Kabanata 13

0 0 0
                                    

Akala nila mahina akong babae kinarate ko yung isang lalaki na nakatutok saakin ng kalis,nagulat pa ang mga samahan nila kahit si aleng,inagaw ko sakanya ang kalis at tinutok sakanya.

"Aalis kayo sa harapan namin o papatayin kita gamit itong kalis",ani ko.ngunit di parin sila nagpatinag sa sinabi ko.

Kinuha ko ang kahoy sa tapat ng maliit na bahay at hinampas ko sa ulo ng lalaki ganun din sa iba,sinenyas ko si aleng na umalis na kami habang tulog pa sila sa paghampas ko ng kahoy.

Huminga ako ng malalim ng narating namin ang  baryo ang layo na siguro ng nilakad namin ni aleng,muka kaming naglilimos,nakarating din kami sa kagubatan na may ahas kaya umalis kami.

"Kawawa naman kayo mga ijha dumirito muna kayo sa aming tahanan",ani ng manang.

Sumunod kami sa manang kanina pa kami naglalakad,maliit lang ang kanyang tahanan,may maliit na sala,kusina at palikuran.

"Mga ijha ano ang nangyari sainyo?bakit ganyan ang mga itsura niyo?",tanong niya.nagkatinginan kami ni aleng di pwedeng sabihin namin na muntik na kaming patayin ng mga tulisan mahirap na baka ina ito ng isa sa mga tulisan.

"Naligaw lamang 'ho kami",ani ni aleng.tumango ang ale at inalok kaming kumain.

Pakahon ang hugis ng kanilang hapagkainan at may tatlong upuan.

"Ano 'ho itong lugar?",usisa ko parang hindi ito laguna.

Ngumiti ang ale bago magsalita. "Nasa sorsogon kayo  mga ijha"

Nagulat ako sa kanyang tinuran ibig sabihin nasa bikol kami at ito ang baryo ng sorsogon.grabe narating namin ang sorsogon na naglalakad lang.

"Ma sirino yun?",(Ma sino sila?)tanong niya hindi namin maintindihan ang kaniyang sinasabi.bikol na salita siguro.

Pinaupo niya ang babae at inilapag niya ang mga kakanin.

"Naabutan ko sira sa dalan kaya didi muna sira kay makaluoy nawawara sira diri nira aram kun hain na sira",(naabutan ko sila sa daan kaya dito muna sila naawa ako sakanila nawawala sila hindi  nila alam kung nasaan sila)ani niya napakamot-ulo nalang kami ni aleng at  tumango ang babae.

Tiningnan kami ng babae na parang sinasabi niya na taga maynila kami.

"Taga saan 'ho kayo?",tanong ng babae.

Kumain ako ng ulam at si aleng ang nagsalita. "Taga laguna 'ho kami"

Tumango ang babae at nagpaalam sa ale na aalis na siya.kumain lang kami ni aleng dapat makaalis na kami dito.

"May daungan 'ho rito?",usisa niya.sana naman para makaalis na kami rito dahil marami pa kaming kailangan gawin sa laguna.tumango siya

"Nais na 'ho naming makauwi ngayon sa laguna",ani ko.

Tumango ang ale at sumunod kami sakanya papuntang daungan.

"Hindi kayo magpapalipas rito ng gabi",ani niya.umiling kami may trabaho pa ako sa linggo.

Narating namin ang daungan at nakita namin ang barko patungong laguna.

"Magiingat kayo mga ijha",ani ng ale.tumango kami ni aleng.

"Maraming Salamat 'ho sa pagpakain niyo saamin",ani ko.tumango ang ale at humakbang na kami sa barko

Makalipas ang ilang araw narating na namin ang laguna nakasuot na kami ng malinis na barot saya,amaze na amaze talaga ako narating namin ang sorsogon mga lutang siguro isip namin.

"Saan kayo nagtungo mga ilang araw kayo nawala ako'y nagalala sainyo",ani ng aming mayordoma.di namin na kwento sakanya ang nangyari.

Umupo muna kami at kweninto ang nangyari saamin,nagulat pa siya dahil nakarating kami sa bikol sa sorsogon.

"Napagod 'ba kayo sa paglalakad?",usisa niya tumango kami.

Amaze na amaze din si manang Minda kung may mga cp na dito viral na kami,pagkatapos namin kumain pumunta ako sa asotea para makalanghap ng hangin at maganda magbasa roon,tanging libro lang ang aking libangan rito.

"Señorita nais 'ho kayong kausapin ng gobernador heneral",ani niya.kakabukas ko palang ng libro eh!kainis naman 'tong gobernador heneral.

Padabog akong bumaba at  iniwan ko ang libro ko roon sa asotea ang ganda pa naman ng binabasa ko,naabutan kong nakaupo sa sala ang heneral.

"Magandang umaga senorita maari 'ho ba kitang makausap?",usisa niya

Tumango nalang ako sa sinabi niya at inutusan kong si soledad na kunin ako ng kakanin,huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Señorita kung papayag 'ho kayo na maikasal ka saaking anak isinabi ko na sa iyong ama ang nais kung mangyari",ani niya.

Ito na siguro ang sinasabi ni maestra na iaaranged marriage si ate maria kay alfredo.

"Pagiisipan ko 'ho ang aking pasya sa nais niyong mangyari",ani ko tumango siya at nagpaalam na saakin na aalis na siya kasi may pagpupulong sila.

Kumuha ako ng pluma at papel,susulat ako kay maestra kailangan niyang malaman ito.

Mahal kong Maestra Josefina

         Nais ko sabihin sainyo na dumating rito sa aming bahay ang gobernador-heneral nais niyang pakasalan ako kay ginoong Alfredo.ang aking sinabi sakanya ay pagiisipan ko ang kanyang pasya.

                            Joanna

Ipapadala ko 'to sa kutsero ni maestra alam kung abala siya kaya nagpadala na lamang ako ng liham upang hindi siya maabala ngayon,naglalakad ako patungo sa bahay ng kutsero ni maestra Josefina.

Naabutan kong pinapakain niya ang kabayo.

"Manong maari 'ho bang ibigay niyo ito kay maestra Josefina",ani ko sakanya at inabot ang liham,tumango siya saakin ang pangalan ng kabayo ni maestra ay "Hina" ewan ko kay maestra kung bakit hina ang pangalan ng kanyang kabayo.

Tahimik akong nagbabasa rito sa asotea ng nakita kung nagbabasa din si ginoong Eduardo ng libro,magkatapat ang aming bahay ang alam ko malayo-layo pa ang bahay nila.

"Lumipat na ng bahay si ginoong Eduardo masyado silang nahihirapan dahil malayo-layo ang kanilang tahanan",ani niya.kaya pala lumipat siya ang hirap naman kasi tumira sa malayo di ka maagang pumapasok sa klase at kapag namamalengke ang layo pa ng lalakarin mo.

"Napakagwapo ni ginoong Eduardo kung wala lamang ako kasintahin marahil siya ang makakatuluyan ko",ani ni soledad.may kasintahan na itong si Soledad mahigit isang taon na silang magkasintahan

Bumalik nalang ako sa pagbabasa.

"Bagay 'ho kayo señorita ni ginoong Eduardo kaysa sa alfredong iyon",ani niya.

Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig tama na self!.




"Ang Mahiwagang Larawan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon