Chapter 27: Iron Rose

312 47 1
                                    

Kornay

Sa gitna ng nayon na ito kapansin-pansin ang isang malaking halimaw na tatlong metro ang taas na may habang 14 na metro kasama ang buntot at tahimik lang na pinag-mamasdan ang maraming tao sa paligid.

Ang ilan sa mga player na nakapansin ay namumukhaan ang halimaw na nasa sentro ng Kornay.

"Yan ba yung Magma Lizard sa YouTube ni Morning Sun?"

"Bakit nandito ang Gold Rank pet?"

"Baka nandito rin sila Morning Sun?"

Pinag usapan ng mga player kung anong meron at bakit nasa Safe point ang Gold Rank Pet na parang may hinihintay.

Marami ang player na nag hahanap ng kani-kanilang makakasama pag kulang ang kanilang grupo ang ilan ay nag bebenta, nag papa ayos ng gamit, kumakain tulad ng karne ng Heavy Boar, umiinum sa taberna, nag lalabang NPC, nag wawalis, nag sasampay, Nag luluto o mga simpleng sundalo na nag babantay sa paligid ng nayon at napakarami pang iba na makikita araw-araw.

At nakita lahat ito ni A-yeong

Payapa ang pamumuhay ng mga tao na nasa kanyang paligid habang parang kailan lang nasa bingit sya ng kamatayan.

Inosente ang mga mata ni A-yeong na iniisip, Kahit mamatay sya sa laro ay tuloy-tuloy parin ang agos ng buhay ng ibang player o NPC.

Hindi lang sya ang may kuwento

Bawat player ay meron nito

Umaandar ang oras habang sya ay nag hihintay at hindi mapakali si A-yeong para ikalat ang kaniyang mga mata sa paligid para makita ang kanyang Guild Master.

Gusto nya din makita ang mga na unang miyembro na binanggit ng Leon sa kanya noon.

Hindi nag tagal na kita na ni A-yeong ang Leon na pinag titinginan ng mga player. Nakita rin ni Magma ang pag dating ng kanyang Master at sumigaw ito.

"Roooaaar!"

Nagulat ang ilan player sa biglang pag sigaw ng Magma Lizard at pumunta agad ito sa harap ng Leon para kamustahin ang kanyang amo na parang ma among hayop.

Hinawakan ng Leon si Magma sa noo bilang pag kamusta habang deretso parin sa pag lakad ang Leon para puntahan ang babaeng ngayon lamang tumayo sa kaniyang inuupuan.

Nakita ni A-yeong ang Leon na nakalapit na sa kanya at sinabi "Kamusta na Master"

Tumango ang Leon na si Deon sa pag bati ni A-yeong at sinabi "Ayos lang, Ikaw A-yeong?"

Narinig ni A-yeong ang boses ng kanyang Guild Master at nag dalawang isip sya kung sasabihin nya ba ang nanyari sa kanya kanina o hindi pero sa bandang huli sinabi nya "Ayos lang, Pero may nakalaban ako kaninang mga player"

"Hooo..." Medyo nagulat si Deon

Tumalim ang talas ng mga mata ni Deon habang may na iisip syang teorya sa nanyari kay A-yeong at sinabi.

"Malaki ang tsansa na kalaban mo ay NPC"

"NPC?" Hindi inaasahan ni A-yeong na NPC pala mga nakalaban nya kanina.

"Pag usapan natin yan sa susunod" Sabi ni Deon at tumalikod sya.

"Sumunod ka muna sa akin" Sinabi ni Deon papa balik ang lakad nya kung saan sya nang galing.

Tumango si A-yeong at sumunod

Hindi nakita ni A-yeong ang mga miyembro na ina asahan pero sa tingin nya nasa ibang lugar sila sa labas ng Kornay kaya sumunod sya kanyang Guild Master.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon