Chapter 5: Monster Bully

376 60 7
                                    

Sa isang gubat na malapit sa Perposia makikita ang mga mukhang aso na hayop. Ito ay mga lobo na grupo kung makipag laban dito sa gubat.

*Name: Wolf
*Level: 5
*HP: 500
*MP: 0

Ito ang estado na makikita ng mga player pag nakita nila ang isang hayop o halimaw. Kung gusto mong makita nang mas detalyado ay kailangan na ng skills dito tulad ng 'Insight' o 'Eye of Truth'.

Sa taas na parte ng halimaw nakalagay ang HP na parang larawan sa baterya ng cellphone at kulay berde ito pag puno ang buhay. Pag nasa 50% na ang buhay ay magiging kulay kahel(Orange) ito at pag 20% HP nalang ay magiging pula ito. Sa kaliwang tabi naman ng HP ay nakalagay naman ang level at sa parteng taas nito ay ang pangalan ng isang hayop o halimaw.

Ganoon din sa mga player.

Makikita lamang ang pangalan at level nila pag-nakapatay sila o umatake ng kapwa player na kilala sa tawag na PK.

Player Kill (PK)

Ginagawa ng iba ito para sa katuwaan, Pag-hihigante o pag-nanakaw ng gamit ng ibang player. Sa oras na makapatay o umatake ka ng isang player ay mas malaki ang tsansa na ikaw pa ang mahulugan ng gamit pag-napatay sa laban. 

Ngayon nga sa oras na ito ang PK ay pwede mang-yari dito sa gubat ano mang-oras.

Sa isang lugar kung saan nagsasama-sama ang maraming lobo ay mapapansin ang bukod tanging lobo na mas malaki sa iba. Kulay puti ang na parang nyebe ang kulay na may sungay sa noo.

*Name: Wolf King (Iron Rank)
*Level: 10
*HP: 3000
*MP: 300

Kung ang rank nitong Wolf King ay silver rank ay sigurado nasa 6000 HP ito at mas malakas lalo ito kung gold rank na talagang hindi kakayanin ng mga ordinaryong player. Sa ibang players mahina itong Wolf King pero sa ibang players na baguhan at mababa pa ang level ay isa itong nakakatakot na kalaban.

Kasing laki ng tigre ang Wolf King kung ikukumpara sa tunay na buhay na may taas na nasa 1.4 metro kung haba naman ay umaabot ng 2.6 metro.

Ngayon sa oras na ito ay may dalawang grupo ng players sa paligid ng Wolf King. Grupo ng mga lalaki na nasa level 12 at grupo rin ng mga lalaki na nasa level 11. Hindi nag kaka layo ang lakas nila ganoon din sa dami nila at mga gamit na suot.

Nag kita ang dalawang grupo malapit sa Wolf King at nag salita ang isang Warrior.

"Kami ang unang nakakita sa Wolf King!" Sigaw ng lider sa mas mahinang grupo.

"Na una nga kayo e ano ngayon? Binili nyo ba ang malaking aso nato?" Tawa ng lider ng kabila at nag-tawanan din tatlo nyang kasama.

Hindi kumibo agad ang lider ng mas mahinang grupo at sinabi sa mga kasama "Mukang mahihirapan tayo pag-nagkaroon ng PK dito."

Tumango ang tatlo niyang kasama sa sinabi ng lider nila.

Dumistansya muna sila kahit sila ang na unang nakakita sa Wolf King. Ang pwede nalang gawin ay mag hintay at kunin ang mga mahuhulog na gamit ng Wolf King pag malapit na itong mamatay.

Napansin ng lider ng mag malakas na grupo na lumayo ang mahinang grupo sa kanila pero naka abang.

"Mag ingat tayo mukang hinihintay nila tayong umatake sa Boss. Layo tayo!" Sabi ng lider na isang Knight.

Walang umatake sa kanila, Nag-hihintay nalang sila ng pag-kaka taon at pina-pakiramdamanan nila ang isat-isa

Samantala ang Wolf King naman ay napapaligiran ng mahigit 20 na lobo nasa level 5 habang natutulog sa tabi ng malaking puno. Mas mahihirapan talunin ang Wolf King dahil sa mga lobo na istorbo sa paligid.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon