Alam ni Immovable o ni Deon na alam na ang kanyang lokasyon, Ang kailangan nalang gawin nya ay tanggalin ang tinik na pwedeng pumatay sa kanya o sa kanyang pamilya.
Kaya tinawagan ni Immovable ang ilang kilala nya na pwede gumawa ng maduming trabaho. Sa ngayon kailangan nya lang palakasin ang security ng kanyang bahay habang 'Nangbubully sya sa laro'
Kaya ng nag log in si Immovable sa laro ay unang lumabas sa notification nya ay ang pagpatay nya sa mahigit 5 million players.
Kahit saang larangan ng online games ay imposible gawin ito.
Nag iba na ang kwento ng laro dahil sa nangyaring massacre sa maraming players, Sa ngayon lahat ng players ay malayo na ang nilalakbay para makapunta sa unang defence line ng Orc ang lugar ng pinaglabanan ng Iron Rose Guild at Ender Guild.
Wala na silang ressurection point dahil sira na ang mga Safe Zone or mga City/Town/Village sa loob ng Orc Terirtory. Para mas mapadali ay nagtulong tulong ang mga players na magdonate ng construction materials para mabuo ang isang lugar.
Mahigit 5 million players ang sama samang nagtungo na parang higanteng ahas na inabot ng limang kilometro ang haba nila. Malaking parade na may dala dala na bakal, bato, semento at iba pa.
Akala mo langgam na may iisang pupuntahan ang mahigit 5 million players, natatawa nalang si Immovable habang nakalutang sya sa langit na pinagmamasdan ang mga players.
Para syang si Superman na nakalutang, magkadikit ang kanyang dalawang paa at nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa likod na nakapahinga at bumulong "Nag sasayang lang sila ng lakas at oras" Sabay tingin nya sa malayo kung saan nakikita nya unang city ng pagpasok nila dito sa All server ang Drawnfate city.
Balak ni Immovable na sirain ang lahat syudad hanggang sa pinaka unang syudad ang Drawnfate para mas mapalayo pa sila sa paglalakbay. Pero alam din ni Immovable na mas lalong mawawalan ng gana maglaro ang players pag masyado nya silang naaapi.
Kaya naman bibigyan nya ng bagong tema ang laro, Hindi tungkol sa adventure ng espada at mahika, Kung ano ang pakiramdam ng katapusan ng mundo.
-------------------------
Sa gitna ng tirik na araw, Naglalakad kami sa oras na ito dala at buhat ang mga kagamitan para sa pag gawa ng simpleng Town level materials, Nakakalungkot na masyado kaming pinahirapan ng Immovable na yun.
Pakiramdam ko wala din saysay itong gagawin namin dahil sisirain din ito agad ni Immovable, kahit alam namin lahat ito ay marami pa din bumoto na gumawa kaysa sa walang safe point.
Sa pangunguna namin kami ang Ender Guild ay nagtungo kami ng mabilis para ipagpatuloy ang main quest ang pagpatay sa lahat ng Orcs at Dark Elves para masira ang plano nilang sakupin ang mga Human, Demon, Elves at Barbarian race namin.
Dahil kami ang Light Alliance at sila ang Dark Alliance base sa game system.
Ang problema ay protektado sila ng Iron Rose...
O mas tamang sabihin na protektado sila ni Immovable.
Kung sa kwento ng movie, nobela, manga o anime ay kami ang bida, kami ang nasa tama. Kami ang sumusunod sa tamang kwento pero...iniiba ni Immovable ang tema habang tumatagal ang laro.
Maganda sana ang kwento, Ako na naglalaro ng simple, gumawa ng aking guild para talunin ang mga Boss level monster tapos makikipag tagisan ng lakas sa ibabg guild at makuha ang kanilang teritoryo. Tapos tatalunin namin ang kasamaan ang mga Orcs, Dark Elves mga Dark Alliance at lalakbayin namin ang laki ng mundo ng larong ito.
Kaso mukang malayong mangyari ito.
Ito kami ngayon, Lahat ng karibal ko mga dating Guild Master na kasing lakas ang aking Guild doon sa dating server namin ay ngayon kakampi ko na, mga pinakamalalakas na Guild Masters sa ibang server at guild nila ay ngayon na iisang Guild na kami ang Ender Guild.
Magkakampi na kami para labanan ang malakas na player na si Immovable.
"Sumablay pa kasi pagpatay..." Bulong ko na talagang naiinis ako.
"Lepson ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Whiteblood sa akin.
"....Ayos lang ako" Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy ako sa paglakad.
"Mukang hindi na tinuloy ni Immovable ang Auction sayang" Komento ni Warbeast.
"Kaya nga, Gusto ko pa naman bilhin ang Leon ko na nag evolve na sa Platinum Rank, Kamusta na kaya kuting ko na yun" Banggit nalang ni Whiteblood.
Tahimik lang ako pati si Northern na mabilis ang paglakad na may buhat kaming mga kagamitan, Natawa nalang ako sa topic nila tungkol sa Auction.
Hindi talaga itutuloy ni Immovable yun dahil may nangyari sa kanyang masama.
Sayang talaga hindi pa sya natuluyan, Habang nag iisip ako napansin kong parang dumilim ang paligid, Natakpan ang tirik na araw ng madilim na ulap.
"Ano nangyayari?" Tanong ni Warbeast habang nakatingin sa kalangitan.
Hindi nagtagal may lumabas na kamay sa lupa at nakita kong hinawakan nito ang paa ni Warbeast.
"Hayop na...Undead..Zombie!?" Takang tanong ni Warbeast sabay hataw nya ng sandata sa kamay.
(Author Note: Ang chapters ay nahati lang sa 3 parts 55-A,55-B,55-C meaning pag pinagsama sama sila isang mahabang words sila. Pasensya na sa mabagal na update busy lang din ako sa works, ML at ibang novels na binabasa)
BINABASA MO ANG
The Immovable Online
AdventureIsang retiradong sundalo na nais mag bago, Gamit ang larong babago sa buhay na kanyang nakasanayan. ..... (VRMMORPG) Slow Start,OP MC,Adventure,Romance ,Fantasy,POV,Love team,Hard Worker,Guild Master,Rank Boss,Smart,Time Skip ,Class, Ranks (E to S)...