako sakanilang table timing umalis ang lola niya makakapagusap kami ng maayos,nagulat pa siya dahil na nandito ako sa kanilang table.

"Maari 'ba kitang makausap ginoo?",usisa niya uminom pa ito ng mainit na tubig bago tumango huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Ginoo napagisipan mo na po ba ang aking sinabi sayo nung nagtungo ako sa inyong lugar?",ani ko huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Binibini napagisipan ko na ang iyong sinabi papayag na 'ho ako na maikasal saiyo",ani niya mabuti naman para makaalis na ako dito sa makalumang panahon.namimiss ko yung dalawa kung makukulit na kapatid.

Pilit akong ngumiti kahit nakaka hiya sakanya,plinano namin ang mangyayari sa kasal namin nagu lantang siya sa sinabi ko kung kailan igaganap ang aming kasal sa "Nobyembre 8,1744"gagana pin ang aming kasal sa oras na alas 9:00 ng umaga, tatanggi pa sana siya sa petsa na tinuran ko na napagtanto niyang kailangan niya ang salapi para sa ina niya.

"Binibini ang petsang tinuran mo ay araw ng aming pang apat na pagsusulit",ani niya napahawak pa ito sa kanyang ulo.

Dumating ang kanyang lola at bumalik na ako sa table ko,may mga paborito akong inihanda nila,tumingin pa siya saakin na nakakamot ulo.

Pagkatapos kung kumain hinatid na ako ng aming kutsero pauwi,sandali kong pinahinto ang kalesa.

"Maghintay ka po ng ilang minuto rito manong kakausapin ko lanmang ang ginoong iyon",ani ko.tumango siya at pinakain ang kabayo para mas malakas ang pagpapatakbo saaming byahe patungo sa aming tahanan.malayo-layo pa ang tahanan namin rito.

Lumapit ako sakanya,may mga nahulog pa na pagkain kaya tinulungan  ko siya na ibigay ang mga nahulog na pagkain ngumiti siya saakin at nilagyan niya ang mga pagkain sa basket.

"Ginoo kakausapin ko na lamang ang iyong maestra",ngiti kong ani tumango siya bilang tugon

Parang natutunaw ako na parang ice cream kapag tumitingin siya saakin ano ba 'tong nararamdaman ko?no hinding-hindi ako maiiinlove sa lalaking ito.

"Ang Mahiwagang Larawan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon