Chapter 8

23 2 4
                                    

Lisa's Pov

"Baby come let's have our breakfast" bungad ko sa asawa ko pagkalabas pa lang niya sa kwarto.

Nandito pa rin kami sa bahay ni Lola Iu tumutuloy. Matapos ang eksena kahapon ay hindi na ako kinikibo ng asawa ko kahit ilang ulit ko na siyang tinatanong tungkol sa sinabi ng Jane na yun.

I wanna know the truth but I don't want my wife to be pressured. She's my wife after all at kahit anong mangyari ay ayoko paring nakikitang na i-stress siya.

"I'm sorry okay? I won't ask any questions again I promise" Jennie just nodded bago umupo sa tabi ko

"Wifey bati na tayo please? Ayoko ng ganyan ka sakin" I pout but she ignores me again.

Ano bang dapat kong gawin para pansinin ako netong asawa ko? Do I have to make funny stuffs in front of her?

"Wifey-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong subuan ng sinangag kaya wala akong nagawa kundi kainin ito.

"We'll talk later and this time I promise to answer all your questions" I nodded and continue eating my breakfast.

Pagkatapos naming mag breakfast ay nagpaalam muna kami kay Nayeon na maglalakad lakad muna kami sa labas. Nayeon initiates that she will tour us here but I refuse dahil pamilyar pa naman saakin ang mga daan.

Dinala ko si Jennie sa lugar kung saan ito ang naging paborito ko noon. Not to mention that I always visit this place kapag nagpupunta ako dito sa Vigan. Hindi ako papayag na umuwi nang hindi binibisita ang Lugar na ito.

Pagkarating pa lang namin dito sa bantay kampana ay agad na naupo si Jennie sa damuhan habang yakap yakap niya ang sarili.

I looked at her just so I know that she is crying silently kaya naman agad akong naupo sa tabi niya and patted her back.

"Why is my wifey crying? May problema ba?"
Yumuko lang siya pero patuloy pa rin sa pag iyak kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin at alohin siya.

"hey baby answer me please? I am worried" agad siyang nag angat ng tingin at tinitigan ako sa mata.

"Would you still accept me if I tell you the truth, Lisa?" ngumiti ako

"Syempre naman wifey. Inaccept na kita kahit wala ka pang sinasabi. What more kung sasabihin mo pa ang totoo diba?" She smiled at me back but not the genuine one.

Ngiti na kinakabahan. Ganun ang ngiti na nakikita ko sa mga labi niya.

"I bet you couldn't" tumawa siya ng mapakla bago tumingin sa malayo.

"Ano bang sinasabi mo jan wifey?"

"Nothing Lisa" I nod and look at the sky. Ayoko ko ng kulitin siya. Maybe she'll tell it to me kapag handa na siya.

You can always tell the truth to me wifey, I will listen to every details that you say.

I thought to myself as I watch the blue sky.

Jennie's Pov

Lagpas isang oras na ng pumunta kami dito sa bantay kampana at dahil walang kumikibo saamin matapos ang kunting usapan ay hinarap ko si Lisa ngunit napangiti nalang ako nang makitang nakahiga na siya sa damuhan sa tabi ko habang natutulog.

My Lisa is such a sleepyhead haha

Nahiga ako sa tabi niya and poke her right cheek pero hindi pa rin siya nagising kaya naman dinampian ko siya ng halik sa labi niya.

And deep sleeper too haha

"How I wish telling the truth is that easy Baby" I sighed

"Pero takot akong kamuhian mo ako kapag nalaman mo ang totoo"

Sorry kung nagsinungaling ako sayo years ago.

-Flashback

"Umuwi na tayo" ngumiti ako ng kaunti para itago ang kabang nararamdaman ko.

"What? Nandito na tayo cous" kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kapag tinuloy ko pa ito

"I think hindi ko kaya"

"Sure ka? Ayaw mo ng ituloy?" tanong ni Rosé habang hawak hawak niya ang manibela ng kotse niya at naka titig sa akin.

"Natatakot ako Rosé. Natatakot ako baka hindi ko kayanin yang recreation na yan" tumingin ako sa malayo para i-relax ang sarili ko and sigh deeply.

"Pero paano mo malalaman ang totoo kung hindi mo na itutuloy to?" Napabuntong hininga ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.

"Pwede namang ilihim natin sa kanila right? Wala naman makaka alam" pangungumbinsi ko sa kanya dahilan para tumango siya.

"Unless may kamukha ka and claim na siya Ang totoong reincarnation ni Jennie Ruby Jane Kim" natawa ako sa sinabi niya pero wala naman siguro akong kamukha noh?

"Sure akong wala and besides sigurado na rin akong ako talaga ang reincarnated Jennie kasi what's the point of me dreaming Lisa since I was a child right?" Nawala na ang kabang nararamdaman ko kahit papano.

"Isa pa magaan ang loob ko sa kanya since the very first meeting namin. Ang lakas ng lukso ng dugo ganun" dagdag ko pa.

Rosé nodded and smiled at me.

"So we're gonna pretend na nangyari yung recreation thingy and say to them that -" she wiggles her eyebrows and finish her sentence.

"You and Jennie Kim from the past is one person?" Ngumiti ako at marahang tumango. I hope no one knows excepts us, Rosé and I that I'll lie about that thing.

*Insert cross finger here*

"Basta walang magsasabi kahit kanino ah? I am counting on you cous" she laugh and so I am. Matapos yun ay pinaandar niya na ang kotse at umalis na kami.

-end of Flashback-

"Ayokong iwan moko kapag nalaman mong hindi ako ang Jennie Kim from the past" marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang mahimbing pa rin siyang natutulog.

"Sigurado naman ako noon eh kung wala lang umepal ngayon pero this time I'll be brave enough para harapin yang recreation thingy na yan" nagulat ako ng may tumulong katiting na tubig sa labi ni Lisa.

Hinawakan ko ang pisngi ko at duon ko lang namalayang umiiyak na pala ako.

Fuck this life!

Karibal mo na nga yung past tapos may dadagdag pa and claiming that she is the real one.

Hindi ba pwedeng magmahalan kami ni Lisa ng tahimik? Yung walang kaagaw at walang mang gugulo?

Why do I have to experience this kind of Love life? Siguro karma ko to. Oo tama. Karma ko to sa mga lalaking pinaglaruan ko noon.

Before, ako ang nanglalaro sa feeling nila but now, ako na ang pinaglalaruan ng Tadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For the Second timeWhere stories live. Discover now