Itong lalaking 'to yung anak ng magsasaka na pinuntahan namin sa barangay Juan.agad akong pumunta sa baba upang tawagin si lola.
"Lola buksan niyo 'ho ito",ani ko.kumatok ako ng kumatok pero hindi parin niya binubuksan ang pinto.
"Anak ang ingay mo naririnig pa kita mula sa silid ko!",reklamo ni ina.kay ina nalang ako magtatanong kung bakit may lalaki dito.
"Ina bakit 'ho may lalaki rito sa tahanan ni lola?",usisa ko.tumingin siya saakin aalis na sana siya ng hinila ko siya papuntang ikalawang palapag.
Kumatok kami sa pangalawang silid.pinipigilan pa ako ni ina ngunit sadyang makulit ako.
"Ano 'hong kailangan niyo po?",usisa niya.
Kinurot ako ni ina napasigaw pa ako sa sakit ng kurot niya saakin.napatingin saakin ang lalaki tumahimik nalang ako parang baon ang pagkakarot niya sa kamay ko.
"Anak naabala mo pa itong si Eduardo. pagpasensyahan mo na itong anak ko marahil siguro hindi niya alam kung bakit ka narito kila ina",ani niya.tumango ang lalaki.
Hinila niya ako papunta sa silid ko natatawa pa ang lalaki ng tumingin ako tumigil siya at sinarado niya ang pinto.
"Anak nakakahiya kay Eduardo inabala mo pa siya",ani niya.umupo ako sa kama mali ko ba na di ko alam kung bakit siya nandito.
"Paumanhin ina hindi ko po kasi alam kung bakit siya nandito kila lola",ani ko.tumango si ina may ipis pa sa dingding kaya tumayo ako.
"Ngayong araw lang siya rito nakitulog bukas magtutungo siya sa kanilang tahanan dito sa laguna,malayo-layo kasi ang kanilang tahanan",ani ni ina.tumango nalang ako nagulat nalang ako siguro ang oa ko naabala ko pa ang natutulog.
Kinaumagahan,katatapos palang namin mananghalian nandito ako sa garden ni lola inutusan ako ni lola magdilig ng mga halaman,gulay at papakainin ko pa yung mga baboy hays.
"Anak kung may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kusina",ani niya.tumango nalang ako humakbang na siya papunta sa kusina.
Pagkatapos kung magdilig ng mga halaman at gulay na tanim ni lola sunod ko namang ginawa ay pinakain ko yung mga alagang baboy.ihahagis ko na sana ang pagkain ng mga baboy ng nabagsak ako sa putik.hindi ako makatayo.
Inalalayan akong makatayo ni ina mabuti nalang pumunta siya dito.ang aking saya ay puno na ng putik.
"Hindi ka kasi nagiingat anak palitan natin ang iyong saya",ani niya na may pagsesermon.
Tinawanan pa ako ni ginoong Eduardo naiinis na ako sa lalaking 'to kagabi tinawanan ako dahil kinurot ako ni ina sa kamay tapos ngayon tinawanan niya ulit ako.kung pwede lang suntukin 'tong lalaking 'to nagawa ko na.
Hinatid ni lola si ginoong Eduardo sa labas ng tahanan,pinilit niya pa akong sumama.nakasakay na si ginoong eduardo sa kalesa.
"Magiingat ka ijho magpadala ka ng liham kapag nakarating ka na roon",ngiting ani ni lola.ngumiti naman siya infairness ang ganda ng ngiti niya aaminin ko ang gwapo niya kahit anak siya ng magsasaka pero ang pangit ng ugali niya.kumaway si lola sakanya ako naman ay kinakalikot ang dahon ng makahiya.kumaway din ako sakanya at pilit na ngumiti naiinis parin ako sakanya.
Pumasok na kami ni lola sa tahanan itinanong ko sakanya kung kaano-ano niya si ginoong eduardo.
"Hindi ko siya kamag-anak apo anak siya ng kaibigan ko",ani niya.tumango nalang ako sa kanyang tinuran.
Baka yung nanay ng lalaki na 'yun ang kaibigan ni lola.
Magtatakipsilim kami nakarating sa pabrikamaraming mga tauhan ang pabrika.dito nagsimula ang negosyo nila lola.
"Simula ngayon siya na muna ang bahala sa ating factory may importante akong dapat gawin sa anak ko muna ibibilin ang mga dapat gawin dito sa factory",ani ni ina tumango naman ang mga tauhan.mabuti nalang tinuruan kami ni lola kung paano mamahala sa negosyo.
"Anak dumito ka muna ng isang buwan,wag kang magalala pinaalam ko na kay maestra Josefina na isang buwan ka rito sa laguna",ngiting ani ni ina.mamimiss ko ang manila.
Iniwan ko roon si ina na may kausap.pumunta ako sa opisina ni ina maliit lang ang kanyang opisina may isang bentilador,pabilog na lamesa,at upuan.umupo ako ipinatong ko ang aking paa sa pabilog na lamesa sana di to macrack may salamin pa naman.
Nagising ako sa ingay nasa pabtika pala ako.
"Señorita ito na 'ho ang mga pipirmahin niyong papeles",ani niya nagulat pa ito ng makita ako na nakapatong ang paa sa lamesa binaba ko ang aking paa.
"Wala rito si ina nasa labas po siya,paumanhin hindi ko kasi namalayan na naipatong ko ang aking paa sa pabilog na lamesa",ani niya.tumango naman siya ibinigay niya saakin ang isang papeles.magpipirma ako!nakakatamad!.
"Tawagin niyo po ako kapag tapos na kayo magpirma.nasa labas lamang 'ho ako señorita",ani niya.
Tumango ako at humakbang na siya sa pintuan saka sinarado iyon.kahiya!pinagagawa ko talaga kaloka.
![](https://img.wattpad.com/cover/290356996-288-k908675.jpg)
BINABASA MO ANG
"Ang Mahiwagang Larawan"
Ficción históricaPumasok kami sa sekretong lugar,namangha ako sa ganda ng lugar na 'yun. Parang nasa panaginip kami.Inalis ni lola ang kurtina. "Lola maalikabok 'ho",ani ko. Hindi nalang ako pinansin ni lola.Nagulat ako sa nakita ang babaeng nasa larawan ay kamukh...