Tumigil ang kalesa sa tapat ng
aking tahanan dito sa panahong ito."Anak!mabuti at walang nangyaring masama saiyo",naiiyak niyang ani.
Kung hindi ako nagkakamali siya si Helena Concepcion ang ina ni Maria 'yun ang sabi ng aking lola.
Niyakap ko nalang siya pabalik "Sinabi saakin ni Clarita na muntik ka ng matamaan ng bala ng mga rebelde mabuti tinulak ka niya pabalik sa kalesa",ani ni Senorita Helena.
Pinaglagyan niya ako ng adobo sa aking plato at tahimik lang kami kumakain sa hapag walang kumikibo ni isa saamin.sumenyas ako duun sa babaeng nagligtas saakin kanina sa mga rebelde na paglagyan ako ng tubig dahil nabilaukan ako sa dami ng kinain.
"Maraming salamat Clarita",ani ko.tumango naman siya bilang tugon.
Boring naman dito sa kwarto ko walang pwedeng magawa kundi tumulog.madilim ang kwarto ko tanging ang lampara lang ang nagliliwanag rito,kumuha ako ng papel at pluma nagsulat nalang ako.
"Señorita heto na po ang mga pagkain na inyong ipapabigay",ani niya at inabot saakin ang luto,pritong isda.
Inabot saakin ni clarita na dalhan ako ng pagkain dito sa labas upang ipamigay sa mga batang humihingi ng makakain."Napakabuti niyo 'ho señorita tiyak na magugustuhan ng mga bata ang inyong ibibigay sakanila",ani niya.
Napangiti ako sa tinuran niya,lumapit saamin ang mga bata.
Ibinigay namin ang mga pagkain sa mga bata.tuwang-tuwa sila sa natanggap.
"Maraming salamat 'ho ate",ngiting ani niya.nakakatuwang makita na masaya sila.
Ibinigay ko din sakanila ang mga laruan,nagpaalam na sila saamin na uuwi na sila sa kanilang mga tahanan.
"Kay sarap sa pakiramdam na nakatulong ka sa kapwa mo",ngiti kong ani.nakakagaan ng loob.
Kinaumagahan,nagtungo kami kila doña cecilia ang lola ni maria.
"Magandang umaga 'ho lola may dala kaming bilao",ngiti ko.
Kamukhang kamukha niya si señorita helena.
"Maraming salamat rito sa bilao apo",ani niya.
Inilapag ko ang bilao at binuksan iyon upang makapagtanghalian na kami.nakita ko ang matandang babae na nakatingin saakin,para 'bang may kakaiba sakanya.
"Mauna na 'ho kayo mananghalian lola may pupuntahan lang 'ho ako",ani ko.
Tumango si lola sa aking tinuran,sinundan ko ang matandang babae patungo sa unibersidad.
"Magandang umaga 'ho maestra Josefina",ani ng nagbabantay tumango ang maestra.tiningnan ako ng guardia.
"Ikaw 'ba ijha ay estudyante rito?",usisa ng guardia.hindi niya siguro ako nakikilala dahil may talukbong ako.inalis ko iyong aking talukbong at humarap sakanya.
"Paumanhin 'ho señorita maria hindi ko agad kayo nakikila marhil siguro sa iyong talukbong",ani niya.
Pinapasok niya ako sa loob ng unibersidad.walang pasok ngayon ngunit kailangan kong alamin kung may alam siya kung bakit ako narito sa makalumang panahon?kagabi ko pa iniisip kung bakit ako narito?.ikinuwento lang ni lola ang story ng kanyang pinsan.
"Magandang umaga 'ho maestra maari ko 'ba kayong makausap?,usisa ko.
Tiningnan niya ako ang tingin na yun ay kakaiba.
"May kailangan pa akong gawin ijha bumalik ka nalamang rito kapag natapos na ang aking mga ginagawa",ani niya.hindi parin ako nagpatinag kinulit ko siya kailangan kong malaman kung bakit ako narito?.
"Sandali lamang tayo maguusap ijha",ani niya.
Tumango ako,narito kami sa opisina niya.
"Paumanhin 'ho kung naabala ko kayo,kailangan ko lang talagang malaman kung bakit ako narito sa makalumang panahon.gayong dayo lamang ako rito at nasa taong 2013 ako",ani ko.
Alam kung may alam siya kung bakit ako narito?.
"Alamin mo ijha kung bakit ka narito sa panahong 1744,hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin",ani niya.
Akmang aalis siya ng pinigilan ko siya "Alam ko 'ho na may alam kayo kung bakit ako nadito pakiusap 'ho sabihin niyo saakin bakit ako naparito sa panahong 1744"
Inilapag niya ang kanyang pluma at papel sa mesa.
"Naparito ka sa panahong ito para itigil ang sumpa ng kanilang pagiibigan,may misyon ka na dapat mong gawin upang makabalik kana sa panahon mo",ani niya.
Sumpa?siguro hindi sila mapanatag sa wakas ng kanilang pagiibigan.
"Anong misyon 'ho ang kailangan kong gawin?",tanong ko sakanya habang tinitingnan ang mga mapa.
Tiningnan niya muna ako bago magsalita.
"Kailangan mong magpakasal sa anak ng magsasaka",ani niya.
Wth?grabe naman ang bata-bata ko pa para ikasal.pero kailangan gawin dahil yun ang aking misyon dito.
"Naikwento ni lola na iba ang arranged-marriage ni ate maria isang anak ng gobernador-heneral",ani ko.
May kinuha siyang singsing at ibinigay niya yun saakin.
"Iyang singsing ang suot ni Maria nung ikinasal sila ng anak ng gobernador-heneral",ani niya.
Luma na 'to pero nangigibabaw ang ganda ng singsing.makinang parin siya.
"Anong gagawin ko rito maestra?",tanong ko.
Umupo muna siya bago magsalita.kanina pa siya nakatayo eh!.
"Itapon mo yan sa ilog ng El Juan,kailangan mong baguhin ang kanilang pagiibigan ng sa gayon ay mawawala ang sumpa",ani niya.
Sayang naman nitong singsing mamahalin pa siguro 'to galing europa.
"Wag mo na 'yan itago at isuot dahil hindi magbabago ang kanilang pagiibigan at hindi matitigil ang sumpa"
Tumango nalang ako kay maestra.
BINABASA MO ANG
"Ang Mahiwagang Larawan"
Tarihi KurguPumasok kami sa sekretong lugar,namangha ako sa ganda ng lugar na 'yun. Parang nasa panaginip kami.Inalis ni lola ang kurtina. "Lola maalikabok 'ho",ani ko. Hindi nalang ako pinansin ni lola.Nagulat ako sa nakita ang babaeng nasa larawan ay kamukh...