Chapter 29: Boring Journey

337 50 1
                                    

Puro lupa na lamang ang makikita sa halos kulay pula na paligid sa tahimik na lugar na ito.

Dito sa lugar na ito ay masisilayan ang nag-iisang natutulog na higanteng halimaw na para bang walang inaalala sa buhay.

May sungay sa noo ang itsurang bakulaw(Gorilla) na pag nakadilat ang mga mata nito ay kulay dilaw pag nakita.

Malaki at meron mga baluti ang braso nito hanggang sa kamao na kulay itim, Parang pinag halong puti at itim naman ang balahibo nito na nag nining-ning.

Walang baluti ang katawan ng higante pero makikita ang matipuno nitong katawan na humihiyaw na para bang hindi na raw kailangan ang mga pananggang dapat.

Silver Giant Gorilla

Ito ang unang Platinum Rank Boss na makikita ngayon sa laro.

Sa itsura palang nito ay ramdam na kung gaano ito kalakas.

Tinitingnan ng Leon na si Deon at ng isang Mage na si Icy ang Silver Giant sa mga oras na ito.

Seryoso ang tingin ni Icy sa Silver Giant dahil ito ang unang beses na nakita niya ang malaking halimaw na isang Platinum Rank Boss.

Parang sa movie lang makikita ang ganitong laki na katulad sa palabas na 'King Kong'

Huminga ng malalim si Icy at nag tanong

"Posible bang matalo natin to aking Guild Master?" Tanong ni Icy sa kanyang Guild Master.

Umiling si Deon habang kalmado niyang minamasdan ang higante.

"Posible pero maraming player ang ma-sasakripisyo" Sinabi ni Deon.

Napatango si Icy na ito nga ang pinaka magandang plano para makuha ang atensyon ng Silver Giant habang ang kanyang Guild Master naman ang bumabawas sa buhay.

"Eye of Truth" Kuminang saglit ang mga mata ni Icy ng sinabi nya ang kanyang skill.

*Name: Silver Giant Gorilla (Platinum) (Enhance)
*HP: 1,000,000
*MP: 50,000

*Atk: 25,000
*Def: 15,000
*M Atk: 0
*M Def: 10,000
*Spd: 800

Napabugtong hininga si Icy habang binabanggit niya sa kanyang Guild Master ang lakas na tinataglay ng Silver Giant.

Tumango nalang ng dahan-dahan si Deon sa narinig habang nag iisip ng plano.

Hindi nila planong labanan ang Silver Giant

Kundi paano nila ito malalampasan ng hindi nilalaban.

Gusto niyang subukan ang mga plano pero hindi nya naman pwedeng isakripisyo si Icy para malaman lang ang mga ito.

Kalahating kilometro ang distansya nila Deon sa Silver Giant at malapit sila sa madilim at malalim na bangin sa oras na ito.

Dahil plano nila ngayon ay...

Bumaba ng bangin

Ang unang plano ni Deon dati ay bumaba ng tulad sa 'Rock Climbing' gamit ang palakol na pang kawit pero ang problema ay masyado siyang mabigat kaya hindi niya ito kaya.

Ang pangalawang plano naman ay ang sinabi ni Icy ang tumalon sila sa ilalim at mabuhay nalang kinabukasan pero ang problema ay hindi naman sila makaka akyat sa kabilang bangin.

Ang ibang plano naman ay hindi pwede dahil ma sasakripisyo si Icy pag-tinuloy.

Literal na imposible na walang hangganan itong bangin, Lahat ay may ilalim na babagsakan pero posible rin na walang hangganan ito dahil isa itong laro.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon