Chapter 1

42 4 1
                                    

Lisa's Pov

Kagigising ko lang at wala na si Jennie sa tabi ko. Bumangon ako para hanapin siya pero hindi ko siya makita sa loob ng kwarto namin kaya agad akong bumaba sa kusina.

But to my surprise, I saw her crying. Nakayuko siya sa lamesa habang patuloy sa pagtaas at baba ang balikat niya. Senyales na umiiyak talaga siya.

I walk towards her direction and rubbed her shoulder na agad niyang ikinagitla pero nanatiling nakayuko pa rin. Hinawakan ko ang baba niya at unti unting inangat ang ulo niya para magtama ang paningin naming dalawa.

"Why is my wife crying?" Pinunasan ko ang mga luhang kumakawala sa mata niya kasabay nun ang pagyakap niya sa bewang ko.

"Mahal mo naman ako diba?" I lowered my head, leveling her face and give her a peck on her lips.

"Syempre naman Jennie, Mahal na mahal kita" ngumiti lang siya pero kitang kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

I was about to kiss her lips again when we hear the doorbell rings kaya agad siyang bumitaw saakin at tumayo para pagbuksan kong sino man ang isturbong nasa labas ng bahay namin ngayon.

"Tita Jennie!" Carlos said then hug her tita Jennie.

Carlos is Jisoo and Chaeng's son and how tf that happened? Of course through science! Sobrang advance na ngayon ng science noh. Even two girls can have their own baby.

Kami kaya ni Jennie kelan magkaka baby? Never pa kasi naming napag uusapan ang tungkol sa bagay na yun eh tsaka isa pa gusto ko munang i-enjoy yung buhay na ako muna ang baby niya.

"My baby Carlos is here. Where is your mama and mommy?" sumasayaw sayaw na tugon ng asawa ko sa pamangkin niya habang magkayakap pa rin sila.

"Cous sorry ha? Iiwan muna namin dito si Carlos ah? May pasok kasi kami ni Jisoo at walang magbabantay sa kanya" I smiled at Rosé as soon as she appeared at our main door and she does the same.

"Ayos lang naman sainyo ni Lisa noh?" I nod as soon as my wife nod. Ayos lang naman talaga samin kasi sobrang close samin si Carlos eh. I even treat him as my son.

Pagkaalis ni Rosé ay tumakbo agad si Carlos sakin kaya naman kinarga ko siya and bring him to the kitchen habang nakasunod naman sa amin ang asawa ko. Hindi ko pa natatanong sa kanya kung bakit siya umiyak kanina pero mamaya nalang siguro.

Simula ng makauwi kami galing sa Vigan ay lagi nalang siyang ganyan, minsan pa nga ay parang wala siya sa sarili at ang lalim lalim ng iniisip.

"What's for our breakfast my wife?" hinapit ko ang bewang niya gamit ang kanang kamay ko kaya napalapit siya saamin ni Carlos.

"What does my baby Carlos want?" She pinched Carlos' nose that made the 4 year old baby giggle.

"Bakit si Carlos lang? Ako ayaw mong tanungin?" I pout that made her laugh.

"Alright then, what does my babies like to eat?" I look at Carlos who's actually looking at me as well. We both wiggle our eyebrows as we said "Pancake" in chorus.

Pareho kaming natawa sa inaasta naming dalawa and when we turn our gaze to my wife, she's smiling sweetly.

"Ang cute niyong dalawa...  sige na hintayin niyo nalang ako sa dining area okay?" She kissed Carlos head before we made our way to the dining area.

Iniupo ko si Carlos ng maayos bago ako bumalik kay Jennie para yakapin siya mula sa likod.
"Walang dudang ikaw nga ang reincarnation ni Jennie" I lean then kiss her neck that made her to shiver.

"Lagi niya din akong pinagluluto noon ng breakfast eh" I saw how her body froze a bit before she look at me.

"It's my responsibility to make you breakfast cause I'm your wife" then she return her gaze to what she is doing. Ewan ko ba pero parang ang tamlay ng boses niya.

"Baby Carlos eat up na Ahhhhhh" nakangangang sabi neto sa bata para subuan kaya natawa ako.
Tinitigan niya ako ng masama kaya naman napatigil ako sa pagtawa at seryosong kumain nalang.

"What's funny ha Manoban?" tinaasan pa ako ng kilay. Taray taray talaga buti nalang mahal kitang babae ka.

"Wala ho misis ko. Tumatawa ba ako? Hindi naman ah? Kumakain lang kaya ako" I looked down at my plate while trying hard not to laugh. Nang akmang titingin na sana ako sa kanya, nakatingin pa rin siya at ang sama sama ng titig kaya napaiwas ako.

"Ako wag mong pinagbibiro Manoban ha!" Sigaw niya, I gulped because of that. Mukhang may dalaw ata ang asawa ko. Sabi ko nga dapat hindi ako nagbibiro at tumatawa nalang bigla bigla.

"Ubusin mo na yan at aalis tayo" I looked at her but she's now feeding Carlos.

"Where-" magsasalita pa sana ako ng bigla nalang siyang bumaling sa pwesto ko.

"Sa tabing dagat. Gusto kong makakita ng dagat ngayong araw"

"Sige. Ganyan din ginagawa namin noon ni Jennie noon eh. Kapag wala kaming magawa, sa tabing dagat kami tumatambay tapos namamalayan nalang namin naliligo na kami" tumatawang saad ko pero agad ko ding binawi ng hindi man lang siya ngumiti sa akin. Itinuon niya nalang ang atensyon kay Carlos at pagkatapos ay tumayo na siya karga-karga si baby at saka umakyat sa kwarto.

Anong nangyari dun? Nagkukwento lang naman ako ah? Anong masama dun?

Iniligpit ko nalang din ang pinagkainan namin tapos hinugasan. Nang matapos ay nakangiti akong nagtungo sa kwarto namin.

They are playing at the bed. Sabay silang tumatawa habang kinikiliti ni Jennie ang bata. Ang cute nilang pagmasdan. Lately ko lang nalaman na isa pa ito sa katangian nilang dalawa ni Jennie Kim. They both love babies.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila para sana sumali sa bonding nila pero bigla nalang siyang tumayo na ipinagtaka ko.

"Baby why? Saan ka pupunta?"

"Magbibihis lang ako tapos alis na tayo" she turn her back to us. Hindi man lang ngumiti basta nalang tumalikod.

"Carlos do you want toys? Bibili tayo mamaya?" Carlos smiled sweetly at me kaya napangiti din ako.
Babies are really the stress reliever for everyone.

Makapaglambing na kaya ako kay Jennie that I want a baby too? Baka mawala ang pagiging moody ng asawa ko pag nangyari yun.

Hindi ko na namalayang nakabalik na pala si Jennie mula sa banyo at takang takang nakatitig saakin.

"Nginingiti ngiti mo jan Manoban? iniisip mo babae mo ha?" nakapameyang na tanong neto sa akin kaya napatawa ako. Kahit kailan talaga ang sungit sungit niya.

I hugged her tight "wala akong babae baby. Promise Ikaw lang cross my heart" and I made the sign to her. Ngumiti naman siya pero halatang pilit lang bago ibinaling ang atensyon kay Carlos na kasalukuyang nakangiti habang nakatingin saamin.

"See? Kahit si baby Carlos kinikilig satin" she pushed me away then carry baby Carlos.

"Dinadamay mo pa ang bata sa pagiging maharot mo"

"At least mahal mo" I wink and I saw her genuine smile. At last napangiti ko rin siya. I walk towards them then hug them.

"Tita Lisa let's go. I want toys" sabay kaming natawa ni Jennie dahil sa sinabi ni Carlos.

"You're just 4 years old pero kung magsalita ka parang antanda tanda mo na ah? Hindi ka man lang nabubulol"

"Talented ang baby Carlos namin eh" kinuha ko siya sa asawa ko saka hinawakan ang kamay niya at sabay kaming naglakad palabas ng bahay.

"We'll buy more toys for our baby Carlos" I said as I start the engine then drove away.

For the Second timeWhere stories live. Discover now