Chapter 45-B: Pity

129 18 4
                                    

Simple lang naman nangyari ng dumating si Immovable, parang artista na nakipagkamay o naki-fistbumb ang mga Guild master kay Immovable ganun din ang ilang core members ng bawat guild na malakas. Akala mo talaga may dumagsang artista na pinagkaguluhan ng fans o presidente ng ibang bansa na mataas ang respeto na kanilang pinapakita.

Syempre si Immovable randam nya ang pag welcome ng Serve 4 sa kanya, Sa gantong sitwasyon mag-aangas pa ba sya?

Kaya masayang nakisama si Immovable nakipag inuman pa nga, Basta mga lalaki mabilis at madali lang ang paraan para magkakilala, Sa hawak na alak kung baso ang hawak ng mga below 2.2 meter na player si Immovable naman ay isang Barrel ang hawak na alak dahil sa kanyang laki. Para syang nakikipag kwentuhan sa mga bata sa taglay nyang katawan.

Lumipas ang halos dalawang oras napunta na sa business ang topic, Dito na nagkaroon ng pagkakataon si Whiteblood na katabi ni Immovable kanina pa na pag-usapan ang pagtalo kay Silver Giant.

Lahat naging seryoso dahil si Immovable lamang ang may kakayahan sumira ng depensa ng Silver Giant Gorilla. Kaya naman nagkakausap na sila tungkol dito para hindi na maubos ang oras.

24 hours lang kasi ang limit ng teleportation stone na nakuha sa nila beginner kingdom ng server 4 dahil sa quest. Rare item ito na 2 lang meron sila sa buong server 4. Sa pagkakatanda ni Immovable 3 lang nakita nya ganito ng nangongotong sya sa mga players sa gate.

Ngayon na naisip ni Immovable ito, Ay maari din sya pumunta sa server 2, 6, 7 gamit ang teleportation stone, Ang problema sa mga server na ito ay wala silang teleportation stone sa ngayon. Dito palang makikita na parang mahina ang server 2, 6 at 7. Pero nakipag ugnayan na din si Immovable sa pakikipag usap sa tulong ng kanyang member na youtuber si Weyong ay nag iipon na din ng permanent stats ang mga server na ito para maka alis agad din sa beginner zone nila.

Tumay at lumayo muna sila Immovable at Whiteblood sa mga grupo. Sa isang malayong parte sila mag uusap at mag-tetrade ng items. Gusto sumama ng ibang guild master pero binalaan sila ni Whiteblood kasama ito sa usapan sa pag trade.

"1021 permanent items + 1 teleportation stone, sa sobrang 21 na permanent stone regalo ko na saiyo ito Immovable" Ngiting binigay ni Whiteblood ang items na halos namuo ng maliit na buntok hanggang tuhod.

"Hooo...salamat Whiteblood" Nakangiti din sinabi ni Immovable at dinakot nya agad ang lahat ng item pwera lang sa teleportation stone, attack stats, magic attaack stats, MP stats na itinago nya na.

Pinagpawisan tiningnan ni Whiteblood ang higanteng Leon na kinain lahat ang 1021 permanent item sa kanyang bunganga. 

Ninguyanguya sabay nilunok.

'Se..seryoso ba to? Akala ko pamimigay nya sa kanyang Guild members ang mga ito!? Huwag mo sabihin na.." Nalula si Whiteblood ng maisip nya na ang permanent stats na ito ay madadagdag sa attribute ni Immovable na kanyang ikakalalakas, kung tunay nga ang naiisip ni Whiteblood ibig sabihin si Immovable ngayon ay....

Walang limit ang paglakas!

Ilang segundo ang lumipas lumaki muli si Immovable ng kaunti na galing 4.5 metro ngayon ay 5.2 metro na. Bumuga ng mainit na hangin si Immovable sa proseso na nangyari.

Masyadong madaya si Immovable ito ang sabi ni Whiteblood sa kanyang isipan. 

Medyo natuwa si Immovable dahil lumaki muli sya, Unang rason maganda na may malaking katawan na feeling ni Immovable ay nakasakay sya Gundam, Pangalawang rason maganda ang malaki ang katawan para mas maprotektahan nya ang kanyang mga kasama bilang tank at ang pangatlo ay ang presensya na pagiging malaki.

Sulit na sulit ang plano na ni Immovable na makipag areglo sa ibat-ibang server para palakasin ng sobra ang kanyang pundasyon.

Ika nga kahit nakahubad sya na walang equipment sino makakatalo sa kanya?

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon