Chapter 18: Good Offer

318 54 5
                                    

Palipat-lipat ng channel ang isang lalaki sa panonood ng TV sa kanyang sala.

Puro tungkol sa Royal Way ang mga palabas at kwentuhan sa bawat programa mapabalita, drama, sports, teleserye, o movie ay laging Royal Way ang pinag-uusapan.

Kaya pinatay nalang ng lalaki ang TV at tumayo sya sa sofa at umalis para pumunta sa kusina.

Nag hilamos sya ng kanyang mukha pero hindi parin sya mapakali kaya inulit nya ito pero hindi talaga sya kumakalma at pumunta na lamang sa banyo para maligo gamit ang malamig na tubig.

Naka babad sya sa bathtub habang humihinga ng malalim para mawala ang inis na kanyang nararamdaman.

Hindi nya matanggap na namatay sya ng ganoon na lamang kanina.

Sya si Kim Yun kung sa laro ang pag-uusapan ay mas kilala sya bilang si Kings Way ang Guild Master ng Kingdom Guild.

24 hours

Hindi lang 24 na oras sya na hindi makakalaro kundi babagsak ang kanyang mga gamit, pera pati narin ang level 35 - 68% experience nya ay magiging level 34 - 0% experience.

Kaunti nalang sana ay level 36 na sya pero naging 0% level 34 ang kalagayan nya parang nabawasan sya ng dalawang level kung iisipin.

"Nauunawaan ko na ang galit ni A-yeong sa player na yun" Binulong nya habang naka tingin sya sa taas at pumikit.

"Immovable"

......

April 12, 2030

Sa isang apartment na may apat na palapag kapansin-pansin ang tangkad ng isang lalaki na nag lalakad patungo sa bilihan ng mga gulay at karne.

Maraming tao sa kalsada na tulad nya ay nag lalakad lang at minsan ay napapatingin sila dahil sa bihira nitong laki at matipunong katawan.

Kaya kahit ang mga siga sa daan ay napapatabi pag nakita nila sya.

Ma ala bato nitong dibdib at braso na akala mo pumipiga ng bakal kung titignan sabay tumingin saiyo ng masama hindi ka kakabahan?

Saglit lang ang pag lalakad niya papunta sa pamilihan para bilhin ang mga bagay na kailangan. Nang nakita na ng lalaki ang pamilihan ay doon na sya pumasok.

Kinuha nya malaking basket para bumili ng pag kain na kanyang kailangan pati narin inumin. Dahil malaking tao sya marami rin ang kanyang kailangan bilhin.

Ikot doon ikot dito hanggang na kontento na sya sa kanyang pinamili at binayaran ito sa isang cashier na babae.

Sanay na ang mga emplayado at ang mga customer na namimili lagi dito sa matangkad na tao na ito, Minsan pa nga ay nag papa picture sila dahil parang Basketball player at Body builder ang itsura lalo na ang mukha na parang Amerkano na may pagka Asiano.

Sya si Deon

Humihikab si Deon sa antok ngayon habang pabalik na sya sa kanyang bahay, Buong mag damag kasi syang nag laro mula sa pag talo nya ng Armored Crocodile papuntang Rock Worm, Hanggang sa pinatay nya ang mga taga Kingdoms Guild at napa amo ang isang Gold Rank Boss na si Magma.

Pag mag lolog-out ang isang player ay mawawala na parang bula sila sa mundo ng Grand Eon pero ang kanilang mga alaga tulad ni Magma ay maiiwan.

Kaya pina-alaga muna ni Deon si Magma kay Weyong na kaka online lang kanina.

Hindi masukat ang saya ni Weyong dahil ito ang unang Pet sa laro. Mas magandang tawagin na unang Battle Pet.

Dahil napapa amo ang aso, pusa, koneho o kabayo sa laro pero bukod dito wala na.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon