Chapter 55-A: Main Culprit

95 11 0
                                    

Ang buhay ay simple lang, depende sa kinalakihan na lugar, lenggwahe, kamag-anak, magulang, school mates, kaibigan at marami pa ang makaka impluwensya sa ugali ng isang tao.

Binigyan ang tao na makapamili, makapag desisyon ng kanya lang.

Diyos ang nagbigay ng ganitong rason dahilan para magkasala ang tao.

Nabuo ang hindi perpektong mundo na may saya at lungkot.

Dahil walang malakas na pwersa na pipigil tulad ng Dios o ibang paniniwala.

Hirap at ginhawa.

Pero kung sa larong tinuturing na pangalawang mundo ng mga tao sa panahon na ito ay kontrolado ng maala Dios na lakas...

Masaya pa kaya pag ganoon? Parang scripted nalang lahat.

Hindi ata matutuwa kahit sino, diktahan ang iyong mga galaw para sa ikabubuti ng ikararami.

Ito ang kinaiinisan ng mga players ngayon kahit na nakalampas na sila sa teritory ng Orcs.

Maraming players ngayon ang nabigyan ng babala, sa comercial sa youtube, game forum, guild chat, TV gaming advertisement at Virtual TV Shows ay pinababala ng pinakamalakas na Guild ang Ender na walang gagalaw sa Orc or sa Dark Elf.

Kung hindi  sila susunod ay ikukulong sila at hindi na papalevelin sa laro.

Walang may gusto ng ganito, Ang hindi makapaglaro ng malaya. Para kang daga na hahabulin ng players bilang WANTED ng Ender Guild.

Maraming players ang Wanted, Ang mga wanted ay madalas mga PK players, stealers, Boss stealer at marami pang ibat ibang dahilan.

Ang naging pinaka bawal gawin ngayon na magiging Wanted ka ay ang pagpatay nga sa mg Orcs or Elfs.

Ang tanong susunod ba ang mahigit 21 milion players sa ganito?

"Pweeee!" Dura ng isang Barbarian na Wolf sa binabasa nyang dyaryo dito sa laro.

"Huwag papatayin ang sino mang Orc or Elf kung hindi magiging Top Wanted kayo ng Ender Guild, Asahan nyo ng hindi kayo makakalaro ng maayos" Tawa nalang ng Barbarian Wolf ng binasa nya ang balita.

"Sino ba sila! Ang yabang mag-utos ah" Komento pa nya.

"Tskkk ano nangyari sa Ender Guild? May kinakatakutan pa din ba sila? Natalo na ang Iron Rose kahapon ah" Sabi ng Rabit Barbarian.

"Mga bobo nalimut nyo na ba si Immovable, Kaya tatanga nyo e" Sabi ng pusang Barbarian beast na babae na umiinum ng orange juice.

"Makabobo ka wagas, Ano kaya mangyayari pag may napatay tayong Orc o Elf?" Takang tanong ng Rabit na Barbarian.

"Abay malay ko" Sagot ng babaeng pusa na Barbarian.

Nag uusap lang sila sa labas ng karenderya na gawa ng player din na isang cook ang class habang nakain ng karne pang barbecue, Hindi nagtagal ay napansin nilang lumilindol ang buong paligid.

"Ano meron?" Tanong ng Wolf sabay dungaw nya sa bintana habang ang Rabbit at Pusang Barbarian ay lumabas ng pinto.

Napalabas ang lahat players sa bawat bahay o building nilang pinang galingan at tumingin sila sa Gate ng City na ito.

Napansin nila ang parang pabilog na Wave na dapat makikita lang pag malakas ang echo ng hangin.

Ignorante pa din sila kahit na nakita na nila na nawasak ang malaking pader na may taas na 20 metro na parang inanod na tumalsik sa langit kasabay nito ay paglamon sa kanila ng mga semento ng building at lupa.

Lumubog ang lupa pabilog sa mabilis na paraan at nagunaw ang kanilang kinatatayuan na parang katapusan na ng mundo.

Ito na ang masasabi nilang pinaka nakakatakot na nangyari sa kanila mula ng nag simula sila sa laro.

Sa nangyaring ito, nabura sa mapa ang isang syudad na dating tinitirhan ng mga Orcs at lahat ng maghigit 200,000+ na nandito player ay namatay nalang sa isang iglap.

----------------

Sa isang forum ng youtube, Tiktok or facebook ay makikita ang mga videos ng mga players kung paano sila namatay na akala mo nabagsakan sila ng Nuclear Bomb.

"Walang hiya, ano nangyayari sa laro? GM GM sana may GM!"

"Grabe bakit may mga sumisira sa mga syudad ng Orcs?"

"Ender Guild ano na! Bakit may ganitong event ni hindi kami makapalag, sayang mga equipment ko at level ay!"

"4 City at 9 Town na ang naglaho, isa ako sa mga namatay sayang mga quest ko ano ba nangyayari?"

"Hoyyyy dalawang beses nako namatay sayang level at mga nahulog kong items dami kong ginastos para lang makuha mga materials para sa sword weapon ko ano ba yan"

"GUYS GUYS! BASAHIN NYO ITO! MAY MGA PLAYERS DAW NA PUMATAY SA ILANG ORCS SA VILLAGE LEVEL! KAYA DAW GINUGUNAW DAW ANG MGA PLAYERS BILANG BABALA!"

"Comment na nasa taas, Hindi ko alam kung sino ka pero sino naman nagsabi saiyo nyan?"

"LOL Meaning ito ang parusa sa pagpatay sa mga NPC lang? HAHAHA Gago eng eng mo"

"Taga Ender Guild ako OLVIENBOY name ko sa laro, hindi ako sigurado sa sitwasyon pero ito warning sa amin ni Immovable, Kaya guys wag kayo mang Trip kung hindi damay damay tayo!"

"Ouchhh Immovable na naman ang feeling hari na yan"

"Sheeetttt Si Immovable bakit pa naglalaro yan ang daya naman"

"............Papatay nalang yan para mawala na sya"

"HAHAHAH sama ugali nito!"

"May mga mabuti naman syang ginawa sa Laro eh ang pagtapos sa Silver Giant agad"

"Siraulo! Ano naman ngayon kung talunin nya agad ang Silver Giant kaya naman natin yun basta makapag ipon lang!"

"Taga Iron Rose ka ba? Protect pa more kay Immovable sipsip ka lang sa Boss mo!"

"Sya pala nag Warning kaya pala parang naihi sa takot ang Ender Guild HAHAHA, oh ano na Ender Guild nabubully pa din kayo sa bandang huli?"

".........."

"......"

"...."

Sobrang dami ng comments na halos humigit ng 300 thousand ang insultuhan di lang sa isang video na maraming comments kahit sa mga streamer na pinag uusapan ang topic tungkol kay Immovable.

Sa maraming usapan isa lang ang naging sigurado ng mga players ng Royal Way.

Na si Immovable ang Salarin sa pagpanaw nila.

Habang nangyayari ang mga usapan sa kanya ay nagpapagaling naman si Immovable sa hospital dahil sa natamong pinsala sa kanyang braso. Kasama ang dalawa nyang kapatid na nag-aalala sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa pinto ng kwarto at nagsalita si Immovable/Deon na pwede silang pumasok. Sa pagbukas ng pinto ay pumasok ang mga pulis mahigit walo at pinalibutan si Immovable mismo sa oras na ito.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon